tu-por!!!!

sabi ko dapat 24 lang ung posts ko,, e ndi ko masyado maipigil ang sarili ko eh. sumulat na lang ako ng sumulat..
heniwey! isa sa pinaka-mahalagang araw ito ng aking buhay.. gagawin ko lang simple, wala masyadong echoz.. straight to the point,. basta kelangan masaya! kelangan orgasmic at wala na masyadong hiling hiling, ewan ko, naumay na ako humiling ng kung anu-anong bagay.. mas maganda na magpasalamat na lang ako..

>>salamat sa mga taong aking nakasama sa akin pagkabata, mga naging kalaro, kaiyakan at kaaway..
>>salamat sa mga taong aking nakasama sa elementarya..
>>salamat sa mga taong aking naging tunay na kaibigan sa hi-school na kahit hanggang ngayonn, nandyan pa rin kayo..
>>salamat sa mga taong aking nakalaban noong kolehiyo pa ako, kung hindi dahil sa inyo, hindi ako sisikat sa faculty.. choz!
>>salamat sa mga babaeng naging girlfriend ko noon, mga niligawan at niligwak ako (look at me now!! im much prettier than you..ahahaha)
>>salamat sa mga baklang kontesera na naging mabait sa akin sa pagpapatuloy sa inyong bahay at buhay..
>>salamat sa mga naging boyfriends ko, kung hindi dahil sa inyo, hindi ko makikita ang mga kamunduhan sa mundong ito, hindi ko rin matutunan ang maging masaya..
>>salamat sa mga online friends ko d2 sa blogger at twitter, na kahit hindi ko pa nakikita, binibigyan nyo ako ng gawain everyday.. choz!!
>>salamat sa mga naging officemates ko sa una kong trabaho, pinakita nyo sa akin ang paraan ng pakikisalamuha sa iba't-ibang uri ng tao.
>>salamat sa mga officemates ko ngayon, sa simpleng pagsasama natin sa pagkain ng breakfast, lunch at merienda..
>>salamat sa mga malars friends ko, na kahit dun lang tayo mga nagkakilala e tinanggap niyo ako ng buong-buo..

>>salamat sa mga relatives ko, sa pagtanggap sa kung anu ako at hindi na pagtatanong ng bakit..
>>salamat sa aking mga kapatid sa pagpatnubay at pagprotekta sa akin mula noong bata pa ako hanggang ngayon
>>salamat kay RS, sa lahat-lahat.. ikaw na nagbibigay sa akin ng direksyon, ng dahilan sa pag-gising araw-araw, sa yakap at halik tuwing tayo ay magkasama, sa masasaya at seryosong sandali, sa pagtanggap kung anu at sino ako..

>>salamat sa aking mga magulang sa pagpapalaki sa akin sa paraan alam niyo, sa hindi paghihigpit at paghaya sa kung anu ang gusto ko. sa pagtanggap na rin kung anu ako at hindi pagtatanong ng bakit. at higit sa lahat, sa pagbibigay ng buhay..

mahal na mahal ko kayong lahat.

Muli, salamat sa isang magandang ala-ala, karanasan, tulong, pagsubok, kalandian, kahalayan, ka-iritahan, kalungkutan, ka-plastikan (choz!) at pagmamahal na ibinigay sa akin sa nakaraan na dalwampu't apat na taon..

salamat sa paghipo sa aking buhay, sana mahipo,, este, nahipo ko rin kayo sa panahong ako'y nakilala ninyo.. hehehehe


MALIGAYANG KAARAWAN SA AKIN!!!

kilig lang: MMM

konting ka-kesohan muna at i-share ko lang ang nangyari kagabi pagdating ko..

RS was waiting sa pintuan nung dumating ako.. eeeeeeeehhh.. excited much to see me,, at ako, super haggard, derecho na ako hi sa mga utaw doon then derecho sa room ng parents para mag-mano.. OO, ako na ang mahilig mag-mano.. promiz!! lahat ng matanda, minamanuhan ko, nasanay lang.. hehehe

then sa room, he actually said na mejo patapos na daw siya sa LSS ng Peacock at ang bago na raw niya gusto e ung song na MMM ni Laura Izibor., kinuha na niya ang earphones at pinakinig, may galit factor pa siya pag hindi ko iniintindi ang lyrics, so ayun, nakinig nga ako at mejo inantok,, pero in fairness, like ko na rin un song.. eeeeeeeeeehh... kilig much.. song yata niya yun sa akin.. hehehehe

at ito na ung song na kahapon ko lang nakinig...
at eto n naman ako sa katangahan ko kung alin ang gagamitin na code.. sana lang magwork.. hehehe

for my lolo...


I can consider that Christmas 2010 has been one of those memorable events in my life, not for the reason na may bonggang-bonggang Christmas party or may natanggap akong bet na bet kong gift, but for the reason that Christmas passed and we all see my lolo lying inside the coffin..

pagdating ko palang, wala ako masyadong naramdaman or anything, i was totally fine, sabi ko nga, bka hindi pa nagsisink-in sa akin ang mga pangyayari. I even had the guts to go out pa nga, mag-mall, see my friends instead of just staying with my lolo with my relatives.

Then came the day na kelangan na siyang ihatid sa huling hantungan. While we're walking towards the cemetery, I was thinking kung anu ba ang isang memory na pwede kong sabihin naging masaya ako sa piling ng lolo ko.. SO sad, and might sound bad talaga, pero wala. I guess, wala kaming naging moment dalawa unlike yung iba kong mga pinsan, unlike yung dalawa kong kapatid.. And thinking over and over hanggang sa sabi ko e wala nga talaga, it made my cry. I cried until we reached the cemetery, until ilagay na siya sa ilalim ng lupa. Until hindi na namin siya makikitang muli.

I dont know if kelangan ko bang magsisi kasi hindi man lamang ako dumadalaw sa kanya ng ganoon kadalas noon, though I know he was sick. I dont know if kelangan ko bang sabihin na kulang ang effort na ginawa ko, for him to feel na isa ako sa mga apo niya. For him to feel that I'm one of those people na mahal siya.. Hindi ko rin alam ang sagot, ayaw kong magsisi, ayaw kong sabihin na masama ako, pero I feel na hindi dapat.

to my lolo,

I am sorry if bilang isang apo ay nagkaroon ako ng pagkukulang.
I am sorry if hindi ko man lang nagawa noon na dumalaw.
I am sorry if kulang ang effort ko sa pagtulong.

But you'll always be in my prayers.
Your time has come, where kakainggitan ka ng mga nabubuhay.
I know you're in a happy place now.
Be at peace with the Above..

ang iyong apo,
kiko


xmas 2010!!!!

Right now nandito ako sa bonggang - bonggang probinsya ng Quezon, MABUHAY!!!

spending Christmas with my family and friends..

and loved ones..
and the plants..
and the mountains..
and the clouds..

lahat na ng pwede kong makasama ngayong pasko!!

kahit ung mga fruit fly, gow lang ng gow.. hehehehe

boom!!

pak!!

at dahil alam kong busy rin lahat ng tao ngaun,,
isang nag-iinit at nakaka-dilat na pagbati lang ang gagawin ko!!


ME-E-E-E-E-ERRiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii CHRIST (inhale) MAAAAAAAAAAAAAAAS!!!

dear papa jesus,

marami pong salamat sa isang pasko na dumaan at buhay pa ako..
marami pong salamat sa isang pasko na dumaan at masaya ako..
marami pong salamat sa isang pasko na dumaan at maganda ako... ahahahahah



hugs hugs hugs from me..
let's enjoy this day!!


kiko ^_^

Request Ng Asawa ko

sabi ni RS,, ngayon lang,, as in ngayon lang..

nakakahiya man ,,,

pero...


sabihin ko daw na...

bet kong...

mahilig akong...

wala na akong ibang ginawa kundi...


ang umerna

ang jumerbsz

ang pumupu


nakakahiya man po,, pero parang past time ko na siya pag wala akong ginagawa,,
pasintabi na lang po muna..
pinilit lang ko ni RS..

if ever i found any violent reaction,
bukas na bukas,,
deleted na ito..

request lang ng asawa ko
habang nagprepretend na may suot siya na gown.. hahahahaha