relates before the end of 2013



muli kong naalala ang salitang "relates". 

sa isang facility utilizing TC as a treatment modality, isa ito sa ginagamit nila para masabi mo kung anung nararamdaman mo. here and now ang labanan, hindi mo pwedeng palipasin ang araw na hindi ka nakapagverbalize ng mga bagay na naramdaman mo. you just have to identify basic feelings (happy, mad, sad, afraid) then ung reasons mo behind it.


my immediate supervisor was recalled back to her mother unit. in effect, nawalan kami ng isang staff, nawala ang boss ko..  she was only given the reason na dahil ito sa current situation na nagaganap sa kagawaran.
okay lang sana e but hindi man lang siya na-advise prior to her recall.


then may few series of events came in.

1. biglang may bumisita sa office na hindi naman usual. sabi ko e baka sinisilip kung ndon pa si immediate supervisor. it was until kanina na parang yun nga ang reason.

2. we attended a conference and may nagagalit daw at bakit daw ndon si immediate supervisor, bakit siya sumasama activity na yun. this was verified after sabihin sa akin ni immediate supervisor na may tumawag daw sa mother unit about it.  e kung titingnan, iba na ang head nya. also, invited naman si immediate supervisor sa event na yun ah. 

3. matunog ang balita na may papalit kay immediate supervisor, ang mga SA nya.. natatawa na lang ako kasi among all people, sila pa ba ang ipapalit?? i guess e may hindi talaga marunong tumingin ng competencies. wala naman magawa ang mga SA but to follow the instructions, i feel for them naman.


up to this point, no talk/meeting was made with immediate supervisor about it. kahit false hope lang ang content ng meeting sana e okay na, kaso wala. wala man lang pasasalamat sa mga nagawa nya sa programa, kahit plastikan lang sana, pede na yun..

nananahimik si immediate supervisor, nananahimik kami sa isang sulok ng opisina then we were caught off guard by the recall.. hindi ko alam kung may bumubulong na bubuyog and telling stories. hindi ko din alam until now. pero i'll make sure na babantayan ko at aalamin ko ang dahilan kung bakit ganon ang nangyari..


naiinis ako at kelangan umalis ni immediate supervisor e ang laking kawalan niya sa aming opisina. pilay na naman kami..

naiinis ako dahil ang daming trabaho specially end of the year na, ang daming reports to be submitted e wala naman akong ibang pwedeng pagtanungan kung tama ba ang gawa ko or may mga kelangan pang idagdag. yung partner ko supposedly, months old palang sa program so mejo hindi pa nya alam ang mga pasikot-sikot. kelangan pang turuan sa mga gagawin.


nalulungkot ako dahil hindi ko alam kung kelan babalik si immediate supervisor.

natatakot ako dahil baka sa mga susunod na linggo e mag-iba ang paraan ko ng pagtatrabaho. iniisip ko na lang na kelangan mag "Act As If" ako na walang nawala, dahil yun ang paraan para malaman namin ang tunay na dahilan sa recall ni immediate supervisor.

haay ... :(



*reminder of what happened

nakakalungkot.... haaaaay...


Noong nakaraan na linggo, we conducted a training program for health service providers. Halos lahat sa kanila ay galing sa probinsya. Isa sa kanila ay si Luigie, isang kaibigan, may anak at taga-Leyte.

Nakakatawa pa nga ang istorya niya at ng kanyang kasama kasi hindi na sila pinapasok ng mga airport guards 30 minutes prior to departure (oo, late silang dumating). so from Tacloban to Manila, no choice sila but to travel by RORO and bus rides. Tagal din ng byahe nila, almost 25 hours,. 

Hanggang sa dumating na si Yolanda at ang mga balitang hindi na namin maisip kung saan ba nanggaling ang bagsik nito. During lunch breaks e doon na lang namin nalalaman ang mga pangyayari. Tacloban City na muntikan na daw mabura sa mapa at interview sa Mayor ng Dulag, Leyte. Sabi ko na lang "Oh no! Dulag??" That's where one of our center is located. 

I cant remember na but it was until tuesday or wednesday yata na may nakakausap pa ako from their center in Dulag. Puro tawanan na lang kami sa phone, hindi pa masyado nagsisink-in ang pangyayari at and destruction dulot ni Yolanda. Or siguro, hindi ko pa masyado naiisip na pwedeng maging sobra sa inaasahan ang maidudulot na pagsira ni Yolanda.

Nakauwe na ang kaibigan kanina lang, sabi nya sa akin e he'll take the route to Cebu since Tacloban Airport is non-functional. He considered taking the C130 pero hindi daw siya pinayagan na sumabay. Wala pa naman kami balita kung sinong team ang pupunta for psychosocial so wala din kami mapakiusapan na pwede niyang sabayan. And so, from Cebu, may supercut daw to Ozamis (though devasted na rin ang Ormoc according to the news) then land travel papunta ng hometown nya. 

I asked him his plans, sabi nya e ililipat na muna daw niya family nya to Cebu. Sabi ko na lang sa kanya e mamili siya ng maraming food sa Cebu para madala nya paguwe ng Leyte. Hindi natin alam kung anu madadatnan nya. Last conversation i had with him was before lunch, safely arriving in Cebu and searching for possible transportation going to Ormoc. Then that was the last of it. I tried calling him pero cannot be reached na siya. 

Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko:
  - kumusta na kaya ang center namin sa Dulag? ang mga clients namin doon? ang mga staff nila doon?
  - kumusta na kaya ang aking mga kaibigan doon? ang pamilya nila?
  - paano na sila kung walang food or tubig?
  - paano sila muling makakaraos?
  - hanggang kelan sila mag-aantay?


"hindi ko pa alam" yan lang ang sagot ko. Pero kasabay nito, naniniwala ako na unti-unti babangon din sila at magiging isang mapait na alaala na lang ang mga dinulot ni Yolanda..


nakakalungkot... haaaaay..



masaya mamili, masaya chumika, masaya kumain



October 18

Hindi ako pumasok kasi civil wedding ng kapatid ni RS.Ganon pala ang itsura ng isang civil wedding, simple lang.. sa isang restaurant sa makati ito ginanap then nasa 20 tao lang kaming ndun, so isang function room lang.. dun na gagawin ang kasal by the power of grayskull as solemnizing officer, dun na rin ang picture picture, dun na rin ang kainan.. kung sa mga facilities ba e one-stop-shop.. 

nakakatuwa lang kasi si solemnizing officer e siya na ang nagpa-ayos ng lugar, siya na ang nagsabi kung saan maganda magpicture, in short, siya na ang director ng araw na yun while kaming lahat e waiting lang for the instruction. Nagkataon lang kasi na lahat din kami dun e first time na makaka-saksi ng isang civil wedding.. hehehe.. bakit civil wedding lang? basta it has something to do with the religion. period. 

then kahit pala napaka-saglit lang ng kasal nila, hindi pa rin napigilan nung groom then nung parents nung bride na umiyak. Si groom kasi siguro e napakasaya dahil naging asawa na nya ang kapatid ni RS. Then ung parents naman ni bride, kasi siya lang ang nag-iisa nilang anak na babae. 

so ito na sila, paputian ang laban!!

                                 


 mabilisan lang ang lahat, in like 3 hours, tapos na. so more time to do other things, more time to gala..
since may isang event sa world trade center e napagpasiyahan namin ni RS na tumingin tingin ng kung anu-ano at bumili.. Masaya kayang mamili lalo na't sale!

so for me, i bought boxer briefs na iba't-ibang kulay for only Php150 each, hindi ko alam tatak, mas mura kasi kesa sa armani na Php360.. meron din akong isang armani undershirt (hindi ko na alam kung anung klaseng armani, hindi ako aware sa ganon ha, sorry...) then isang jacket na pang-sangga sa ulan.. hihihii

si RS, puro slippers ang binili, mejo mura na rin kasi ung havaianas. sa mall, ung regular na around Php745 e Php521 na lang,, so keri na yun.. binili niya ang buong family. 

iba talaga ang feeling pag namimili ka, kahit wala naman talaga akong pera..
agree jan si mac, alam ko!!

                                


October 19

umattend kami sa isang "dedication" or binyag in short ng anak nung friend ni RS nung nasa college pa siya then naging co-reviewer na rin niya.. masaya naman though mejo antok ako nung time na yun kasi umaga un e mejo kulang pa ako sa tulog kahit almost 10am na ako gumising.. hihihi..

saglit lang ang eksena sa dedication with prayers from people, ang mas masaya e ang mga chika.. lahat halos napag-usapan nila, mga tao, trabaho, business, ganyan.. kung dati daw e mga plano pa lang kung saan magtatrabaho ang pinag-uusapan nila, ngayon naman e saan na mahusay gagastusin ang kaban ng yaman na kinikita nila..

more chika, more fun, more learning..

then, picture lang ng slight sa photo booth (ako yung naka-blue!)
                                    
at hindi na naman kami nagpa-awat sa event na sale sa world trade center, isinama pa namin sila doon..
at mas madami silang binili kesa sa amin.. hihihi...


October 20

akala ko e wala na kaming lakad pero hindi pa rin pala.. akala ko e makakatulog ako ng bongga pero hindi!!
nananalo pala ang RS ng P1000 electronic gift cheque sa Classic Cuisine (c2) sa robinson's ermita..
so bilang bibo ang mom at kapatid ni RS, ayun, dun na kami naglunch..

ang nakakatuwa pa nito e everytime daw na kakain si RS dun, e may automatic P200 e-gc na rin siya lagi.. hahahaha.. di ba, bongga??!!

and this picture says it all... konti lang smile ko para manly moore ang peg!

                              

bihira na kasi mangyari ang ganitong weekend sa amin ni RS bilang isa siyang busy na tao sa ospitalinda of the world japan at super sagasa ang weekend sched nya...


masaya mamili, masaya chumika, masaya kumain.

:) 

quickie # 15


ngayon na lang ulit ako nakapg-quickie... hihihihi


-------------------------------------------

sa isang trabaho, ano ang ipa-priority mo:

a. your passion for helping out your clients?

b. financial compensation?

-------------------------------------------

nitong mga nakaraang buwan, nahihilig akong magbasa
bukod sa kadahilanan na pampatulog ko ito e mejo nasiyahan ako.
binabasa ko ngayon ung series ng Mortal Instruments.. nasa book 4 na ako.
and nakakatuwa lang, hindi naman kasi ako mahilig sa mga mejo fantasy
or parang may mga wolf, vampire, warlock things..

try nyo rin basahin,, nakaka-bata!

----------------------------------------

october na pala,, ang bilis ng araw,,
2 months to go then 2014 na..
dami pang gagawin, dami pang naka-line na activities for november
lalio na't ito ang buwan ng adbokasiya namin..

----------------------------------------

holiday daw sa tuesday, so mag-ooffset ako ng monday para long weekend!

yey!

---------------------------------------




bakit nga???



meron akong kaibigan na masarap kausap.. kausap ha, hindi yung kung anong masarap na nasa isip nyo..hehehe.. minsan lang kami magkita pero pag nagkakaroon kami ng panahon e sinusulit namin yun para masabi ang lahat ng tumatakbo sa isip namin. syempre, kasama na dito ang pag-aanalisa ng mga bagay-bagay.

habang nag-uusap kami, may naisip kami na hindi rin namin alam ang sagot. or baka alam niya, hindi nya lang sinabi, basta ako, hindi ko alam ang sagot..hanggang sa umuwe ako ng bahay hanggang dito sa opisina e iniisip ko pa rin at nagtanong-tanong ako...

ang tanong:

"bakit minsan naiinis ka sa isang tao kahit alam mo naman na walang ginagawa sa'yo?"

ito yung tipong okay naman kayo, kaswal naman kayong nag-uusap pero naiinis ka sa kanya.
hindi naman yung super inis, pero basta naiinis ka.. hihihihi

sa pagtatanong ko, ito nakuha kong sagot:
  - dahil meron tayong standards sa isang tao o sa isang kaibigan?
  - dahil insecure ka sa kanya?
  - dahil wala lang (pero hindi pwedeng wala lang eh...) 


haaaayy..

pampagulo lang.. may maisip lang..  hihihihi