omi!!
another great weekend pero don't have the time to write all the things that happened.
Like after 3 days, ngayon lang ulit ako nakapag-open ng blog ko and i was amazed / surprised that i've had the highest page views ever since the time that i started blogging.. hehe
as of now, i'm here sa SM san lazaro with RS and two of my friends..
mali pala ung sinabi ko about dun isa kong friends dun sa isa kong post, kasi sila pa pala ( i mean sila na ulit )
But they're still having some problems ngayon. It has something to do with pagiging sinungaling kahit daw na-huli na then giving away numbers sa PR.. haaaay..
Si friend A has a pseudo account at PR and he's been chatting with his BF, without him knowing it. Then he found out that his BF will be meeting a guy tomorrow daw. He still don't know his plans relative to their relationship. Love niya si BF and there's no question about it but he's BF continuously doing unloyal acts..
Minsan talaga, pasira ng relationship yang PR na yan eh. But on the other hand, still, i come to think na kahit hindi sa PR, you can give out your number and still, if naturally flirt ka, you'll be a flirt.. kahit novena.com or rosary.com pa ang social networking site mu.. haaaay.. i'll just pray for them. Hirap na magsalita and sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba talaga ang sasabihin ko..
*********************
tomorrow until friday, I'll be out of the office, meron kasi kaming activity so, wala munang mga posts-posts, tweet-tweet, fb fb and all. haay, mejo nakakalunod na siguro by the time na mag-log-in ako ulit ako. Posts will be flooding na naman and ma-tatanga na naman ako sa mga nangyayari.. hehehe.. plus, i'll be missing those people na lagi kong nakakausap.. hehehe
ciao for now! have a great week ahead everyone!!
^_^
this is what i intend to speak of. crashing in my mind, shouting for freedom but no matter how loud it seems to me .. they're only but whispers!
weekend blast #03 p.02
2pm. Trinoma.
The plan was to watch Petrang Kabayo, the one which starred Vice Ganda.
I can say that we're truly a fan of him/her/it (anu na ba talaga? hehe)
It's a day that we all need to clear our minds, leave all the stress of work and enjoy the day together. (GV GV lang dapat!!)
We're all too excited. Bought our tickets agad pagdating ng mall. 4:40pm daw ang next show na swak sa lahat so gow na lang. Since it's still 2:30ish PM, we ate muna sa KFC, ako p-sweet na fries lang kasi busog pa. Dumating na ang mga echosera ng taon, masaya na ang lahat. Kwento doon, kwento dito, tawa doon, tawa dito, laps ng more more, tawa ulit and then charaan! 3:30pm na.. Went upstairs and to my surprise, mahaba ang pila ng Petrang Kabayo.
-----keme films presents------
----a churvah production-----
----with kemerut boom - boom----
"Petrang Kabayo"
The movie was fun but still, it didn't defeat the laugh we had when we watched "Kimmy Dora". Though Eugene Domingo was there, i felt that there's still something lacking. Buti na lang, natuwa ako sa last part ng movie, like the old films na may mga sing and dance number. (Doon ako tumawa nang bongga. hahaha..)
We then ate at the NorthPark (it was me and RS who decided where to eat kasi ang mga echosera, laging ang tanong "san niyo gusto kumain? kayong bahala? kahit saan pwede ako") E since one of our faves ang NorthPark. gow down na kame ng escalators para makakain na. (Nakakagutom kaya ang manuod ng sine tapos KFC brownies lang ang kakainin mo sa loob while the others enjoyed some chips,soda,puffed corn)
At Northpark, we had the paulit-ulit namin na food ni RS (salted fish fried rice, yang chow, lemon chix, sweet and sour fish, beff brocolli) Konti lang naman kami so their servings satisfied well our tummies. After eating, dito na naganap ang kadumal-dumal na photo session (this is so high-school,, hehehe) Then since our anak, Adonis was with us, isang echoserang si Gema, made her way para kunan niya ng mga pics to show sa friend niya (in short, para i-bugaw.. ahahaha)
Presenting ang mga echosera ng taon:
(Jewish, Gemz, Adonis, Me and Ram)
RS, ME and our anak ADONIS (parang family pic lang oh.. bwahahaha..)
Anu pa ba ang kasunod na pwedeng mangyari, since we have to make use of our time before magsara ang mall? to enjoy each other's company? Pam pam pam!! Coffee!! Went up na ulit and made our way to SB. It was raining that time, buti na lang may mga seats pa sa loob to accommodate us.. Blah! Blah! Blah! (yun yung napaka-haba namin na usapan.. hehehe)
Everyone still has work the following morning, so kailangan na din maghiwahiwalay. We all parted our ways together, except kay Adonis, may date daw siya na malapit lang sa trinoma (ang kiri kiri talaga, with matching hingi pa sa akin ng condom nung nasa restroom kame, in case of emergency lang daw,, easy gurl! hindi ko lang alam kung kanino siya nagmana.. ahahah)
Boxi! Pak!
Then we're home.
ME: hay naku, nakakapagod na naman ang weekend natin. ang gastos pa!
RS: e anu pa nga ba? yaan mu na, minsan lang naman. saka masaya naman!
(hindi ko rin alam kung ano ang definition ni RS ng word na "minsan".. Hindi ko lang talaga sure..
-----------------------------------------------------------
Plus isa pa namin na friend, rocky din relationship which we later found out, wala na din sila.. (anu na ba ang nangyayari sa kanila? total haaaaayyzzz)
weekend blast #03 p.01
Friday
October 15, 2010
Bet ko talagang mag-Banchetto for the experience and at the same time, last day na ng friend namin sa ortigas to work so gow lang xa. Pero hindi bet ng RS, midnight daw kasi magstart e ang lapit-lapit kaya namin from ortigas db? ahaha. Plus we have to wake up early the following morning kasi may compromised bonding time kami with some of our friends. So orlok na lang kami ng friday night.
ZzzzZZZZzzzZZZ.............
Saturday na!!
October 16, 2010
"gising na!"
Hoy kiko! Gising na!!"
Nasa UST na si Lare (our friend),
"matatapos na siya" (nagpapa-laser daw kasi ng armpit)
"maligo ka na!"
pak! pak! pak! Para na akong si The Flash kung kumilos. Ligo doon. Nagplantsa ng damit! Nagbihis! Suot ng shades! Umalis na ng house with RS! Sakay sa cab! Pak!
At habang nasa cab, Pak! Ayos ng buhok (nakita ko pa nga yung nasa jeep, naka-smile habang nag-aayos ako ng buhok, hehehe) Pak! and i can spell the word FRESHNESS with my name on it!
Then we came to see Lare and other friends.
Buti na lang at may sasakyan sila, so gow na kame.
Our first stop: MOA - UST Expo Keme
Pagpasok ko sa loob, alam ko na ang gusto kong gawin, Magtake up ng units for Commerce. Syet talaga, ang mga tinadhana ng panahon, nandoon silang lahat. Lahat ng uri ng ulam sa mata, lahat na ng dessert, naglalakad. Pero syempre, kunwari e manly ako, hindi ako nagpapansin na kinikilig at tumitingin ako sa kanila. ahahaha..
Inside, madaming booth, mga BPOs for job fair, may KATINKO booth, food stands at syempre, ang quadri booth. Yun yung nagtitinda ng various items relative to the 400 years of UST. Buy sila ng tumbler, ako naman lanyard lang. (wala na kasi akong pera! ahahaha)
Lakad, lakad, lakad at napagod, nagutom. So the decision was final, we'll go na sa 2nd stop!
Second stop: Wensha Spa - Pasay branch
Alam ko meron bilat na na-dead dito eh, pero kebs lang. What we're looking for e ung massage nila and the sauna. Parang ito na ung ultimatum namin to remove all stresses
(may stresses nga ba na word?) basta ung pagod, mga worries, kaba, etc.
Even before, RS was already inviting me to try the wensha experience, kaso mejo may konting prob ako. Aminin ko na, mejo malibog ako, so konting kembot lang, mejo high pitch na ang nota! (this is so nakakahiya and i can't believe im telling this. But I have no other reasons kung bakit ayaw kong pumunta.. hehehehe)
made the payment, changed footwear then went inside the locker room. Hiwalay ang male and female area, so 3 lang kame magkakasama (me, RS and JP, ung bf nung friend namin na gurlash) then si Lare and Daizele sa female area. Changed our clothes dun sa robe na binigay nila. (Buti na lang may garter kasi malaki ung shorts nila! ahaha)
we ate muna ng bonggang-bonggang buffet meal and shabu-shabu. Then off we hit the jacuzzi area (wala na akong damit, towel lang). Basta ang dami kong nakitang matatanda, then meron din naman na yummy dads pero napigilan ko ang sarili ko, nanuod ako ng action movie (yun kasi ang palabas eh).
Pero hindi pa tapos ang eksena ko.
While I was at the locker room, there's this one young guy (hindi siya hot pero efek lang ang face) he stared at me and ako, i stared at him na din. I told RS about him, kebs lang niya, landiin ko daw, kausapin ko daw. (napaka-supportive talaga ng boyfriend ko!)
I went inside the dry sauna, he went inside as well. Then while looking at him (seatmate kasi kami sa loob) I saw that his keme's already pulsating up and down! Nakita rin ito ni RS, nagsmile lang kame. I went outside para bumabad na sa pool nila, sumunod na naman siya! (bongga talaga ako! ang ganda ko!) When he stepped into the pool, syet! Nakita ko siya at lumabas na ang sumpa ko. i just covered it with my hands at tinatawanan lang ako ni RS, nakikiramdam siya sa nangyayari sa akin. I engaged myself to a conversation (ang tagal kasi umimik, hindi ko alam if wala ba siyang dila)
Me: musta? (manly na manly talaga ako!)
Guy: okay lang
Me: Sino kasama mo?
Guy: Parents ko
Then tinawag na siya bigla (leche! hindi ko pa nga nakakausap nang matagal, umalis na agad) While he was heading back to the locker room, he glanced back na parang sinasabi niya na "sundan mo ako! sundan - mo - ako!" I told RS about it and he said gow! Pero hindi naman ako super kiri to follow him and get his number and make landi to the max. Okay na sa akin ang konting sandali. Besides, mahirap na, baka mamaya, may masabi pa si RS sa'kin.
I may be a flirt sometimes, but I know my limits. It doesn't mean na since sinabihan ako ni RS na gow lang e gow lang. Minsan kailangan din natin na lumugar ng ugali lalo na kung may posibilidad na makasakit tayo ng damdamin ng ibang tao.
Since wala na si hot guy, gow na kame sa massage area!
Syempre lalaki ang pinili ko at more more massage si kuya!
Nothing erotic much ang naramdaman ko
(sabi ko kasi sa sarili ko, tama na yan kiko! leche ka! ipahinga ang utak! ahahaha)
at masasabi ko lang, masarap talaga ang magpahinga!
Around 8:30 we went home na..
All of us were happy (lalo na ako!! ahahaha)
At hanggang ngayon, naiisip ko pa si young guy (masama ba yun? ahahaha)
My Sunday was another day, another post!
^_^
my 50th post...
This is my 50th post..
at dahil jan may bago akong picture na hindi ko masyadong bet.
Ung weekend blast ko, cguro pang-51st post ko na lang yun,.
na-inspire lang ako sa picture ko (kahit ang chaka) na gumawa ng 50 questions na pwede kong itanong sa sarili ko,. siguro ung iba mahirap sagutin, ung iba, kahit utak ipis (sorry for the word) kayang sagutin. mga out-of-the-blue questions lang.
at eto ang mga katanungan na related to the following:
sa office:
1. bakit ba may epal na tao dito na napaka-lakas ng boses?
(leche ka talaga sa kaingayan pero hindi mu kaya ang snob powers ko. ako pa rin ang reyna ng ofizina! bwahahaha)
2. kailan ba ulit magkakaroon ng salary increase?
(amen)
3. may bonus kaya kami this December?
(luluhod na ako. Amen)
4. Marami kaya ang dadating sa activity namin next week?
(more people, more fun)
5. Mawawala na kaya sa pwesto ang whimsical-creature ng office?
(bilang na ang mga araw mo!)
6. Kailan ba ulit kami magkakaroon ng activity sa labas na metro manila?
(hindi na ako nakaksakay ulit ng plane, nu veh?)
7. Kailan ba kami makakabitan ng direct line?
(ang hirap pumunta sa baba ng office para lang makitawag, mag-fax etc)
8. Ma-rerenew ba ang tulad naming mga contractuals?
(pagbasehan na lang ang PES at Face.. ahahaha)
9. May christmas party kaya ang office namin?
(dapat meron, para meron din gift)
10. Makikita ko pa kaya yung crush ko dito sa loob ng kagawaran?
(kahit ma-jubis ka, crush kita.. ahahaha)
sa pamilya:
11. Kailan ba dadating ang pension ng nanay ko? (para makahingi na ako., choz!)
12. Magagalit kaya ang ate ko kapag hindi ako pumunta sa birthday niya?
(at hindi ko talaga balak pumunta)
13. Anu naman kaya ang sakit na makukuha ng pamangkin ko?
(feeling kasi niya hotel ang hospital)
14. Kailan ba titigil ang mga aunty ko na magtanong kung may balak pa akong mag-girlfriend? (paulit-ulit na lang pag uuwe sila, parang may tape recorder kasi)
15. Bakit ba ang tingin ni mama kay RS e friendship lang?
(mama, anu ba? partner ko siya!! ahahaha)
16. Kailan na kaya ililipat ng nanay ko ang titulo ng lupa sa pangalan ko?
(para lalong magalit na sa akin ang aking kapatid! ahahah)
17. Bakit ba hindi ako pinilit ng tatay ko na magpaka-matigas, yung parang tunay na lalaki? (deadma lang kasi si pudak eversince eh)
18. Talaga bang hindi na matatapos ang pagiging kalaban ng aking kapatid na babae?
(lagi na lang nagsasalita ng kung anu-ano about sken xka kay RS kasi.. grrrr)
19. Bakit hindi nauso sa amin ang curfew? (kasi yung classmates ko nung hi-school e may mga strict parents eh, pa-feel lang ba? hehehe)
20. Magkakasama kaya kami this coming christmas at new year? (haaay)
sa kaibigan:
21. namimiss nga kaya nila ako?
22. May nagagalit ba sa ugali ko?
23. may pasalubong kaya sa akin ung mga nasa ibang bansa pag umuwe sila?
(un tipong automatic na remember nila ako.)
24. alam na kaya ng lahat na bakla ako?
25. i-rephrase ko, tanggap kaya nila na ganito ako?
(may mga umiiyak eksena pa kasi noon eh.. hahaha)
26. may nagnanasa kaya sa akin sa kanila?
27. bakit ba may mga drawing kang friends?
(ung mga extreme and naiisip tapos hindi totoo)
28. alin na kaya ang mas marami kong friends, straight, beki, butch, bilat?
29. meron kayang naninira sa akin sa kanila?
30. kung totoong sinisiraan nila ako, sa kadahilanang hindi ko alam, gaganti ba ako?
kay RS:
31. mahal mu ba ako?
32. hanggang saan ang kaya mong gawin for me?
33. nagseselos ka ba pag may mga kinakausap akong ibang tao tapos sweet ako at cuddly sa kanila?
34. nakikita mo ba tayo like 10 years from now?
35. kung pwede na tayong magpakasal, magpapakasal ba tayo?
36. lumalandi ka pa ba hanggang ngayon, kahit very slight lang?
37. may mga ugali ba ako na dapat kong baguhin for you?
38. kailan mo ba tatawagin na "mama" at "papa" ang aking mga magulang?
39. kailan ka ba magpapa-payat?
(mejo lumulobo ka na kasi sa totoo lang though okay lang yun sa akin.. hehehe)
40. bakit mo ako mahal?
sa sarili?
41. bakit ako bakla? (ahahaha)
42. anu mangyayari sa akin pagdating ng January 1, 2011
43. may mga bagay ba ako na gagawin sa future tapos maghihiwalay kami ni RS?
44. Magkakaroon ba ako ng anak sa future?
45. Kailan ba ako tataba?
46. Makakapag-gradschool pa ba ako?
47. Malandi ba ako?
48. Efficient ba ako bilang isang empleyado?
49. mabait ba talaga ako bilang isang anak? (kaya mejo favorite ako ng parents ko.. ahahah)
50. bakit ba hindi nauubos ang tanong ko?
dami daming tanong at hindi pa yan maaubos kundi lalong madadagdagan habang lumilipas ang bawat segundo ng aking buhay, habang may mga bagong bagay na dumadating.
Sa pagsagot ko ng mga tanong na ito, siguro naman, may dulot silang aral para sa akin.
at in fairness,, mahirap mag-isip ng mga tanong ha..
^_^
mabilisan lang..
After 2 days of not opening my blog's Dashboard..
feeling ko, kulang na naman ang oras ko d2 sa office to read all the entries posted this past weekend..
I've had a weekend blast na naman and i'll be blogging it na lang siguro later this afternoon, tomorrow or the day after.
There's just too many thing na kelangan kong gawin.
(busy nga ba ako or nagbi-busy-han lang? ahahaha)
Then next week, I may not be able to open my online accounts
may kemeng activity kasi,
so I'll be out of the office but still will be here in manila..
Haaay,, i love the feeling when i am REALLY working again..
gow gow gow na lang muna!!
happy working week everyone!!
my banoffee
Yesterday, one of blogger friends
(hoy, friends na tayo ha, sa ayaw mu at gusto mo. hehehe)
had this tweet:
@ceiboh awww late reply..soreee..just ate my fave banofee...kain lng ng kain
and ako, si inggitero since hungry na, craved for the same banofee he ate.
***********
That night, RS went out for coffee with his workmates while me stayed at home.
By 8:00pm he called.
RS: d2 pa din ako makati ha, tapos na yung coffee keme namin.
Magpaluwag lang ako ng traffic para boxi na ako pauwe.
Meet ko na din sina MS at RRG (our friends).
30 minutes lang then gow na din ako. Eat ka na jan.
Me: Keribels lang.. gow.. ingat ka.
Uhm,. buy mu naman ko banoffee jan. pasalubong mo.
RS: okay. gow!
I am a typical Pinoy so i watched the primetime bida (isa po akong kapamilya) until magsisimula na ang Kristine. Until,,
What?!
Anong oras na?
And the 30 minutes ni RS e parang naging 1 hour or more.
Antok na ako and wala pa ang banoffee.
It's not me if i continued watching kristine kasi I need to sleep na by that time
(sabi kasi ng lola ko, dapat more more ang tulog)
I went upstairs para kumuha ng towel (nasa taas kasi ang room namin). I took my bath and nagpa-fresh. pag-akyat ko, I sent him a message:
"Pauwe k nb? antok n ak e."
11-Oct-10
10:32pm
then he called.,
RS: yup, pauwe na ako. i'm just still here with MS and RRG.
Magwithdraw lang ako then i'll buy you your banoffe na.
Me: Hindi, tutulog na ako. antok na ak eh.
RS: Sige, gisingin kita pagdating ko. then eat tayo
Me: Hindi na, Hindi naman ako gumigising just to eat.
Wag ka nang bumili. Ingat ka na lang pag-uwe.
RS: Galit ka ba? Andito lang naman ako kina MS at RRG.
Me: Hindi, bakit ako magagalit. Antok na ako. Sige na.
RS: Bakit hindi ka galit? kelangan galit ka.
Para sasapakin kita mamaya pagdating ko.
Me: Tse! Sige na.. Bye na!
At ako ay natulog with Regine Velasquez singing the Barry Manilow's medley.
(napaka-beki lang talaga ng sounds ko.. haaaay)
***********
Until this morning, i feel so inis with what happened. Hindi niya kasi alam how I craved with the banoffee and that I expected him to arrive an hour or so from the time he called.I have nothing against him not telling me or informing me kung nasaan na ulit xa, the rule of telling our whereabouts every hour doesn't exist. A text a day is just as perfect.
So i said to my friend DB na badtrip ako dahil sa banoffe niya.
Then he said :
@ceiboh haaaang sweet! ako naman ang nainggit..kya lang "unlike banoffee hindi ako makakabili sa tabitabi ng isang gaya ni RS"..hehe
sabi ko na lang, may isa siyang malaking check at star mula kay teacher. Maybe what happened was just one of my immature moments /behavior. Yung mga parang tanga lang na wala naman talagang kadahilanan para magalit. Sabihin na natin na "kaartehan" (ahahaha)
We sometimes not see our problem at times specially if we become selfish. Yung walang ibang iniisip kundi ang sariling kapakanan at kaligayahan na sometimes, totoong may mas halaga kaysa sa kaartehan ko.. hehehe
So nag - analyze ako ng nangyari, and so sama yata nga ng ugali ko lalo na nung dumating siya kahapon, nang dahil lamang sa naudlot na pagkain ng banoffee sa aking expected time frame hindi ko man lang siya grineet/kiniss or niyakap.
And with that being said, pag-uwe ko mamaya,
dadaan muna ako sa mall to buy the banoffee.. ahahahaha
and will give him a big hug!
para kasi ung teddy bear,
siya daw c papa bear, ako daw ang bakla!
(leche! ahahahah)
^_^
weekend blast #02
I was wondering why every weekend,
we tend to go out, do stuffs, see people, try new things etc.
and RS gave me this answer:
"for a whole working week, we are so much busy doing our own things.
It's the time that we give ourselves the time do things na kailangan
tayo lang ang gagawa with our own set of friends.
Every night, though we see each other, very little naman ang time natin to talk what happened during the day since we need to rest.
So, pag-weekends, it'll be the only time na kelangan natin ilaan for one another.
Yun lang pati ang time that we can do anything planned or unplanned.
And anu ba? we both need some break or reward sa sarili natin..
Sabi ko na lang,, may tama siya..
********
Last saturday, we watched the movie "Eat, Pray, Love" and it was uber nice for me.
It taught me that we need not to rush things. The person that you're with today may not be the person that you'll be spending your life forever.
Everything can change in an instant without you knowing it.
Everything may fall down, but at the end of the day,
still, something's good is waiting for you.
I thought of me and RS if how long we'll we be staying together.
Within the next 3 years, 5 years or until next year?
I do not know and as of now, ayaw ko na lang alamin..
Kasama rin namin ung friend ko and his partner,
And since magkasama na ulit sila,
I think everything's fine na. No more questions asked.
Basta okay na sila.
******
I also had my hair cut, we went to Morayta, dun kasi kami nagpapagupit.
And as usual, stories about regine velasquez na naman maririnig mu from their senior hairstylist.
Had my hair cut short, wala ng powerbangs kasi hindi ko talaga bet,
then next time, i'm planning na magpa-semi naman.
Just for a change.
******
During the night time, we ate sa CHADES (sa alvarex st., sta. cruz, manila),
they serve "silogs". As in, iba't-ibang silogs..
I ate hotsilog na sana sa house na lang kame kumain. ahahaha.
Then after, we went straight to MS and RRG's house (our friends).
We had some drinks. No malate fever for the night.
Para lang kaming mga madre sa loob ng kumbento.
After an hour past midnight, we went home na.
Logged to fb, blogger and twitter for like 5 minutes lang then off for a bath.
Off to bed.
******
Sunday na.
Nothing much, woke up around 11am, ate my brunch.
Then we went straight to Tutuban/Divisoria para lang maningin ng kung anu-ano.
Walk walk walk lang ang drama namin sa loob.
Nagutom. Kumain ng pansit with pan de sal for 10php
(ang mahal! Kinain ko agad to check baka kasi may ginto. ahaha.)
Pero wala. Purely tinapay lang talaga.
isang mahabang HAAAAAY na lang muna..
Medyo nakakapagod pero masaya.
Next week, I have no idea where will we be going.
Basta alam ko, It's my sister's birthday and I kinda hate it kasi it means that I have to go to her place ans listen to all her stories again.
I have nothing against (kasi kapatid ko siya) her except the fact that she's kinda histrionic with dependency issues..
^_^
dashboard de leche
My Dashboard is currently down/crashed that all of the blogs I follow
are listed completely downwards as well as those new blogs posted.
But then, I don't know if crashed nga siya or baka naman new lay-out/design nila yun..
From what I know,
the items/blog entries has its own scroll bar
sepatate from the original scroll bar (the one on the right most side of the window)
But from what I'm seeing,
I only have one scroll bar and it's the one on the most left side.
nakakainis..
I can't see old entries plus ang laki ng mga pictures, literally na malaki..
parang isang "dangkal" ko ung size ng isang picture..
I cleared and emptied cookies / cache / browsing history at lahat na ng pwedeng alisin (though hindi ko alam kung anu meron dun, bsta tanda ko noon sa call center,
ganon ginagawa ko, yun ang turo eh)
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahh.
And now,
I don't know if I'm the only one experiencing this problem.
Or ganon na ang bagong dashboard..
tried it with other PC ang gnon pa din nakikita ko..
parang leche flan talaga!
(parang ang hilig ko ngaun sa word na leche!)
Anyway, sana hindi umulan tonight.
Bet kong mag-banchetto, never tried and isang raspa-mate ko invited me and RS to go there.. kaso parang hindi bet ni RS, pagoda xa from work then grad school ngaun eh. (haayz, kahit konti lang akong kumain at alam kong mag-eenjoy siya don' kasi more more ang food)
At hindi pala kame makakauwe pa sa province,
baka next weekend pa, since holiday naman ng oct.25
At tomorrow, magpapagupit na ako!
(weeeeeeeeee)
kaya ngaun, ito ang aking mga munting dasal:
Sana maging maayos na ang dashboard ko
Sana huwag umulan
Sana matuloy kami tonight
Sana makauwe kami next weekend
Sana magupitan na ako tomorrow
uhm,, sana mag-malars ulit kami tomorrow
(pero optional naman po un, pwede matuloy, pwedeng hindi.. hihihi)
(kung hindi ngayon, pwedeng bukas,, hihihi)
Amen.
ONLINE (daw ako)
Yesterday afternoon
I was waiting for a proposal/quotation from one of our desired venues for the conduct of an activity, hopefully, 2 or 3 weeks from now.
Then I got this text message:
"sir, pa-check na lang po ng email"
(sir talaga noh, sabi ko sa kanya kasi MADAM ang itawag sa akin, ahaha)
And there I go, checked our office email. None.
Told myself na baka late lang dumating due to poor/slow internet connections here sa office.
Wait, wait, wait.
None still.
So I decided to check my personal email, maybe she sent it there.
Got zero (0) for my inbox then three (3) for my SPAM.
Checked the SPAM folder, all I've got were notification from my facebook account.
In short, wala pa din.
(leche! nasaan na yun?)
But what surprised me was to see one of my yahoo accounts ONLINE!
(Syet, sino ang gumagamit nun?)
Background:
I have 4 yahoo, 2 gmail and 1 hotmail accounts.
Bakit madami sa yahoo?
may personal (for friends and relatives)
may pang-flirt (noon yun)
may pang subscription (mga astrology, groups etc)
and may pang-office use
basta bet na bet ko lang gumawa ng mga email accounts. hehe..
So going back, I really have no idea who's using my account and for what purpose?
Wala naman siyang makukuhang matino from that account since yun ung pang-flirt ko pa.
If he wants to flirt, huwag na niya ako sana idamay pa. Pakielam ko naman.
One person came to my mind na pwede itong gawin,
yung ex ko na hindi ko inaaccept ang invitation sa facebook at never ko nang kinausap.
As far as I remember, we shared accounts before and he knows that I use the same password for all of my accounts.
Maybe I'm at fault for using the same password but still,
i was not expecting that he would do such.
Hinala palang naman yung kay ex pero,
bet ko siyang pagbintangan eh (malay ba niya. ahaha)
Action Points:
1. Change the password to every account I have where the same password is being used
2. Delete the account. (Parang sinasabi na tapos na ang panahon mong mag-flirt. ahaha)
Syet talaga kung sino man talaga ang gumawa noon!
(pasensya na sa salita..)
my friend's call...
last night, I got a call from a friend.
He said he chose me to vent out all his thoughts since I can give a fair judgment on what he needs to do. (at ako na ang pinaka-maganda)
He and his partner are currently having some problems - trust issues.
He told me his side of story and to make it short.
His partner was telling him na "ginagago daw siya".
With a proof of seeing him visiting a neighbor (who's an all-time kababata) in the middle of night. My friend explained that he just wants someone to talk to since the partner was not around during that time (for all he know was in the province) but he's far way wrong
(nasa Manila na pala si partner, nagmamatyag kung ano ang ginagawa ng friend ko while he's away kunwari)
Lumayas si partner (since they're living under the same roof) and went to his old house.
Next morning, my friend tried to bring him back home, totally apologizing, making his partner feel that he's at fault with what happened (kahit wala naman) but then si partner still said no, he won't come back and wants to end the relationship.
my friend now is in dilemma if he'll still try to win his partner back or will he give up.
Isa lang alam niya, mahal na mahal niya si partner.
Pero ayaw niya lang sana na dumating ang time, na baka mamaya, may mas mababang reason for a fight then all of a sudden, his partner would just ask for freedom.
Our conversation suddenly stopped, lowbatt na pala si friend. I just sent him a message:
---------, bsta, juz pray and ul find ur answers.
keep safe. but if in the event na hindi mu na kaya, spare some for urself.
And nd2 lng kame.. Keep safe!
Then I asked RS what's the best advice I can give him,
sabi nya, it's better not to give any.
Any decision should be from the person himself.
Kung maging okay, okay na,
Kung hindi, e di hindi,
but in time he'll soon realize that it happened for a reason.
Okay nman siguro yung sinabi ko sa kanya kahit
(leche! anu ba? tama na! ang gusto kong sabihin, hanap tayo ng iba jan)
you can still find someone na mas deserving
(kahit friend ko din si partner mo)
pero giving the "what-if" factor can somehow help him
(i think?)
at least, wala siyang pwedeng pagsisihan sa huli.
***ang matindi pa nito, he's at the company's sleeping quarters,
waiting for his partner's 15 minute breaks and Lunch,
assuring him, showing him that he's doing nothing bad/against their relationship.
Considering the fact that by 8am the following morning,
he still has to go to work.
As of now, we're waiting kung anu ang story ni partner.
(chismoso ba?)
Subscribe to:
Posts (Atom)