nakakalungkot.... haaaaay...


Noong nakaraan na linggo, we conducted a training program for health service providers. Halos lahat sa kanila ay galing sa probinsya. Isa sa kanila ay si Luigie, isang kaibigan, may anak at taga-Leyte.

Nakakatawa pa nga ang istorya niya at ng kanyang kasama kasi hindi na sila pinapasok ng mga airport guards 30 minutes prior to departure (oo, late silang dumating). so from Tacloban to Manila, no choice sila but to travel by RORO and bus rides. Tagal din ng byahe nila, almost 25 hours,. 

Hanggang sa dumating na si Yolanda at ang mga balitang hindi na namin maisip kung saan ba nanggaling ang bagsik nito. During lunch breaks e doon na lang namin nalalaman ang mga pangyayari. Tacloban City na muntikan na daw mabura sa mapa at interview sa Mayor ng Dulag, Leyte. Sabi ko na lang "Oh no! Dulag??" That's where one of our center is located. 

I cant remember na but it was until tuesday or wednesday yata na may nakakausap pa ako from their center in Dulag. Puro tawanan na lang kami sa phone, hindi pa masyado nagsisink-in ang pangyayari at and destruction dulot ni Yolanda. Or siguro, hindi ko pa masyado naiisip na pwedeng maging sobra sa inaasahan ang maidudulot na pagsira ni Yolanda.

Nakauwe na ang kaibigan kanina lang, sabi nya sa akin e he'll take the route to Cebu since Tacloban Airport is non-functional. He considered taking the C130 pero hindi daw siya pinayagan na sumabay. Wala pa naman kami balita kung sinong team ang pupunta for psychosocial so wala din kami mapakiusapan na pwede niyang sabayan. And so, from Cebu, may supercut daw to Ozamis (though devasted na rin ang Ormoc according to the news) then land travel papunta ng hometown nya. 

I asked him his plans, sabi nya e ililipat na muna daw niya family nya to Cebu. Sabi ko na lang sa kanya e mamili siya ng maraming food sa Cebu para madala nya paguwe ng Leyte. Hindi natin alam kung anu madadatnan nya. Last conversation i had with him was before lunch, safely arriving in Cebu and searching for possible transportation going to Ormoc. Then that was the last of it. I tried calling him pero cannot be reached na siya. 

Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko:
  - kumusta na kaya ang center namin sa Dulag? ang mga clients namin doon? ang mga staff nila doon?
  - kumusta na kaya ang aking mga kaibigan doon? ang pamilya nila?
  - paano na sila kung walang food or tubig?
  - paano sila muling makakaraos?
  - hanggang kelan sila mag-aantay?


"hindi ko pa alam" yan lang ang sagot ko. Pero kasabay nito, naniniwala ako na unti-unti babangon din sila at magiging isang mapait na alaala na lang ang mga dinulot ni Yolanda..


nakakalungkot... haaaaay..



5 comments:

  1. One of the lowest points of 2013... ;(

    ReplyDelete
  2. Grabe I feel how much you're worried. I know the feeling ng ganyang kasi we also had a devastating typhoon in Albay, Bicol back in 2006. Though mas malala talaga yung sa Tacloban. It takes time before makakaahon but important thing is makakaahun.

    ReplyDelete
  3. @sepsep: totoo... :(

    @June: ikr.. and i really cant imagine how long will it take before they can really say na "okay" na sila..

    you're from Legazpi pala?? that's great! i also have a friend from Legazpi.. :)

    ReplyDelete
  4. sana ok lang yung kaibigan mo.. think positive lang na safe siya....

    ReplyDelete
  5. Hi Selina



    i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

    You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



    I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com



































    Kumusta Selina



    ako si Montoya Jazhel mula sa pilipinas, ako ay nasa malaking problema sa aking buhay sa pag-aasawa kaya nabasa ko ang iyong patotoo sa kung paano tulungan si Dr Ikhide na maibalik ang iyong asawa at sinabi kong susubukan ko ito at makipag-ugnay sa Dr Ikhide upang matulungan ako at nangako siyang tulungan ako na malulutas ang aking problema. ngayon masaya ako sa aking buhay dahil ang lahat ng aking mga problema ay tapos na. Salamat sa mahusay na Dr Ikhide para sa tulong at Salamat sa iyo Selina.

    Maabot mo siya sa email na ito: - dr.ikhide@gmail.com at ipinapangako ko na hindi ka niya bibiguin.



    AKO KAYA NAKAKITA …… tandaan dito ay ang kanyang email: - dr.ikhide@gmail.com

    ReplyDelete