bakit nga???



meron akong kaibigan na masarap kausap.. kausap ha, hindi yung kung anong masarap na nasa isip nyo..hehehe.. minsan lang kami magkita pero pag nagkakaroon kami ng panahon e sinusulit namin yun para masabi ang lahat ng tumatakbo sa isip namin. syempre, kasama na dito ang pag-aanalisa ng mga bagay-bagay.

habang nag-uusap kami, may naisip kami na hindi rin namin alam ang sagot. or baka alam niya, hindi nya lang sinabi, basta ako, hindi ko alam ang sagot..hanggang sa umuwe ako ng bahay hanggang dito sa opisina e iniisip ko pa rin at nagtanong-tanong ako...

ang tanong:

"bakit minsan naiinis ka sa isang tao kahit alam mo naman na walang ginagawa sa'yo?"

ito yung tipong okay naman kayo, kaswal naman kayong nag-uusap pero naiinis ka sa kanya.
hindi naman yung super inis, pero basta naiinis ka.. hihihihi

sa pagtatanong ko, ito nakuha kong sagot:
  - dahil meron tayong standards sa isang tao o sa isang kaibigan?
  - dahil insecure ka sa kanya?
  - dahil wala lang (pero hindi pwedeng wala lang eh...) 


haaaayy..

pampagulo lang.. may maisip lang..  hihihihi