MAT ko


kanina may pinakita sa akin ang boss ko na isang type ng exam, basta natandaan ko e SRA Mental Alertness Test un. At dahil sa bibo ako, sabi ko sa kanya, sasagutan ko xa. Nagulat naman ako nung sinabi ni boss na for 20 minutes lang yun, aba naku! over naman, pero keri lang kasi hindi naman in real life yun exam at hindi isang requirement dito sa trabaho ko. ahahaha.

so exam, exam, exam.. after 20 minutes, after i-check ni boss..

i answered 100 out of 126 items.

yun pala, hindi naman kelangan na masagutan lahat, pero the more, the merrier yata ang labanan,
sabi ni boss, mas mataas daw yun quantitative ko kesa sa lnguistics,. i got 77.5% sa lingusitics then 97.8% sa quantitative. oh, di ba, bongga si quantitative!!

hindi ko alam kung para saan ang exam na ito, pero basta para ito sa employment..sabi nga nung nag-google ako about the test:


"helps measure an individual's ability to learn skills quickly, adjust to new situations, understand complex or subtle relationships and think flexibly"



at dahil sa nabasa ko, sige, keri na.. siguro hindi ako pang-training ek-ek, baka nga administrative talaga or technical ang forte ko dito sa work ko.. hmmmmmm.... change of job nature ba ito? hindi rin, all around naman ang ginagawa ko dito eh.. hehehe


and to show na totoo un scores, ito xa!




ayun yun Q na 77.5 at ung L na 97.8. ahahaha..
nakakahiya, item 2, mali agad!! vocabulary kasi na ngayon ko lang narinig, ahaha..


:)



update # 8



and yes, ang tagal before ako last nagpost dito ng something nakakatuwa, masaya or may sense. napansin ko kasi na puro update lang dito sa office ang mga sinasabi ko, at buti na lang wala akong officemate na nagbabasa ng blog na ito kung hindi, baka magamit pa ito against me.. ahahahaha.. pero char lang yun, sinasabi ko lang naman ang napapansin ko e, no more, no less.

so to start, napansin ko ang mga behavior, characteristic or sa tagalog na lang siguro, ugali ni PM.
   1. pabago-bago agad ng mood, hindi naman sa moody pero mamaya iiyak siya dahil sa stress mula kay ___________ then mamaya maririnig mo sa room tumatawa na nang malakas;
   2. hindi ko mawari ang kanyang ginagawa, kung nagffunction ba siya as a PM or as a COS for ___________;
   3. pag may isang bagay ka na binigay sa kanya, siguraduhin mong may extra kang copy kasi after ilang days, wala na yun copy niya. basta wala lang, nawala na or hihingi na naman siya ng bago.
   4. mahilig siyang magtask or mag-appoint appoint ng mga tao pero pag nagkagulo na, siya pa ang magtatanong kung sino ang taong in-charge sa isang bagay
   5. mahilig siyang magsabi na "ayaw ko na" pero hanggang sa ngayon, nandito pa rin siya


hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga napapansin ko sa kanya or kung bakit ba pinag-aaksayahan ko pa siya ng panahon, siguro natutuwa lang ako or nakakapagcompare ako ng aking sarili sa kanya. Hindi ko man hawak ang posisyon niya ngayon, naiisip ko lang, na siguro, sa takdang panahon at umabot ako sa kinalalagyan niya, hindi ako magiging ganyan.


sa susunod, maganda na ang isusulat ko, may picture na pati ulit.. ahahahaha


happy rainy season!