My Happy 2013 (Part 1)



and since tapos na ang 2013, masaya ako kasi buhay pa ako at 2014 na!! yey!

mejo madami na rin nangyari sa akin / amin ni RS this year.. very fulfilling naman though come November - December, mejo naging sad ako.. :(

pero let's focus first on the year 2013 and how it has been to me!


January
                
this is the first time na i had a super short hair kaya mejo achievement ito sa akin. akala ko kasi mukha akong sisiw (though mejo nga) pag nagpa-uber short ako ng gupit. na-feel ko kasi na naging gwapo naman ako (chos!) and nagmukhang manly (double chos!!) the picture was taken by RS sa KFC, maganda kasi ung ilaw noon.. ahahahha

sorry pala ha kasi ito pa ang una kong pinost na picture,, ako pa talaga.. hehehehe


February
                
tuloy pa rin ang saya! first getaway yata namin ni RS yun,, We went sa Playa de Calatagan. Bongga naman ang aura dun kasi galing ako noon sa Laguna, so dumerecho ako sa Tagaytay para doon nila ako daanan, pero since na-ospital on the way yung driver nila (food poisoning), bumaba ulit ako ng laguna.. effort lang noh?? 

Buti na lang, hindi kami nagpapigil ng aura namin nun! masarap mag-beach at mag-camping kunwari sa sand na natulog kami sa tent and all..



March
                 
ang picture eksena na ito happened sa ihop, ung kainan ng mga pancakes and all. Hindi ko matandaan kung saan kami galing nyan eh, basta magkakasama kami ng mga friends namin na mag-aasawa at magbboyfriend with their anak. Simple sharing of moments lang kami since bihira na rin kaming magkita-kita.

going back sa ihop, masarap naman siya kasi marami silang choices ng syrup panlagay sa pancakes nila and mejo mahal ang food (para sa akin na mahirap). ang haba haba pa ng pila noon, waiting waiting talaga ang eksena bago ka makapasok..pero siguro ngayon, hindi na ganoon katagal kang mag-aantay kasi siguro sawa na rin ang tao.. LOL!


April
                  
sa favorite restaurant namin ito ni RS, sa Northpark sa trinoma.. love na love talaga namin ang food doon.. kasama namin si faghag shine na wala pang jowabels hanggang ngayon.. ung unang kiss daw niya, beks na ngayon (feeling ko e may sumpa siya or baka naman hindi pa nakikita si one true love). hehehehe..

mejo funny para sa akin ang event na yan kasi supposedly e isursurprise ko si RS. so umagap ako ng alis sa office, then nung nasa trinoma na ako e tinawagan ko siya kung nasaan siya.. pasakay na sana ako ng van nun going fairview, buti n lang nalaman ko na papunta na pala sila sa trinoma! ahahahaha.. kung hindi ko pala tinawagan e magkakasalisi kami.. hehehehe... saya lang noh?! epic fail surprises!


May
                   
panahon din naman ng mga reunion,, ayun! alumni homecoming ba, 10 years after graduation. masaya lang kasi nakita ulit namin yung mga classmates namin and of course, yung mga teachers at mga madre sa school namin.. hindi lang naman kami ang pumunta, andon din yung mga ibang batch na mas matanda sa amin. raffle raffle at presentation din tapos syempre, inuman sa kanya-kanyang lugar after the event sa school.


                   
isa pa pala ito sa feeling ko achievement ko, nakapunta ako ng surigao!! kung hindi naman dahil sa office ko e hindi ako makakapunta! ang mahal kaya ng ticket.. hahahaha.. i realized there na maganda nga pala talaga ang pilipinas kasi sa surigao, ang dami-daming magandang beach at caves.. 

again, salamat office!


June


more work more fun! training program sponsored ng office namin,, masaya lang kasi kasama yung mga friends ko from the region.. since 2 weeks training yun, stay-in sa hotel, gabi-gabi kaming magkakasama and nagsasaya!! 
i remembered, every night e iba't-ibang room ang host for the night party.. 
im just so proud of them kasi kahit madaling araw na kami natatapos, nakakagising pa sila for breakfast ng 6:30am and makapag-start ng sessions ng 8:00am exact!

kakamiss lang sila talaga!




------------------------------------------------------------

oh, half year na lang muna,, next entry ko na lang yung second half.. hehehe..
ang saya-saya lang talaga and kalahati pa lang ng taon, naisip kong madami na din palang nangyaring nakapag-pasaya sa akin.. :)


:)

napag-isipan lang




tama ba na when you hope, you also expect?


sa tagalog, pag ikaw ay umasa, maaari din na may asahan ka..


in relation to:


'where there is hope, there is love"


so pag umasa (you hope), magkakaroon ka ng love


mukhang hindi naman


so baguhin na lang, 


"where there is hope, there is life"

Leche Moment # 01



ang bilis, meeting agad kanina,, wala si PM then wala din si lola ko..
kakairita lang sa simula ng araw e wala naman halos pinatunguhan ang meeting na yun. pag-aksaya lang ng aming oras.


anung bago?

- may bagong SA, si PC siya,, medyo hindi ko siya bet kasi may hangin siyang dala. hindi ko lang alam kung paano siya napasok bigla sa eksena e wala naman akong nabalitaan na nag-uusap sila ni _____________ for the past few weeks or even months.

- magpapabawas ako ng workload, i mean, i will personally do that..
hindi na ako ang gagawa ng anu mang bagay na hindi naman inutos sa akin.
ibabalik ko ang mga "huh? hindi ko po alam yan?" moments ko..


-------------------------------------------------------------------------------

With the running environment and micro-management style 
ni ___________________, parang hindi ko na kaya.. 
Mind-games, kissing-the-ass, emotional stress ang labanan ngayon kung gusto mong tumagal. 


Parang ayaw ko na, problema ko lang, saan ako pupunta?


I have to think and to plan muna..
But for the mean time, kaya ko 'to,, 

one thing's for sure, pag ako nawala dito, pilay ang programa.






relates before the end of 2013



muli kong naalala ang salitang "relates". 

sa isang facility utilizing TC as a treatment modality, isa ito sa ginagamit nila para masabi mo kung anung nararamdaman mo. here and now ang labanan, hindi mo pwedeng palipasin ang araw na hindi ka nakapagverbalize ng mga bagay na naramdaman mo. you just have to identify basic feelings (happy, mad, sad, afraid) then ung reasons mo behind it.


my immediate supervisor was recalled back to her mother unit. in effect, nawalan kami ng isang staff, nawala ang boss ko..  she was only given the reason na dahil ito sa current situation na nagaganap sa kagawaran.
okay lang sana e but hindi man lang siya na-advise prior to her recall.


then may few series of events came in.

1. biglang may bumisita sa office na hindi naman usual. sabi ko e baka sinisilip kung ndon pa si immediate supervisor. it was until kanina na parang yun nga ang reason.

2. we attended a conference and may nagagalit daw at bakit daw ndon si immediate supervisor, bakit siya sumasama activity na yun. this was verified after sabihin sa akin ni immediate supervisor na may tumawag daw sa mother unit about it.  e kung titingnan, iba na ang head nya. also, invited naman si immediate supervisor sa event na yun ah. 

3. matunog ang balita na may papalit kay immediate supervisor, ang mga SA nya.. natatawa na lang ako kasi among all people, sila pa ba ang ipapalit?? i guess e may hindi talaga marunong tumingin ng competencies. wala naman magawa ang mga SA but to follow the instructions, i feel for them naman.


up to this point, no talk/meeting was made with immediate supervisor about it. kahit false hope lang ang content ng meeting sana e okay na, kaso wala. wala man lang pasasalamat sa mga nagawa nya sa programa, kahit plastikan lang sana, pede na yun..

nananahimik si immediate supervisor, nananahimik kami sa isang sulok ng opisina then we were caught off guard by the recall.. hindi ko alam kung may bumubulong na bubuyog and telling stories. hindi ko din alam until now. pero i'll make sure na babantayan ko at aalamin ko ang dahilan kung bakit ganon ang nangyari..


naiinis ako at kelangan umalis ni immediate supervisor e ang laking kawalan niya sa aming opisina. pilay na naman kami..

naiinis ako dahil ang daming trabaho specially end of the year na, ang daming reports to be submitted e wala naman akong ibang pwedeng pagtanungan kung tama ba ang gawa ko or may mga kelangan pang idagdag. yung partner ko supposedly, months old palang sa program so mejo hindi pa nya alam ang mga pasikot-sikot. kelangan pang turuan sa mga gagawin.


nalulungkot ako dahil hindi ko alam kung kelan babalik si immediate supervisor.

natatakot ako dahil baka sa mga susunod na linggo e mag-iba ang paraan ko ng pagtatrabaho. iniisip ko na lang na kelangan mag "Act As If" ako na walang nawala, dahil yun ang paraan para malaman namin ang tunay na dahilan sa recall ni immediate supervisor.

haay ... :(



*reminder of what happened

nakakalungkot.... haaaaay...


Noong nakaraan na linggo, we conducted a training program for health service providers. Halos lahat sa kanila ay galing sa probinsya. Isa sa kanila ay si Luigie, isang kaibigan, may anak at taga-Leyte.

Nakakatawa pa nga ang istorya niya at ng kanyang kasama kasi hindi na sila pinapasok ng mga airport guards 30 minutes prior to departure (oo, late silang dumating). so from Tacloban to Manila, no choice sila but to travel by RORO and bus rides. Tagal din ng byahe nila, almost 25 hours,. 

Hanggang sa dumating na si Yolanda at ang mga balitang hindi na namin maisip kung saan ba nanggaling ang bagsik nito. During lunch breaks e doon na lang namin nalalaman ang mga pangyayari. Tacloban City na muntikan na daw mabura sa mapa at interview sa Mayor ng Dulag, Leyte. Sabi ko na lang "Oh no! Dulag??" That's where one of our center is located. 

I cant remember na but it was until tuesday or wednesday yata na may nakakausap pa ako from their center in Dulag. Puro tawanan na lang kami sa phone, hindi pa masyado nagsisink-in ang pangyayari at and destruction dulot ni Yolanda. Or siguro, hindi ko pa masyado naiisip na pwedeng maging sobra sa inaasahan ang maidudulot na pagsira ni Yolanda.

Nakauwe na ang kaibigan kanina lang, sabi nya sa akin e he'll take the route to Cebu since Tacloban Airport is non-functional. He considered taking the C130 pero hindi daw siya pinayagan na sumabay. Wala pa naman kami balita kung sinong team ang pupunta for psychosocial so wala din kami mapakiusapan na pwede niyang sabayan. And so, from Cebu, may supercut daw to Ozamis (though devasted na rin ang Ormoc according to the news) then land travel papunta ng hometown nya. 

I asked him his plans, sabi nya e ililipat na muna daw niya family nya to Cebu. Sabi ko na lang sa kanya e mamili siya ng maraming food sa Cebu para madala nya paguwe ng Leyte. Hindi natin alam kung anu madadatnan nya. Last conversation i had with him was before lunch, safely arriving in Cebu and searching for possible transportation going to Ormoc. Then that was the last of it. I tried calling him pero cannot be reached na siya. 

Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko:
  - kumusta na kaya ang center namin sa Dulag? ang mga clients namin doon? ang mga staff nila doon?
  - kumusta na kaya ang aking mga kaibigan doon? ang pamilya nila?
  - paano na sila kung walang food or tubig?
  - paano sila muling makakaraos?
  - hanggang kelan sila mag-aantay?


"hindi ko pa alam" yan lang ang sagot ko. Pero kasabay nito, naniniwala ako na unti-unti babangon din sila at magiging isang mapait na alaala na lang ang mga dinulot ni Yolanda..


nakakalungkot... haaaaay..