quickie # 17

so ayun,


para magkaroon ng isang bonggang party, kelangan may maayos na preparation. nanjan ang pagkuha ng isang magaling na event organizer na silang kukuha ng mga clowns, magicians at emcee. 

para super sumaya ang birthday celebrant, sinabihan na ng parents si magician na piliin ang anak nila as the subject sa appear-disappear act.

ang galing nga, super panalo si magician at nawala nga ang anak nya! then maya-maya bumalik na after the "abrakadabra" chant..

ang galing din ng parents, alam na alam nila kung paano magiging masaya ang anak nila.




sa lahat ng bagay na gugustuhin natin, makakaisip tayo ng dahilan. 




**this is to remind me of what happened. fish. 

quickie # 16



it has been what? 3 weeks and going since that day i was ordered into a new workplace. wala akong idea kung bakit, well, meron akong mga naiisip pero inantay ko na lang kung iyon nga ba iyon..

unti-unti naman, halos tama ang aking mga naisip.. 

"di ba alam mong ayaw ko ___________________________?"


----------------------------------------


hindi naman ako mahirap makisama or pakisamahan na klaseng tao, ginagawa ko ang trabaho ko ayon sa kung anung inutos sa akin at sa kung ano ang sa tingin kong tama. minsan nga, out of pagka-bibo e madami pa akong ibang-ginagawa, isa yun siguro kung bakit nakita nila ang tunay kong potensyal pagdating sa trahabong teknikal at administratibo.. ngunit nakakalungkot lang kung ito'y hindi nagagamit ng wasto. 


-----------------------------------------


alam kong malinaw ang aking pag-iisip at may kakaiba akong personalidad. oo, minsan ay mas nakakahigit ako sa ibang tao pero sadyang minsan din, may makakaharap tayo na mas matindi sa atin ang kanilang personalidad at mas may kapangyarihan. 


-----------------------------------------


sabi nga nila, sa lahat ng laban e alam mo dapat kung kailan ka lalaban at alam mo kung kailan ka hindi lalaban.. sa ngayon, hindi na muna ako lalaban. mas mabuting mag-antay ng kahihinatnan.


---------------------------------------


minsan naisip ko na sana naging isang normal na empleyado na lang ako. yung parang hindi masyadong kilala, wala masyadong alam. haaaayy..





**this is to remind me of what happened