masaya mamili, masaya chumika, masaya kumain



October 18

Hindi ako pumasok kasi civil wedding ng kapatid ni RS.Ganon pala ang itsura ng isang civil wedding, simple lang.. sa isang restaurant sa makati ito ginanap then nasa 20 tao lang kaming ndun, so isang function room lang.. dun na gagawin ang kasal by the power of grayskull as solemnizing officer, dun na rin ang picture picture, dun na rin ang kainan.. kung sa mga facilities ba e one-stop-shop.. 

nakakatuwa lang kasi si solemnizing officer e siya na ang nagpa-ayos ng lugar, siya na ang nagsabi kung saan maganda magpicture, in short, siya na ang director ng araw na yun while kaming lahat e waiting lang for the instruction. Nagkataon lang kasi na lahat din kami dun e first time na makaka-saksi ng isang civil wedding.. hehehe.. bakit civil wedding lang? basta it has something to do with the religion. period. 

then kahit pala napaka-saglit lang ng kasal nila, hindi pa rin napigilan nung groom then nung parents nung bride na umiyak. Si groom kasi siguro e napakasaya dahil naging asawa na nya ang kapatid ni RS. Then ung parents naman ni bride, kasi siya lang ang nag-iisa nilang anak na babae. 

so ito na sila, paputian ang laban!!

                                 


 mabilisan lang ang lahat, in like 3 hours, tapos na. so more time to do other things, more time to gala..
since may isang event sa world trade center e napagpasiyahan namin ni RS na tumingin tingin ng kung anu-ano at bumili.. Masaya kayang mamili lalo na't sale!

so for me, i bought boxer briefs na iba't-ibang kulay for only Php150 each, hindi ko alam tatak, mas mura kasi kesa sa armani na Php360.. meron din akong isang armani undershirt (hindi ko na alam kung anung klaseng armani, hindi ako aware sa ganon ha, sorry...) then isang jacket na pang-sangga sa ulan.. hihihii

si RS, puro slippers ang binili, mejo mura na rin kasi ung havaianas. sa mall, ung regular na around Php745 e Php521 na lang,, so keri na yun.. binili niya ang buong family. 

iba talaga ang feeling pag namimili ka, kahit wala naman talaga akong pera..
agree jan si mac, alam ko!!

                                


October 19

umattend kami sa isang "dedication" or binyag in short ng anak nung friend ni RS nung nasa college pa siya then naging co-reviewer na rin niya.. masaya naman though mejo antok ako nung time na yun kasi umaga un e mejo kulang pa ako sa tulog kahit almost 10am na ako gumising.. hihihi..

saglit lang ang eksena sa dedication with prayers from people, ang mas masaya e ang mga chika.. lahat halos napag-usapan nila, mga tao, trabaho, business, ganyan.. kung dati daw e mga plano pa lang kung saan magtatrabaho ang pinag-uusapan nila, ngayon naman e saan na mahusay gagastusin ang kaban ng yaman na kinikita nila..

more chika, more fun, more learning..

then, picture lang ng slight sa photo booth (ako yung naka-blue!)
                                    
at hindi na naman kami nagpa-awat sa event na sale sa world trade center, isinama pa namin sila doon..
at mas madami silang binili kesa sa amin.. hihihi...


October 20

akala ko e wala na kaming lakad pero hindi pa rin pala.. akala ko e makakatulog ako ng bongga pero hindi!!
nananalo pala ang RS ng P1000 electronic gift cheque sa Classic Cuisine (c2) sa robinson's ermita..
so bilang bibo ang mom at kapatid ni RS, ayun, dun na kami naglunch..

ang nakakatuwa pa nito e everytime daw na kakain si RS dun, e may automatic P200 e-gc na rin siya lagi.. hahahaha.. di ba, bongga??!!

and this picture says it all... konti lang smile ko para manly moore ang peg!

                              

bihira na kasi mangyari ang ganitong weekend sa amin ni RS bilang isa siyang busy na tao sa ospitalinda of the world japan at super sagasa ang weekend sched nya...


masaya mamili, masaya chumika, masaya kumain.

:) 

quickie # 15


ngayon na lang ulit ako nakapg-quickie... hihihihi


-------------------------------------------

sa isang trabaho, ano ang ipa-priority mo:

a. your passion for helping out your clients?

b. financial compensation?

-------------------------------------------

nitong mga nakaraang buwan, nahihilig akong magbasa
bukod sa kadahilanan na pampatulog ko ito e mejo nasiyahan ako.
binabasa ko ngayon ung series ng Mortal Instruments.. nasa book 4 na ako.
and nakakatuwa lang, hindi naman kasi ako mahilig sa mga mejo fantasy
or parang may mga wolf, vampire, warlock things..

try nyo rin basahin,, nakaka-bata!

----------------------------------------

october na pala,, ang bilis ng araw,,
2 months to go then 2014 na..
dami pang gagawin, dami pang naka-line na activities for november
lalio na't ito ang buwan ng adbokasiya namin..

----------------------------------------

holiday daw sa tuesday, so mag-ooffset ako ng monday para long weekend!

yey!

---------------------------------------