Birthday ko!

Isang magandang araw sa inyong lahat!! Nais ko lang sabihin na dapat maging masaya ako sa araw na ito dahil sa mga kadahilanang ito:

1. Nakauwe ako ng maayos at ligtas sa aming probinsya

2. Nakapiling ko na ang aking mama at daddy

3. Nakita ko na ang aking ninang, lola, pamangkin

4. mejo nakakapagpahinga na ako dahil sa walang pasok sa trabaho

5. Nakapag-reunion na with Highschool friends and hindi ako nalasing

At syempre, ang pinaka-importante ay:

6. Birthday ko ngaun! Eeeehhhh..

Pagkagising ko kanina mga 10-ish AM, I woke up and saw greetings through text. Facebook, twitter, verbal (from parents and pamangkin) at oh, sinabi ng mama ko na yun ung oras na pinanganak niya ako.. So officially, birthday ko na talaga!

Masaya ako at buhay pa ako, araw-araw nakakaramdam pa, patuloy na nagkakaroon ng pangarap, nagpapasaya sa mga nalulungkot at pinipilit na maging isang kapaki-pakinabang na tao.

Salamat po Lord sa buhay na ito!

Plans for my birthday?
Uhm... Wala pa naman, tambay lang. I don't know yet, bahala na si batman! Ahahahaha


:))
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Merry Christmas 2012!

I guess this has been my 2nd time to welcome Christmas alone.. First was when I was still in the BPO and second will be this 2012.. I have no work but RS has and my fam's in the province. Bakit kasi nakapag-compromise pa ako na pumasok sa 26th.. Ahahaha.. Pero okay lang.. Sabi nga ng iba, it's just like any other day, you can sleep and wake up na parang wala lang.. But considering the tweets and fb posts I've been reading, naiinggit ako ng slight. Sabi ko nga, "hmmmm. Sayang, sana ganon na rin ako. My choice naman ako." Pero it's too late and I have to live with it..

Sino naman ang may sabi na I can't welcome christmas na masaya and all? I can find my own ways. Bibili na lang ako ng alak mamaya and some keme to eat.. Ahahaha..

For this post, hindi ako nagddrama ha, gusto ko lang bumati ng Merry Christmas!! Mejo wala na akong wish ngaun na material na bagay. Mas bet ko na ang world peace! Ahaha.. Charot!


Pero ito lang ang kahilingan ko:

Isang patuloy na pagkakaroon ng malusog na pangangatawan para more work, more money and more time to enjoy with family, friends and loved ones..

Naniniwala lang ako na if imy wish will be continuously granted, it'll result to another.. Domino effect ba.. At least isang kahilingan lang matupad e okay na ako..

And of course, hindi lang ito para sa akin but para din sa lahat!



Again. Merry Christmas! Enjoy!!
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

relates...

This is not like a sentiment pero relates (TC term for expressing how you feel) lang..

Siguro nga kasi for the past years of working with the Program, every December, we're given like bonuses or what they call sa amin na CNA.. To clarify, it's really meant for regular employees. However, with their succeeding trend na they gave us the CNA , nasanay lang siguro kami na meron din kami.. And ngayon, dahil sa wala, kulang na lang e sumigaw kami ng sabay-sabay..

Maraming kwento ang lumabas kung bakit hindi kami nabigyan, aside sa reason na contractual pala kasi kami.. Meron story na may ayaw magsign ng cheque for our CNA, meron din story na may group who protested why they won't be able to receive CNA (for FAPs) and meron din na dahil daw na since may 20% increase and basic pay namin e un na daw ang bonus namin.. The what? Bonus na may tax?? Grabe talaga,,

Ang worst pa for this day was that nasira pa ang payroll system, hopefully it'll be fixed as promised and that we'll be able to get our salaries by 8pm..

Nagtatawanan na nga lang kami sa office, and sabi namin e "nga-nga" ang peg this christmas.. Hmmmm.. Okay lang.. Pero sa akin lang, sana naman e naisip nila na ang trabaho namin e tulad lang din naman sa trabaho nila so additonal benefits/compensation would not hurt naman di ba? Ewan ko.. Sabi ko na lang. Kung mero e di meron, kung wala e di wala..

Haaay naku.. Pero hindi na lang ako magpapa-apekto.. I still need to celebrate christmas no matter what. Pera lang yan, mas mahalaga e makasama mo yung mga taong mahal at importante sayo..

I'm sad but I can still be happy..

Advance Merry Christmas!!
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Looking Back 2012 (Part I)





and dahil sa matagal nga akong walang naisulat, heto ako at bumabalik.. charot! hindi naman ako nag-ibang bansa, naging wala lang talaga akong oras para magsulat or magkwento ng mga kaganapan ko..

lagi ko lang nalilimutan, na ang blog ko e para sa mga kaganapan na dapat kong matandaan at maaaring mabalikan balang araw, para masabi ko:

    "ay, ang saya ko naman nun"
    "ay, kakainis nga yung taong yun!"
    "ay, dapat nga pala naging positibo ako"
    "ay, ang ganda-ganda ko talaga!!" charot ulit for the second time!



looking back on what 2012 has brought me:

JANUARY 

(work related)
pumunta sa cebu for a workshop for addiction practitioners. actually isang event/workshop yan na parang ang hirap gawan ng directions, so pag may mga tanung, refer to boss na lang. todo consult pa kami nyan sa mga academes on how we can help out our practitioners na hindi sila maaapektohan ng GCA..

but the nice thing about this trip, was i got the chance to go sa Simala church, to see various images ni Mama Mary. Bawat Mama Mary daw kasi e naka-link sa kung anung gusto mong mangyari. Meron yun gumaling, maka-graduate, magka-boyfriend, asawa or anak. Also, maganda history nung place na it started from a small "tungko" as we call it sa province them by the will of God, bumongga na siya to like a big church..

                                         

                                         



FEBRUARY

(work related)
travel naman to Baguio City! bongga ito kasi hindi naman ako nakakapunta lagi sa Baguio. Ewan ko, so yung punta ko e 3rd time ko palang. Una was with my sister and ex then second was with my family and again, exodus churvah. Wish ko sa 4th time ko e si RS naman kasama ko.. (eeeeeeeeeeeeeeeeehhhhh......)
at dahil nga sa isa akong relihiyosong tao, dumaan kami sa Pink Sisters para magdasal at humingi ng gabay..
sayang lang, hindi ko na makita yung jumpshot ko,.... mula sa taas! LOL

                                       

so, masaya naman ito kasi i got to see old faces na lagi ko nakikita sa mga workshop. Malungkot din on the other hand kasi this was the last activity pala na we'll be with our boss.. huhuhu...

                                      



MARCH

anu ba meron nung March?? naku, wala akong maisip ah... mejo wala pero dito na ako nagstart na maging against kay PM.. according sa mga posts ko nung March, ito na yung time na nagtatanong ako kung galit ba siya sa akin. Hindi kami magkaintindihan, nakikipag-matigasan ako ng very light.. galit-galitan ang peg.. hmmmmm....


APRIL

mejo masaya na ito kasi dito na yung nagpunta kami sa Puerto Galera ni RS after like 2 years yata..

                                     

                                    


Dito yung more more ang inom, less ang kain, more more ang inom.. Dito na rin ang time where I ended drinking coffee kasi feeling ko, basta may high level of caffeine, magpapalpitate ako.. and feeling ko, kape yun! Parang nasa isip ko lang naman pero alam ko pwede na naman akong uminom ng kape.

Lesson learned: 
Huwag kang maliligo sa dagat ng hindi ka pa kumakain, then iinom ka ng kape at energy drink.

Then bumalik ulit ako nito ng Cebu for a Strat Plan, nothing much happened. stayed lang sa hotel then umikot sa usual tourist spots sa Cebu City.


MAY

ito yung month na umuwe ang pinsan ko after 7 years. so nice to see him again..
simple lang mga kaganapan namin, went out to a bar and drink.. nakakatuwa lang nito kasi kahit same age kami, si papa niya was over protective. todo tanong kung paano kami aalis, saan kami pupunta, paano kami uuwe, sino kasama namin etc.

Buti na lang, nakalusot kami at sinabi niya na malaki na siya. "Big Boy na kaya ako!" aahahahaha
and yes, with the time we've had made me realize na, oo nga, may pinsan nga pala ako..






wala pa akong masabi naulit.. and okay na muna ito..
dito na lang muna.. saka na yng June to December.. ahahahaha...

Basta masasabi ko lang, mejo boring pala ng konti ang January to May ko. Puro work-related ang eksena ko, kokonti lang yung masasabi kong ako mismo ang nagdesisyon na gusto kong gawin.. haaaaayy.. anyways, okay lang naman kasi still, I had fun during those activities..

pak!