and dahil sa matagal nga akong walang naisulat, heto ako at bumabalik.. charot! hindi naman ako nag-ibang bansa, naging wala lang talaga akong oras para magsulat or magkwento ng mga kaganapan ko..
lagi ko lang nalilimutan, na ang blog ko e para sa mga kaganapan na dapat kong matandaan at maaaring mabalikan balang araw, para masabi ko:
"ay, ang saya ko naman nun"
"ay, kakainis nga yung taong yun!"
"ay, dapat nga pala naging positibo ako"
"ay, ang ganda-ganda ko talaga!!" charot ulit for the second time!
looking back on what 2012 has brought me:
JANUARY
(work related)
pumunta sa cebu for a workshop for addiction practitioners. actually isang event/workshop yan na parang ang hirap gawan ng directions, so pag may mga tanung, refer to boss na lang. todo consult pa kami nyan sa mga academes on how we can help out our practitioners na hindi sila maaapektohan ng GCA..
but the nice thing about this trip, was i got the chance to go sa Simala church, to see various images ni Mama Mary. Bawat Mama Mary daw kasi e naka-link sa kung anung gusto mong mangyari. Meron yun gumaling, maka-graduate, magka-boyfriend, asawa or anak. Also, maganda history nung place na it started from a small "tungko" as we call it sa province them by the will of God, bumongga na siya to like a big church..
FEBRUARY
(work related)
travel naman to Baguio City! bongga ito kasi hindi naman ako nakakapunta lagi sa Baguio. Ewan ko, so yung punta ko e 3rd time ko palang. Una was with my sister and ex then second was with my family and again, exodus churvah. Wish ko sa 4th time ko e si RS naman kasama ko.. (eeeeeeeeeeeeeeeeehhhhh......)
at dahil nga sa isa akong relihiyosong tao, dumaan kami sa Pink Sisters para magdasal at humingi ng gabay..
sayang lang, hindi ko na makita yung jumpshot ko,.... mula sa taas! LOL
so, masaya naman ito kasi i got to see old faces na lagi ko nakikita sa mga workshop. Malungkot din on the other hand kasi this was the last activity pala na we'll be with our boss.. huhuhu...
MARCH
anu ba meron nung March?? naku, wala akong maisip ah... mejo wala pero dito na ako nagstart na maging against kay PM.. according sa mga posts ko nung March, ito na yung time na nagtatanong ako kung galit ba siya sa akin. Hindi kami magkaintindihan, nakikipag-matigasan ako ng very light.. galit-galitan ang peg.. hmmmmm....
APRIL
mejo masaya na ito kasi dito na yung nagpunta kami sa Puerto Galera ni RS after like 2 years yata..
Dito yung more more ang inom, less ang kain, more more ang inom.. Dito na rin ang time where I ended drinking coffee kasi feeling ko, basta may high level of caffeine, magpapalpitate ako.. and feeling ko, kape yun! Parang nasa isip ko lang naman pero alam ko pwede na naman akong uminom ng kape.
Lesson learned:
Huwag kang maliligo sa dagat ng hindi ka pa kumakain, then iinom ka ng kape at energy drink.
Then bumalik ulit ako nito ng Cebu for a Strat Plan, nothing much happened. stayed lang sa hotel then umikot sa usual tourist spots sa Cebu City.
MAY
ito yung month na umuwe ang pinsan ko after 7 years. so nice to see him again..
simple lang mga kaganapan namin, went out to a bar and drink.. nakakatuwa lang nito kasi kahit same age kami, si papa niya was over protective. todo tanong kung paano kami aalis, saan kami pupunta, paano kami uuwe, sino kasama namin etc.
and yes, with the time we've had made me realize na, oo nga, may pinsan nga pala ako..
wala pa akong masabi naulit.. and okay na muna ito..
dito na lang muna.. saka na yng June to December.. ahahahaha...
Basta masasabi ko lang, mejo boring pala ng konti ang January to May ko. Puro work-related ang eksena ko, kokonti lang yung masasabi kong ako mismo ang nagdesisyon na gusto kong gawin.. haaaaayy.. anyways, okay lang naman kasi still, I had fun during those activities..
pak!
un naman ang importante eh, you enjoyed yourself. :)
ReplyDelete