relates before the end of 2013



muli kong naalala ang salitang "relates". 

sa isang facility utilizing TC as a treatment modality, isa ito sa ginagamit nila para masabi mo kung anung nararamdaman mo. here and now ang labanan, hindi mo pwedeng palipasin ang araw na hindi ka nakapagverbalize ng mga bagay na naramdaman mo. you just have to identify basic feelings (happy, mad, sad, afraid) then ung reasons mo behind it.


my immediate supervisor was recalled back to her mother unit. in effect, nawalan kami ng isang staff, nawala ang boss ko..  she was only given the reason na dahil ito sa current situation na nagaganap sa kagawaran.
okay lang sana e but hindi man lang siya na-advise prior to her recall.


then may few series of events came in.

1. biglang may bumisita sa office na hindi naman usual. sabi ko e baka sinisilip kung ndon pa si immediate supervisor. it was until kanina na parang yun nga ang reason.

2. we attended a conference and may nagagalit daw at bakit daw ndon si immediate supervisor, bakit siya sumasama activity na yun. this was verified after sabihin sa akin ni immediate supervisor na may tumawag daw sa mother unit about it.  e kung titingnan, iba na ang head nya. also, invited naman si immediate supervisor sa event na yun ah. 

3. matunog ang balita na may papalit kay immediate supervisor, ang mga SA nya.. natatawa na lang ako kasi among all people, sila pa ba ang ipapalit?? i guess e may hindi talaga marunong tumingin ng competencies. wala naman magawa ang mga SA but to follow the instructions, i feel for them naman.


up to this point, no talk/meeting was made with immediate supervisor about it. kahit false hope lang ang content ng meeting sana e okay na, kaso wala. wala man lang pasasalamat sa mga nagawa nya sa programa, kahit plastikan lang sana, pede na yun..

nananahimik si immediate supervisor, nananahimik kami sa isang sulok ng opisina then we were caught off guard by the recall.. hindi ko alam kung may bumubulong na bubuyog and telling stories. hindi ko din alam until now. pero i'll make sure na babantayan ko at aalamin ko ang dahilan kung bakit ganon ang nangyari..


naiinis ako at kelangan umalis ni immediate supervisor e ang laking kawalan niya sa aming opisina. pilay na naman kami..

naiinis ako dahil ang daming trabaho specially end of the year na, ang daming reports to be submitted e wala naman akong ibang pwedeng pagtanungan kung tama ba ang gawa ko or may mga kelangan pang idagdag. yung partner ko supposedly, months old palang sa program so mejo hindi pa nya alam ang mga pasikot-sikot. kelangan pang turuan sa mga gagawin.


nalulungkot ako dahil hindi ko alam kung kelan babalik si immediate supervisor.

natatakot ako dahil baka sa mga susunod na linggo e mag-iba ang paraan ko ng pagtatrabaho. iniisip ko na lang na kelangan mag "Act As If" ako na walang nawala, dahil yun ang paraan para malaman namin ang tunay na dahilan sa recall ni immediate supervisor.

haay ... :(



*reminder of what happened

nakakalungkot.... haaaaay...


Noong nakaraan na linggo, we conducted a training program for health service providers. Halos lahat sa kanila ay galing sa probinsya. Isa sa kanila ay si Luigie, isang kaibigan, may anak at taga-Leyte.

Nakakatawa pa nga ang istorya niya at ng kanyang kasama kasi hindi na sila pinapasok ng mga airport guards 30 minutes prior to departure (oo, late silang dumating). so from Tacloban to Manila, no choice sila but to travel by RORO and bus rides. Tagal din ng byahe nila, almost 25 hours,. 

Hanggang sa dumating na si Yolanda at ang mga balitang hindi na namin maisip kung saan ba nanggaling ang bagsik nito. During lunch breaks e doon na lang namin nalalaman ang mga pangyayari. Tacloban City na muntikan na daw mabura sa mapa at interview sa Mayor ng Dulag, Leyte. Sabi ko na lang "Oh no! Dulag??" That's where one of our center is located. 

I cant remember na but it was until tuesday or wednesday yata na may nakakausap pa ako from their center in Dulag. Puro tawanan na lang kami sa phone, hindi pa masyado nagsisink-in ang pangyayari at and destruction dulot ni Yolanda. Or siguro, hindi ko pa masyado naiisip na pwedeng maging sobra sa inaasahan ang maidudulot na pagsira ni Yolanda.

Nakauwe na ang kaibigan kanina lang, sabi nya sa akin e he'll take the route to Cebu since Tacloban Airport is non-functional. He considered taking the C130 pero hindi daw siya pinayagan na sumabay. Wala pa naman kami balita kung sinong team ang pupunta for psychosocial so wala din kami mapakiusapan na pwede niyang sabayan. And so, from Cebu, may supercut daw to Ozamis (though devasted na rin ang Ormoc according to the news) then land travel papunta ng hometown nya. 

I asked him his plans, sabi nya e ililipat na muna daw niya family nya to Cebu. Sabi ko na lang sa kanya e mamili siya ng maraming food sa Cebu para madala nya paguwe ng Leyte. Hindi natin alam kung anu madadatnan nya. Last conversation i had with him was before lunch, safely arriving in Cebu and searching for possible transportation going to Ormoc. Then that was the last of it. I tried calling him pero cannot be reached na siya. 

Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko:
  - kumusta na kaya ang center namin sa Dulag? ang mga clients namin doon? ang mga staff nila doon?
  - kumusta na kaya ang aking mga kaibigan doon? ang pamilya nila?
  - paano na sila kung walang food or tubig?
  - paano sila muling makakaraos?
  - hanggang kelan sila mag-aantay?


"hindi ko pa alam" yan lang ang sagot ko. Pero kasabay nito, naniniwala ako na unti-unti babangon din sila at magiging isang mapait na alaala na lang ang mga dinulot ni Yolanda..


nakakalungkot... haaaaay..