Friends..

Ang haba na ng tinayp ko kanina e inerase ko din.. Dinudugo na ako kanina kaka-monglish.. Ano ba gusto ko sabihin??

Masaya ako dahil marami akong kaibigan, mapwera na lang kung hindi kaibigan ang tingin nila sa akin.. Ahahaha..

Masaya ako na sa lahat ng napuntahan ko, pinanggalingan ko ay may mga butihing tao na nagbukas ng kanilang mga puso at isipan sa taong tulad ko..

Masaya ako na may mga taong hindi sinusukat ang pagkakaibigan nang dahil lang sa mga bagay na naibibigay mo or naibibigay nila..

Maraming depinisyon ang pagiging kaibigan. Kanya-kanya lang yan sa pagbibigay ng kahulugan. Meron sa oras, sa atensyon, sa materyal, at anu pa?? Basta meron pa.. Ahahahaha..

Basta salamat lang sa mga taong naging kaibigan ko, kaibigan ko hanggang ngayon, magiging kaibigan at syempre, sa mga taong tinuturing akong kaibigan,,

Ang bad naman di ba, friends ko sila tapos ako lang pala may alam nun, ahahahaha..

Keri!



Sent from my BlackBerry® wireless handheld

5 comments:

  1. meron pala niyan sa bb? panu?

    ReplyDelete
  2. Arteh kala mo naman matetegi na sa post. Charrrr hahaha

    ReplyDelete
  3. @russ> meron, via email lang.. hehehe

    @mac> ganon talaga.. para maiba lang.. ayaw mo ba?? LOL

    -ceiboh

    ReplyDelete
  4. ganyan! go! habang nagbabasa ako naisip kong baka nahuli na naman ako sa happy friendship day!! hehehe

    ReplyDelete
  5. ;) TG for friends like you :)

    ReplyDelete