bakit nga???



meron akong kaibigan na masarap kausap.. kausap ha, hindi yung kung anong masarap na nasa isip nyo..hehehe.. minsan lang kami magkita pero pag nagkakaroon kami ng panahon e sinusulit namin yun para masabi ang lahat ng tumatakbo sa isip namin. syempre, kasama na dito ang pag-aanalisa ng mga bagay-bagay.

habang nag-uusap kami, may naisip kami na hindi rin namin alam ang sagot. or baka alam niya, hindi nya lang sinabi, basta ako, hindi ko alam ang sagot..hanggang sa umuwe ako ng bahay hanggang dito sa opisina e iniisip ko pa rin at nagtanong-tanong ako...

ang tanong:

"bakit minsan naiinis ka sa isang tao kahit alam mo naman na walang ginagawa sa'yo?"

ito yung tipong okay naman kayo, kaswal naman kayong nag-uusap pero naiinis ka sa kanya.
hindi naman yung super inis, pero basta naiinis ka.. hihihihi

sa pagtatanong ko, ito nakuha kong sagot:
  - dahil meron tayong standards sa isang tao o sa isang kaibigan?
  - dahil insecure ka sa kanya?
  - dahil wala lang (pero hindi pwedeng wala lang eh...) 


haaaayy..

pampagulo lang.. may maisip lang..  hihihihi

9 comments:

  1. hanggang ngaun di ko pa rin alam ang kasagutan sa tanung na yan, marahil siguro sa past life natin naging kalaban o kaaway natin sila??

    ReplyDelete
  2. malamang insecure ka lang mars sa knya hahahaa

    ReplyDelete
  3. Minsan sumasagi din yan sa isip ko. :P

    Pero ang pinakamalapit na sagot siguro eh, yung taong yon, somehow/in a way, ay nada-damage nya ang ego mo.

    ReplyDelete
  4. Hmn, siguro, sadyang hindi lang magka-swak ang personality ninyo.

    ReplyDelete
  5. @axl>> past life?? pede rin kaso mas mahirap yata na iexplain un ah.. hehehe

    @mac> hindi ako mars, si keme un.. hahahaha.. insecurity?? mejo hindi e sa tingin ko..

    @geosef> will it also account for insecurities?? i dont know..

    @norte> yan ung "ganon lang talaga"

    ReplyDelete
  6. I think its the standard.

    ReplyDelete
  7. pede sis leo.. sa taas ba naman ng standard natin di ba?? chos!

    ReplyDelete
  8. Minsan tlga may tao na indi mo feel eh , pero sguro insecurity un

    ReplyDelete
  9. may ganun tlga....minsan di mo feel yong tao...kahit anong gawin mong intindi..chossz!

    ReplyDelete