Boracay 2014 with the fam



Being in the sands of boracay island will never ever be perfect again not without my cousins, uncles and aunties. I truly appreciate them spending a whole 5 days straight with me and RS there. though we didnt join them much in water/outdoor activities, there were the nights when we almost get drunk in clubs and almost get bloated by all the food we ate. 



After this year, i am hoping tht we can all still have the time to get along together, not only here in the Philippines but also in their place. 



I will sure miss them!! 

quickie # 17

so ayun,


para magkaroon ng isang bonggang party, kelangan may maayos na preparation. nanjan ang pagkuha ng isang magaling na event organizer na silang kukuha ng mga clowns, magicians at emcee. 

para super sumaya ang birthday celebrant, sinabihan na ng parents si magician na piliin ang anak nila as the subject sa appear-disappear act.

ang galing nga, super panalo si magician at nawala nga ang anak nya! then maya-maya bumalik na after the "abrakadabra" chant..

ang galing din ng parents, alam na alam nila kung paano magiging masaya ang anak nila.




sa lahat ng bagay na gugustuhin natin, makakaisip tayo ng dahilan. 




**this is to remind me of what happened. fish. 

quickie # 16



it has been what? 3 weeks and going since that day i was ordered into a new workplace. wala akong idea kung bakit, well, meron akong mga naiisip pero inantay ko na lang kung iyon nga ba iyon..

unti-unti naman, halos tama ang aking mga naisip.. 

"di ba alam mong ayaw ko ___________________________?"


----------------------------------------


hindi naman ako mahirap makisama or pakisamahan na klaseng tao, ginagawa ko ang trabaho ko ayon sa kung anung inutos sa akin at sa kung ano ang sa tingin kong tama. minsan nga, out of pagka-bibo e madami pa akong ibang-ginagawa, isa yun siguro kung bakit nakita nila ang tunay kong potensyal pagdating sa trahabong teknikal at administratibo.. ngunit nakakalungkot lang kung ito'y hindi nagagamit ng wasto. 


-----------------------------------------


alam kong malinaw ang aking pag-iisip at may kakaiba akong personalidad. oo, minsan ay mas nakakahigit ako sa ibang tao pero sadyang minsan din, may makakaharap tayo na mas matindi sa atin ang kanilang personalidad at mas may kapangyarihan. 


-----------------------------------------


sabi nga nila, sa lahat ng laban e alam mo dapat kung kailan ka lalaban at alam mo kung kailan ka hindi lalaban.. sa ngayon, hindi na muna ako lalaban. mas mabuting mag-antay ng kahihinatnan.


---------------------------------------


minsan naisip ko na sana naging isang normal na empleyado na lang ako. yung parang hindi masyadong kilala, wala masyadong alam. haaaayy..





**this is to remind me of what happened

need HELP!!





hello everyone!


pagpasensyahan niyo na po kung talagang may kakapalan ang aking mukha.. madaming araw ang lumipas at isang masinsinang pag-iisip ang ginawa ko para sa hakbang na ito.

matagal na din kasi itong picture na ito and nakita na ng iba nating mga kaibigan jan !!  hahahahaha! Then since may approval naman ni RS e i'll share it na lang sa lahat ng tao... 

the only problem i have now, wala akong maisip na caption for this picture.. basta pag nakikita ko ang picture na ito, tumutugtog sa background ung "Sirena" ni Gloc-9.. LOL!!



                           






tulungan niyo naman ako..


thanks!



***ganito na yata talaga pag sabaw na ang utak kakaisip ng mga options to achieve a 2014 goal!

My Happy 2013 (Part 2)



hindi pa natapos ang taon ko.. and im sorry natagalan bago ko ulit natapos ang Part II.. naiinis tuloy ako at may part 1 at part 2 pa ako.. dumami lalo trabaho ko,, chos!


saan na ba tayo??


July
                           

bora-bora lang with friends.. bilang matipid kaming indibidwal, nakaugalian na namin na pumunta sa isang grocery store at mamili lahat ng gagamitin, kakainin at iinumin namin.. wala masyadong grand preparation itong trip na ito kaya less din ang budget.. kung bubuksan nyo ang mga paperbags namin, halos puro alak lang ang laman nyan.. ahihihihi.. gagawin kasi namin, mag-iinom na sa loob ng inn tapos pag mejo nge-nge na, lalabas na sa bar, then since nge-nge na ng very light, konti na lang bibilhin namin na drinks.. mamahal kaya e hindi naman kami tunay na mayaman! mayaman lang kami sa pag-ibig at pagkakaibigan.. charot!!


August
                           

tuloy ang aura at meet-up with college friends,, may grand alumni kasi,, 10 years after na ma-establish ang course ko nun college.. BS Biology ako sa isang munting state university sa probinsya then kami ang first batch. basically, trial and error kami. ahahahah.. masaya lang kasi napakinggan kami kung paano ang arrangement ng mga subjects from first year to fourth year,, 

nakakatuwa lang makita na marami na rin pala ang kumuha ng course ko nung college and makita rin yung mga dati naming professors.. hihihihi... then makikita mo na halos lahat ng may trabaho e may kotse, med rep pala kasi sila.. hihihi..


September
                           
another training ito and bagong challenge ito sa akin.,. kokonti kasi ang kilala ko talaga from this batch pero dahil sa ako si mr.friendship, dumami sila sa aking listahan.. ahahahaha.. pero mahirap din pala pag mabait ka, lagi ka din nilang kukulitin especially pag may problema sila sa unit nila.. hihihi.. 

hanapin nyo na lang ako kung nasaan ako.. hihihihihih....

October

wala akong maalala na ginawa ko ng october.. ewan ko, baka walang something special na naganap.. hihihi... 


November
                          

mahilig si RS sa mga Eat-All-You-Can and isang araw, pag-uwe ko ng fairview e ndon na pala siya para kumain ng bongga, dun sa City Buffet. e di syempre, susunod at kakain din ako.. alangan naman na antayin ko silang matapos.. hindi kasi ako fan ng mga kainan kasi sa figure kong ito, konti lang talaga ang kaya kong ilaman.. hehehehe... takot kaya akong tumaba?! charot!


December
                             
Yey! christmas na!! then ang pinaka-huling aura namin e nung December 30! kasal ng barkada namin sa batanggas,, so from quezon e bbyahe ako papunta sa taal.. masaya naman umattend ng kasal lalo na't ung mga wedding coords e barkada namin.. (note the 3 marias above).. di ba? connection lang ang ginagamit para makatipid sa gastos.. hehehehe..

bukod sa kasal na ito e birthday ko lang naman nung December 30.. That was the first time in 4 years na magcelebrate ako ng birthday ko na kasama si RS.. basically kasi since christmas vacation, nasa province na ako then si RS sa Manila.. masaya nga pala talaga pag kasama mo ang mahal mo sa buhay sa isang espesyal na araw.. charoooot!!!






tuloy tuloy pa rin naman ang ligaya! dahil sa 2014 na, more plans na ang nakahanda,, kelangan na lang e ang undying motivation at prayers para maisakatuparan ito!!

gow!














My Happy 2013 (Part 1)



and since tapos na ang 2013, masaya ako kasi buhay pa ako at 2014 na!! yey!

mejo madami na rin nangyari sa akin / amin ni RS this year.. very fulfilling naman though come November - December, mejo naging sad ako.. :(

pero let's focus first on the year 2013 and how it has been to me!


January
                
this is the first time na i had a super short hair kaya mejo achievement ito sa akin. akala ko kasi mukha akong sisiw (though mejo nga) pag nagpa-uber short ako ng gupit. na-feel ko kasi na naging gwapo naman ako (chos!) and nagmukhang manly (double chos!!) the picture was taken by RS sa KFC, maganda kasi ung ilaw noon.. ahahahha

sorry pala ha kasi ito pa ang una kong pinost na picture,, ako pa talaga.. hehehehe


February
                
tuloy pa rin ang saya! first getaway yata namin ni RS yun,, We went sa Playa de Calatagan. Bongga naman ang aura dun kasi galing ako noon sa Laguna, so dumerecho ako sa Tagaytay para doon nila ako daanan, pero since na-ospital on the way yung driver nila (food poisoning), bumaba ulit ako ng laguna.. effort lang noh?? 

Buti na lang, hindi kami nagpapigil ng aura namin nun! masarap mag-beach at mag-camping kunwari sa sand na natulog kami sa tent and all..



March
                 
ang picture eksena na ito happened sa ihop, ung kainan ng mga pancakes and all. Hindi ko matandaan kung saan kami galing nyan eh, basta magkakasama kami ng mga friends namin na mag-aasawa at magbboyfriend with their anak. Simple sharing of moments lang kami since bihira na rin kaming magkita-kita.

going back sa ihop, masarap naman siya kasi marami silang choices ng syrup panlagay sa pancakes nila and mejo mahal ang food (para sa akin na mahirap). ang haba haba pa ng pila noon, waiting waiting talaga ang eksena bago ka makapasok..pero siguro ngayon, hindi na ganoon katagal kang mag-aantay kasi siguro sawa na rin ang tao.. LOL!


April
                  
sa favorite restaurant namin ito ni RS, sa Northpark sa trinoma.. love na love talaga namin ang food doon.. kasama namin si faghag shine na wala pang jowabels hanggang ngayon.. ung unang kiss daw niya, beks na ngayon (feeling ko e may sumpa siya or baka naman hindi pa nakikita si one true love). hehehehe..

mejo funny para sa akin ang event na yan kasi supposedly e isursurprise ko si RS. so umagap ako ng alis sa office, then nung nasa trinoma na ako e tinawagan ko siya kung nasaan siya.. pasakay na sana ako ng van nun going fairview, buti n lang nalaman ko na papunta na pala sila sa trinoma! ahahahaha.. kung hindi ko pala tinawagan e magkakasalisi kami.. hehehehe... saya lang noh?! epic fail surprises!


May
                   
panahon din naman ng mga reunion,, ayun! alumni homecoming ba, 10 years after graduation. masaya lang kasi nakita ulit namin yung mga classmates namin and of course, yung mga teachers at mga madre sa school namin.. hindi lang naman kami ang pumunta, andon din yung mga ibang batch na mas matanda sa amin. raffle raffle at presentation din tapos syempre, inuman sa kanya-kanyang lugar after the event sa school.


                   
isa pa pala ito sa feeling ko achievement ko, nakapunta ako ng surigao!! kung hindi naman dahil sa office ko e hindi ako makakapunta! ang mahal kaya ng ticket.. hahahaha.. i realized there na maganda nga pala talaga ang pilipinas kasi sa surigao, ang dami-daming magandang beach at caves.. 

again, salamat office!


June


more work more fun! training program sponsored ng office namin,, masaya lang kasi kasama yung mga friends ko from the region.. since 2 weeks training yun, stay-in sa hotel, gabi-gabi kaming magkakasama and nagsasaya!! 
i remembered, every night e iba't-ibang room ang host for the night party.. 
im just so proud of them kasi kahit madaling araw na kami natatapos, nakakagising pa sila for breakfast ng 6:30am and makapag-start ng sessions ng 8:00am exact!

kakamiss lang sila talaga!




------------------------------------------------------------

oh, half year na lang muna,, next entry ko na lang yung second half.. hehehe..
ang saya-saya lang talaga and kalahati pa lang ng taon, naisip kong madami na din palang nangyaring nakapag-pasaya sa akin.. :)


:)