text text then meet-up noon and social media ngayon




kanina during lunch, nag-uusap kami nila officemate about mga meet-ups. daming lumabas na stories, ako mga encounters sa kapw lalake then sila sa babae (straight kasi sila) pero hindi ako nagpapatalo..

since uso pa ang text noon, hindi pa masyado uso ang friendster and all:
-pag may katext, naghuhulihan kung sino yung imi-meet
-pag nakita na at hindi gusto, biglang tatago at hindi na magpapakita
-mga SOP tapos iba sa personal ang sinasabi sa text or sa tawag
-may kilig factor, may thrill pag sa text kasi ikaw ang nag-iimagine sa looks ng kausap mo


ngayon na may social media na:
-alam mo na ang itsura ng kausap mo
-pwede ka nang pumili ng gusto mong kausap sa ayaw
-marami ka nang way para makakilala ng tao
-hindi na lang sa text ikaw pwedeng makipaglandian


marami kaming napansin na pagbabago sa mga meet-ups noon at sa ngayon, na meron nang social media..
to top it, nawala na yung thrill sa tingin namin, ung parang pakiramdamam mo sa isang tao pag may gusto kang ma-achieve, ung excitement prior the meet-up, mga ganoong bagay..

ako napansin ko, hindi namn sa dahil may asawa na ako e mas konti na ung mga casual encounters (kung yun nga ang tawag dun).. ung mga nakasalubong mo lang, nagkatitigan kayo, nag-usap and yun na..

kasi parang people now no longer venture to try their luck on the streets and find thrill sa mga unexpected events, mas sigurista na sila kung kanino sila makikipag-usap. Yung tipong, dapat approved on their standards..

ewan ko lang ha,, naisip lang naman namin, napag-usapan. ganon..


:)

para kay MAC!



hoy mareng mac! ito na ang post ko for you ha!! LOL

wala naman akong masasabi jan kay mac..

ewan ko kung kelan kami unang nagkakilala niyan,, pero it's through blogging din. comment-comment lang ang peg nun, naaliw kasi ako talaga dun sa pic niya ng lalaki na may rosas! akala ko siya yun e un pala hindi. (nakakainis, baliw-baliwan pa kasi ako nun saka utu-uto) 

dahil sa bonggang pagko-comment ko e ayun, nahantong naman sa pagkuha niya ng YM ko. OPO! siya ang kumuha ng ym ko,, (kiri kasi talaga yan si mac) pero dahil sa feeling ko naman ay mabait siya, binigay ko.
Isa yan sa mga nangungulit sa akin dito sa office pag wala akong ginagawa kasi mahilig makipag-chat.

Marami na rin kaming napag-usapan ng bruhang yan, ung tungkol ka *tooooot* (yung una mare na napag-usapan niya, ung tinanong mo pa nga ako kung paano ko nalaman di ba? yung tinatanong ko pa nga sa'yo kung nagkita na kayo, i-bbm mo na lang ako kung hindi mo maalala. ahahahaha)

Napagkwentuhan na rin namin yung kay *keme* ung mga naging usapan namin noon.. na paulit-ulit naman niyang sinasabi na kahit siya naman daw e wala na rin contact dun. tahimik na kasi at busy siguro.. 
(yung sinasabi mo sa akin na hindi ako maka-get over e dahil nga sa tinatanong ko nun na bakit naging ganon na lang.. ahahaha)
at dahil sa feeling ko ang gulo ko na e okay lang.

lumipas ang panahon at nagka-twitter na rin si beks so todo emote na rin kami dun.. more more tweets, more more fun.. more more bbm after ilang months until came the uuwe na nga siya para sa isang ganap na pagbababalik bayan! aminin naman natin, parang grand winner ng Ms.Qatar RoadSide Edition ang umuwe kaya halos lahat ng pwedeng i-meet e mineet na niya! Ang mga people from the online world, todo support naman makahipo lang sa napaka-puting kutis ni mac! ahahaha

naalala ko, kinakabahan pa nga ako nung andito na siya sa pilipinas! nag-DM pa nga ako sa kanya nun para lang maibigay ko ang number ko sa kanya.. syempre excited ako na dumating siya at makita.. hindi ako talaga mahilig makipagkita pero dahil nabalitaan ko na bagong gawa ang matres ng kumare ko e kelangan kong makakuha ng mga tips kung paano ito alagaan, at kung mura pa talaga ang nose-lift sa qatar! charot!!
sabi ko pa nga sa kanya na siguro mananahimik ako pag nagkita kami, pupunta sa sulok at hindi makakapg-salita kas mahiyain ako, per dahil emotera ang kumare ko at very warm, e tumaas ang confidence level ko na okay lang palang magsalita, makipagwentuhan and all..

Dumaan ang mga araw at nagkita kaming muli, same thing, pinilit kong tumahimik pero pinilit niya akong magsalita. Tinext kasi niya ako na ihuhulog daw nya ako sa building ng shaw residenza pag nanahimik ako. so sa takot ko, nagbasa ako at nagmemorize ng maraming tula para yun na lang ang ikuda ko.. ahahaha

nagpasko na at andito pa rin siya sa pilipinas, pinaabot pa ang bagong taon at andito pa rin siya. hindi na siya naawa sa mga pilipino at nakisiksik pa sa land area ng pilipinas! LOL!!

pagkabagong taon, at sa kadahilanang makati talaga ang mga paa ni mac, nagawa nilang puntahan ako sa probinsya habang nananahimik ako dun kasama ni mamoncito.. Sabi ko nga e wala naman  Ms.Gay Halloween Edition sa Quezon kasi tapos na e bet pa rin daw niyang pumunta. ahahahaha... Anung ginawa namin sa Quezon? Kumain kami sa isang lumang restaurant sa Sariaya, nagbyahe ng bus papuntang Lucena, nagsakay ng Jeep papuntang Lucban. Dinala ko si mac sa Kamay ni Hesus para bumait naman ng konti. Pinaakyat ko sa napakatarik ng hagdan, pinilit kong itulak siya pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon (sayang! charot!!). pagkatapos nun e nagsakay ulit ng jeep patungong bayan ng Lucban, nagpicture sa simbahan, naglakad habang malakas na bumubuhos ang ulan, nagjeep patungong Tayabas at kumain sa Kamayan sa Palaisdaan. Akala ko lulubog yung floating hut namin kaso i failed, tigang na pala yung tubig, 3 inches lang pala pagitan nung floating hut sa putik ng pond (failed attempt... ahahahah.. charot lang ulit!) Ginabi na kami at natatakot na siyang hindi makabalik ng Laguna, buti may nasakyan pa kami.. Mabuti na lang din at nakasabay namin ang mga padala ni Mayor para bantayan kami sa byahe (alam mo yan!!) hanggang sa naumay na akong kasama sila, pinabayaan ko na siyang makabalik ng Laguna..

Hindi pa natapos ang ka-etchosan ni mac! Gusto pa rin niya akong makita! hula ko, KRAS ako ni mac eh.. LOL! mula sa aking bayan ng Quezon, pinababa niya ako sa alabang para magkita kami. Wala naman masyadong nangyari pero isang masayang salu-salo lang.. Buti pumunta ako at ndun pala si Heart Evangelista!! LOL!!

napagod na akong mag-isip at magtype pero eto lang:

masaya ako mac at nakilala kita,, hindi lang sa blog / twitter / facebook / bbm / planetromeo / grindr / lifeout / downelink kundi sa personal. Seryoso kang tao at mabilis mapatawa. Kontrapelo ka lang minsan at hindi magpapatalo pero naiintindihan kita. isa ka siguro sa taong bihira ko man makita e bihira ko talaga makikita.. LOL!!

salamat at dahil sayo e marami akong bagong nakilala at nakita tulad ni mac, ay ikaw na pala yan.. si will na mataba, si leo na tulad kong mahinhin, nimmy na witty, miguel na busy, louie na kapitbahay, babit na matangkad, nikki na mejo kulot yata, nate na masayahin, heyoshue na co-model ko, si shatter na pogi, badjiao na tumbling lang ang layo sa bahay at si mamoncito na ever makulit!!!
at dahil din sa keme affairs mo, nakita ko rin in side trip sila beej na nagpainom sakin ng beer, mugen na mabait, jap na smiling face.. sana lang wala akong nalimutan.. hello there!! ahahahaha

basta sa pagbalik mo sa ibang bansa, tandaan mo, hindi na ako magrereply sayo sa bbm.. LOL!!

para makita ka naman nila, ito yung sabi kong napakaganda mong picture!
si mac ung blurred na nakatayo. hindi ung pixelated! LOL!!!!



still, thank you mac and see you soon!

2013

Konti na lang then matatapos na ang bakasyon ko, back to work na ulit..

Oh yes, minsan nauumay ako, natatakot pag tumatawag si director, kinakabahan pag may deadline but still, happy that for 2013, I am rehired by the Program.. siguro okay pa sila sa performance ko (ahahahaha).. Pero siguro dahil nakikita naman nila na kahit baliw baliwan ako e matino naman akong magtrabaho and can work on a minimum supervision to almost none..

Wish ko lang na magpatuloy lang ang pag-asenso namin lahat sa Program.

Wish ko lang na matupad na namin dahan-dahan ni RS ang aming mga pangarap, ang aming plano para sa aming pamilya, para sa aming dalawa..



2013, Maging super kind ka sa amin ni RS, kelangan na namin ngayon ng tunay mong powers!!

:)
Sent from my BlackBerry® wireless handheld