Quicky #11 (kiko and bora)

hello hello hello..


well,, this is just a quick post..

last sunday, i had my haircut at maikli na ulit siya.. tapos napansin nung isang staff sa salon, lagi daw ako nagpapagupit, sabi ko hindi naman, every month lang.. ayaw ba niya yun, kumikita sila dahil sa akin?

then after nun, nagkita kami ni RS sa divisoria, grabe, first time kong pumunta dun na mag-isa at ang galing galing ko, hindi ako nawala, nakapunta ako dun sa sabi namin e pagtatagpuan namin ni RS ng hindi naligaw! clap clap clap.. daming tao pero pagpasok namin ng 168 mall saka yung bagong 999 mall ba yun, konti lang people,, keri lang para hindi ka na eksena na makipagsiksikan.. pak! kumain kami dun sa foodcourt na may mga tindang pansit, parang HONG WANG yung name nung restaurant, bsta sa dulo yun at yum yum naman ang pansit.. tapos we waited until magbukas yung night market, i've seen kung panu siya nagbuild-up, from scratch na puro bakal lang then sa isang kurap mo, buo na yjng store nila.. galing galing tlga...

at ito na ako, nung bagong gupit.. parang bata lang noh? char! ambisyosa!! parang papa-pciture lang sa 2x2!! at tingnan mu un food oh, halatang hindi ko kinakain yun gulay.. ahahahaha




at anu ito?


charaan!!! as of now kasi,, andito na kami ni RS with his workmates sa BORACAY!! first time ko dito pero hindi ko first time na makakita ng white sand, dami kaya ng ganyan sa aking province.. we'll be staying here until saturday and nararamdaman ko na,, mag-iibang kulay na talaga ako!!


vacay vacay muna ako dito,, tanggal stress! dagdag beauty! choz!


happy happy week everyone!!




yours truly,

ceiboh / kiko

RS : Happy Birthday !!

let's make this plain and simple..



(sige, matulog ka lang jan, kasi alam mu, pag gumising ka na,
you have to finish your workloads na.. ahahaha!!)


"HAPPY BIRTHDAY RS!!"


May you continuously be blessed by God compensating all of your hardships in life. Living with you for less than a year and going allowed me to see how you handle things in life, and what can I say?

you live by your own principles,

sometimes careless about other people,

sometimes as long as you want it, you'll go with it..

I guess it's one of the things you taught me, to stand for and on what I know is right and nevertheless should be right.



I love you and I want you to know how lucky I am to have you!

I am wishing you a hell lot of years to live an orgasmic life,

with yourself,

with your family,

with your friends,

and with me..



Again, Happy birthday!!




2 years and going...


last March 18 ,2011

it's RS and I's



2nd year anniversary as a couple..


di ba bongga? pero ang eksena, we didn't make any celebrations. Normal na pagbati lang sa isa't-isa then off for work. We didn't had any special dinner or date.. Siguro sanay lang talaga kami ng ganon plus I thought, hindi yun na-remember ni RS.. hehehe.. but he did remember, he said something like:

"for two years of being together"

sabay bigay ng gift na ito..




wala siyang name, bsta yun na yun,, ang cute cute di ba? at lagi ko siya hug pag gabi at matutulog na ako.. ako naman, walang gift for him na kasing bongga ng bigay niya sa akin..

I was to give a strabucks tissue na may nakasulat na poem, naalala ko kasi na that's the very first place where we had our first date, first talk, first laugh together. Yun ang lugar na kung saan, we came to realize that we're compatible.. ahahaha.. kaso until now nahihiya akong ibigay,, ewan ko kung bakit,, bsta, nahihiya ako..

so, ito na yung tissue with some writing, actually it's a poem na ginawa ko, It might be simple but I know, I made it out of my sweetness and love for him.. and until now, nasa akin pa rin.. hehehe..



But last Saturday, I guess, yun na ung celebration namin, we went out with his family, pashal pashal lang around around then went to eat some good dinner and went home. Domesticated weekend lang ulit kami, walang malars na eksena or nomo jan, ewan ko, mas masarap sa panahon ngayon ang magpahinga daw kasi eh,.

But wait, there's more, on Friday, birthday naman ni RS! di ba ang bongga, at mahihirapan na naman akong mag-isip kung anu pwede kong ibigay as a gift to him. Hindi naman choosy ang RS, kahit anu okay sa kanya, pweo di ba, pag special yung someone mu, minsan gusto mu, special din yung bibigay mu.. haaayz,, bahala na ulit, i know, i'll come up to something he'll like naman..

basta, better to post late than never..


HAPPY 2nd ANNIVERSARY to us!!

Quicky #10



already midweek..


no deadlines..


no submission of reports..


no pending vouchers..


nothing..


nothing to do..


but still feeling restless..


hmmmm... why is that so?


i don't know..


??

pampa-GV for me...




Share, Share, Share lang ang drama ko ngayon, Last nght, I watched a thai movie, luma na naman siya e nun ko lang siya napanuod. Ang title, "A Little Thing Called Love" starring yung si Mario Maurer, ung hot na thai actor na meant to be sa akin pagdating ko sa kabilang buhay. char!! ahahaha.. yung bida sa "Love of Siam" well, hindi ko lang alam kung may hindi pa may kilala sa kanya..


Anyway, the story is about a girl named Nam who had a crush with Shone (Mario Maurer) na she became extremely, as in to the highest level motivated para magbago, ung looks niya, the way she dress herself then yung maging smart and top sa class nila para lang mapansin nitong si Shone. Tapos yung girl, meron siyang mga friends na, sabihin na natin, hindi pa uso noon ang kagandahan sa panahon nila. hahahaha.. pero uber supportive naman to her. It's a cute romantic comedy thai film na talagang tumawa ako at super kinilig.. hehehe.. at eto ka, sabi ni ms.trailer, based on a true story daw yun.. hehehe...

hindi pa ako masyado maka-get over ngayon, it's one of the reasons why i am smiling so BIG,, parang more more GV lang talaga today hanggang weekend.. hehehe...

kaya kung may time kayo, search niyo na lang muna trailer kay Lord Google to see if you'll like it, then if OO, go ahead na and watch the film.. Now na!! hehehehe...


Happy Great, Happy, Orgasmic and Partey Partey Saturday and Sunday to everyone!!!


^_^

some of our FIRSTs...


i just don't know if this is like a preparation for our upcoming anniversary na hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung anu gagawin ko / ibibigay ko as a gift / surprise ko for him (for RS).. hehehe..

and so, during one of my idle moments here in the office, yung pang-alis lang ng stress, i went through some of our pictures ni RS and seen na marami pala kami pics na together na syempre first namin..

the first date we've had, sumwher dun sa dapitan, pasta place yata un, basta they serve good pesto there.. at maganda yung set-up, so try nyo na rin.. hehehe



the first time we went to Puerto Galera, this was way back in 2009 at sana, ngayon year na ito e makapunta ulit kami.. hehehe



the first time we went to MOA, hindi naman sa hindi pa ako nakaka-punta pero first time na kami lang magkasama, kasi ngayon with the family na lagi.. hihi



the first time we attended and be part of our inaanak's 1st birthday. then ang nickname niya e baby RS din. hehehe.. ang cute di ba??



the first time we attended the quad celebration ng UST.. siguro kung mag-aantay pa kami ng another 400 years e hindi na possible.. so mejo first and last time na ito..



siguro kaya first kasi unang beses di ba? or kasi hindi naman siya kasama ko o hindi pa ako nakakapunta dun.,. hehehe.. pero may napansin lang ako, siya mejo nagbabago ng looks, ng physique, built, pero ako, parang hindi, parang buhok lang tapos payat pa rin.. haaayz.. hehehehe... ganon talaga siguro pag magaling mag-alaga?? char!! LOL

and upon seeing these pictures, naisip ko, madami pa akong gustong ma-experience na first with him... eeeeeeeeeeeeeehhhhh.... yun ang banat eh... LOL!!


happy working week lang po!!

^_^

What's my Name??


from XXXXXXXXXXXXX
What do u think of XXXXXXX?

i replied
i think he's nice... but i haven't seen him nor talked to him personnally// everyone has something good within themselves

from XXXXXXXXXXXXX
uhm, cge tatandaan ko yan ;)

i replied
hmmm.. bakit naman? un lang paniniwala ko.. hehe
(halatang nakiki-chismis lang ako noh?? ahahaha)

from XXXXXXXXXXXXX
wala lang naman ahahaha :)

i replied
ikaw naman,, what do you think of ceiboh (me?)

------------------------------- hindi ko na itutuloy... ahahaha

isang pag-uusap ko at ng isang kaibigan (kung mababasa mu ito, alam mung ikaw ito.. eeeeeeeeeeehhhhhh.... hihihi... )

at dahil dito, meron akong mga naisip bigla.. kung bakit ceiboh pa ung ginagamit kong name, e pwede naman kiko tapos pag sa facebook e hindi naman ceiboh ang gamit ko kundi keemo.. pwede rin naman na rebecca, veronica or simply agatha. ahaha..naku, hindi ko na rin alam kung bakit.. pero masaya naman ako kasi at least, naalala nung iba kung anu ung name ko at kung anu itsura ko..

naalala ko pa nung college ako, ang screen name ko naman e RAP-RAP, di ba parang bata lang., ang gusto ko kasi sana na name e RAFAEL MANUEL pero hindi yun ang binigay ng aking mga magulang.. so para kunwari ma-feel ko na ako si RAFAEL, e RAP-RAP ung sinabi ko na name ko. umabot din ng isang taon ang paggamit ko sa name na yun hanggang nalaman na rin nila na hindi yun ang name ko.. hehehe.. ang saya lang di ba?? sigaw dun, tawag dun e hindi yun ang pangalan ko.. LOL

then sa tulong ni Lord Google, i searched kung anu ba ang ibig sabihin ng real name ko (dalawang ung first name ko po) at dahil sa na-search ko, malalaman niyo naman siguro kung anu real name ko.. hehehe

yung una:

Gender: Masculine & Feminine
Usage: English, French
English form of a Late Latin which meant "Frenchman". This name was borne by the 13th-century Saint, who was originally named Giovanni but was given a different name by his father, an admirer of the French.
Due to the renown of the saint, this name became widespread in western Europe during the Middle Ages. However, it was not regularly used in Britain until the 16th century. Famous bearers include Saint, missionary to eastern Asia, philosopher and scientist, and an explorer and admiral. In the English-speaking world this name is occasionally used for girls.

then yung pangalawa:

Gender: Masculine
Usage: Biblical, French, English
Other Scripts: עִמָּנוּאֵל (Ancient Hebrew)
From the Hebrew name עִמָּנוּאֵל meaning "God is with us". This was the foretold name of the Messiah in the Old Testament. It has been used in England since the 16th century. The name has been more common in continental Europe, especially in Spain and Portugal.


tapos meron din akong nakita na analysis naman ng name based on kabalarian phiosophy (ang lalim noh??) basta ang sabi dun e it'll give the meaning of your name using the mathematical principle as explained by the kabalarian philosophy. e hindi ko bet yung mga reults na lumabas kaya wag na lang..

ikaw ba naman ang lagyan ng ganitong meaning sa first name:

"This name, when combined with the last name, can frustrate happiness, contentment, and success, as well as cause health weaknesses heart, lungs, bronchial area, and tension or accidents to the head."

haay,, bago pa ako ma-frustrate sa kung anu mang kabalarian philosophy na yan e hindi ko na tinuloy, basta hindi ko bet!! kung gusto niyo, check niyo yung sa inyo here.. baka mamaya mag-away pa kami ng parents ko for giving me such name e nakaka-frustrate pala ng happiness yun.. LOL!!

ching!


and with that note, anu na ang name ko?? LOL


(name info taken from here)

huling hirit na...


hello march!! hello 2011!! hello summer!!

at syempre,, hindi naman ito part 4, magthanks lang ako kay kuya moks for sending his greeting sa akin.. huling hirit ko na ito.. hehehe... mejo daring ba?? e siya na!! ahahahaha... pero hindi ko alam, parang nananakot siya eh.. LOL



lately, may mga kakaiba akong napapani-gi-ni-pan, or bsta mga nadi-dream ba sa gabi,, naalala ko, one time, si "mateo" at "sam" dun sa teleserye na IMORTAL then kagabi lang, si "mutya" ahahaha.. natatawa nga ako sa sarili ko kasi more more yata ang attachment ko sa pagpanuod ng mga teleserye kaya hanggang dreams e nakakasama ko sila.. LOL

at dahil march 1 ngayon, ang saya - saya nila kanina dito sa office. mejo hindi kasi ako naki-eksena e kaya hindi ko alam ang more more details. bsta sa loob ng training room namin, kung san nag-stay yung other officemates ko, may hinanda silang surfrisa for KUYA JHAY, ang aming pharmacist na nakakatuwang kasama. super bait at laging ganito ang line niya pag may itatanong:

kiko , may tanong ako, seryoso yung sagot ha, hindi ung joke joke..
(kasi, alam nila na kahit mali na ang sinasabi ko minsan e seryoso pa rin ako.. hehehe)

May mga food na ready at malaking banner ng HAPPY BIRTHDAY! at ang mag-jowa naman e naka-red,, hangsweeet di ba? may cake, spaghetti yata tapos hotdog-on-sticks.. hehehe.. then meron party poppers, ung nagbo-boom pag twisted siya.. eeeeeeehh.. sayang talaga at hindi ko nakita eh...


ito si kuya jhay at ako, sa isang aspiring jump shot na hindi namin makuha-kuha ng tama.. di ba parang tanga lang.. ahaha.. pero ganda ng view di ba??


at ito during breaktime at the same day, feeling ko kasi malakas ako.. LOL


anyways, happy birthday na lang ulit.. hehehe

^_^