kmsta?

From: O
Sent: 1:20pm
01/30/2011




I was surprised...
hmmm...





















(relative to this post)
(image taken from here)



a night at UST #400


it was such a blast last night, kaya siguro pag-gising ko kaninang umaga while ginigising ako ng aking human alarm clock (ginagaya kasi ni RS yung sound alert ng phone niya pag nag-aalarm) e bonggang sumakit ang ulo ko. with matching cover-my-head-with-a pillow pa ang drama ko e kelangan ko na rin bumangon kasi kung hindi, late na naman ako.. ahahaha..

anyway, share ko lang yung mga pictures namin last night, meron pa dun sa phone ni RS pero ito na lang muna, kasi nakita ko na agad ito sa facebook e (excited much kasi na mag-upload yung friend namin) so post ko na rin dito.. Lakad lakad much lang ang drama around the university, kung saan pwede magpose at magpic.. at don't worry, hindi lang naman kami ang gumagawa nun (so hindi nakakahiya much) halos lahat nagpopose!! hehe.. so parang wait-for-your-turn ang drama pag bet mu ang isang lugar.. Dami kong nakita na boys (char!) Dami ko nakitang SMILES... happy happy!! kahit masikip, kahit maingay, kahit maraming echos..


akala ko kasi close-up yung pic, sana nagpaka-manly man lang ako sa pose ko..


dun sa may nakasulat na malalaking letra!!!

ito yung "0" dun sa "400" hehehehe


ito daw yung arch... hehehehe
parang hindi yata ako naka-tingin sa 2nd pic.. ampf!

walang kwenta ito, pero hangkyut ko kasi, hindi ko alam kung anung ginagawa ko..


Uber fun at uber saya, ang daming people na nag-antay para sa mga fireworks nila, Sabi nga nung iba, tuition fee daw nila yun pinapanuod nila.. hehehehe.. sila na ang may contribution!!! char!!

Happy 400 Years to UST!!
(1611 - 2011)

Happy FRIDAY everyone!!!!

Nakaraang Biyernes 01/21/11...



I thought that my friday last week would end well, but somehow it didn't..
So here's the story.. (pagpasenyahan nyo na kasi mejo fabricated na ung sa SMS conversation namin, ndi ko na-save kasi ung iba eh.. hehehe.. "fabricated daw oh? anu un? choz!!)


Beki Friend: "Mam, totoo bang wala na si O at si B?"
Me: "Hindi ko alam. Wala naman nababanggit sa akin si O eh. Yaan mu n lng cla"
Beki Friend: "Gow. Hehehe.."


(During that time, O was having some drinks with his classmates)
Unintentionally or should I say isang gawain na "wala lang", ginawa ko lang.,
I sent O a message, to know if totoo ba yun, pero yung style na wrong sent..

Me: "Mam, hindi ko naman alam if break na sila ni B, wala naman siya nababanggit sa akin eh.."

Then O replied immediately

O: Huh? Anu yun? Sino may sabi?
Me: ay, sorry wrong sent. ahaha.. wala.. secret!
O: Sino nga, dali,, sige ka, lasing na ako ngayon, baka mamaya totoohanin ko ang wrong sent mo sken.. Anu ba yung tinanong sa'yo?
Me: Tanga ka! Umayos k jan! Wag kang ganyan.. May nagtanong lang naman at yun ang sinabi ko..And I guess, wid my msg, u can figure what's the question asked.

The he didn't reply. But Beki Friend called me.

"Gaga ka! galit tuloy si O, ang ingay - ingay mu kasi!"
"Huh? anu naman kinasama nun? Mam, kung magbrreak e di magbbreak, kung magiging sila, sila pa rin. Regardless kung anung ginawa ko. Saka nagtatanong lang naman ako eh"
"Gusto mu ba malaman kung bakit ko natanung yun, kung sino nagsabi? Ala, wag na, maingay kang bakla ka.." (hangsweeet mo teh!)
"Wag na, malaman ko man o hindi, hindi na rin yun mababago"

After like 10 to20 minutes siguro.. nAgtext na ulit si O sa akin.

O: Ntex ko na c B. I made ur text real. Hindi ka na m-wrrongsend sken. it's true.
Me: Wala akong sinabi na makipaghiwalay ka, besides, i was only askin. I apologize O, if it felt like an insult in ur part. (what I did was the wrong sent)
O: D wrong sent? F dat was intenxunl, i dont know. D ting is, f ders smoke, ders fire. F it came frm B, then it myt be true. It only calls for confirmation and dats wat i did.
Me: I didnt do it intentionally, let's say it's a subtle attack to know details if it's true or not.
O: 4 u to arive such cnclusion, i tink t came from sumwer.. u heard it or sumbody told u i dont know but f u did dat just to know f ders sumthin goin on, i tel u, i just broke up wid B
Me: Ah. cge, sabi mu eh..
Me: And how did i know, My clue: ur drinking habit.. just keep safe..


and when i thought, it's all over...

1 message received from B:
P*******A! Sino nagsabing break na kami ni O?! Magkabulutong na sana dila ng t*******g yun! Wala bang magawa yang taong yan at ikinakatuwa pa ata ang pagkalat ng tsismis at pangengeelam sa relasyon ng iba. Masyado ata nawili sa amin. Kung sino ka man p******** mo ng paulit-ulit! Gago ka!


1 message recevied from Beki friend:
Mam, galit yata si B..


I didn't reply.. :(


but relative to the message he sent:
1. hindi ako ang nagsabing break na kayo ni O.. tandaan mu na nagtanong lang ako at hindi ako nagsabi ng kahit anung confirmation sa status ng relationship ninyo..
2. hindi ako nagkakalat ng tsismis at hindi ako nakiki-alam sa relasyon ninyo..
3. I don't feel na gago ako kasi alam ko sa sarili kong hindi ako yun..


----------


ako ito... sino pa ba??


dahil sa isa akong malambing na nilalang at minsan na lang makapagpicture gamit ang cellphone ng officemates (hindi kasi nagwo-work ung aking cam, ewan ko ba kung bakit) basta ang mahalaga e ayun, nagpapapicture ako sa kanila pag wala silang ginagawa or wala akong ginagawa, ung mga dull moments namin sa office, para naman mejo enjoy enjoy at fun fun kami.. ahahaha..

sabi ko kasi, mahaba na ung hair ko (feeling ko po) though parang one to two inches pa lang silang humahaba.. ahaha.. hindi kasi ako pwedeng magpahaba ng hair ala justin bieber kasi madumi daw akong tingnan sabi ni RS (cge na, siya na ang malinis, basta ako, sariwa ako.. ahahaha),, so sabi ko, kelangan before mag february 3, or dun sa araw na yun mismo e makapagpagupit na ako,, chinese new year di ba nun? malay mo lang, may swerteng idulot sa akin pag sa araw na yun ako nagpagupit.. ahahaha..

so ngayon, ipapakita ko na po ng buong tapang ang aking itsura ngayon, at for sure, sasabihin nyo na hindi pa naman mahaba ang aking buhok.. e tingin ko nga mahaba na yun eh.. ahahaha.. kuleeet!!! pak!




(pa-sweet lang.. wala lang talaga.. at hindi pa ako nagse-shave.. ahahaha)


(ako na ulit ang nagpout and RS will kill me for this.. ahahaha)


(ung nsa likod, officemate ko, ung sulok sa may orasan, yun talaga ang desk ko)



at ngayon, hindi ko alam kung bakit ako natatakot kung meron man magcocomment... ahahaaha....
happy 4th week of January 2011 guys... hehehe

for a GV Thursday...


para sa isang thursday na akala ko e friday na.. share lang ako ng isang song na bet ko ngayon panahon ito.. hehehe... mejo malakas lang maka-manly ito.. promise!! nagustuhan ko lang yung song, nakikinig kasi ako nung minsan sa medley ni ate regine e kasama ito dun.. Ayaw ko naman i-share yung kantang "Narito Ako" mejo nakakahiya naman yata yun.. so ito na lang..


"Buhay ng Buhay Ko"


Buhay ng buhay ko
Dulot ko sa `yo buong puso ko
Awit, pakinggan mo
Hayaang ako'y magtapat sa `yo

Aking minamahal
Lagi kong dasal
Bawat isip at bawat pintig
ng puso mo'y akin
Bawat pintig ng puso mo'y akin
Tanging pangarap ko'y
Ang sabihin mong ako'y mahal mo

O, aking minamahal
Lagi kong, lagi kong dasal
Bawat isip at bawat pintig
ng puso mo'y akin
Bawat pintig ng puso mo'y akin
Tanging pangarap ko'y
Ang sabihin mong ako'y mahal mo



Regine Velasquez - Buhay Ng Buhay Ko

Powered by mp3skull.com



Happy Thursday everyone!!!

sick - puyat - kilig . . .

minsan lang naman ako magkasakit sa loob ng isang taon. nakakatuwa lang kasi hindi na ako tulad noon na more more ang arte at kelangan na pumunta ng hospital. Iba talaga pag nasa alaga ka kasi noon ni Mother HMO.. ahahaha.. Ngayon, dahil hindi ko na siya kapiling, "prevention is better than cure" na ang quote ng lolo niyo.. hehehe

This past weekend, hindi kami umaura ni RS at okay lang naman yun,, Something new talaga at nasa house lang kami. Hindi dahil sa wala kaming plano, walang nagyaya or dahil sa tinamad kami but dahil sa pareho kaming feverish. Si RS, todo na sa kanyang anti-biotic at ako naman, simpleng paracets lang e okay na plus isang bonggang sleep lang.. Pero nakakatuwa noh, kasi sabay pa kaming nagkasakit.. hehehe... ibig sabihin lang, lagi kaming magkayakap.. hehehe

----------------

Lumipas ang Sunday at nasa hosue lang kami maghapon habang yung iba, party party sa labas kasi may fiesta! Booom BOoooom Booorooombooom ang drama ng mga neighbor!! at ang ingay.. hindi lang naman ako nakatylog until like 2am dahil sa kantang "dynamite!" leche talaga! hindi naman kasi yun pampaantok, hindi ka naman pwedeng magreklamo kasi magagalit si kapitbahay, e anu nga naman ba, nag-eenjoy sila kahit lahat e tulog na di ba? hahaha.. buti na lang nanjan ang mga mababait kong kaibigan at mga nagreply nung nagtext ako.. biruin mo, lahat pala sila e gising pa. at pare-pareho lang sila ng sinabi sa akin :

"matulog ka na! may pasok ka pa!" ang sweeeet sweeeeet talaga nilang lahat.. ahahahaha
at dahil dun pinilit kong matulog kahit feel na feel ko ang puyat... huhuhuhu

----------------------

kaninang umaga, pinilit ko talagang bumangon para makapagsilbi sa inang bayan (martir much ang eksena sabi ni direk!) at unattend ng flag ceremony habang pugto, sinisipon, mainit ang pakiramdam at inaantok. Kaya ko ito, ako pa? ako kaya si ... uhm,, sino ba maganda?? cge, basta ako si kiko eh.. ahahaha... The day went through naman ng maayos, kahit hindi ko inexpect na more more ang trabaho ko today, basta may mga eksena lang na konti na sa susunod ko na lang ikkukwento, work related kasi yun.. haaaay...

Pero dito lang naman mapapawi ang lahat ng pagod ko sa isang araw nang tumawag si RS..

RS: hoy, bakit daw kita pinapasok pa sabi ni papa?
Me: Bakit naman? e kaya ko naman eh..
RS : kasi daw, magpapa-check-up daw tayo dapat ngayon..

at napatawa lang talaga ako.. ahahha.. napagsabihan pa raw siya before umalis ng house.. I just so love his family.. hehehe

at hindi pa dyan natatapos, makakatanggap ka lang ng isang SMS:

i luv u kiko.. hihihi...


eeeeeeeeeeeeehhhhh.. ako na!!! ako na talaga.. sino pa ba?

to everyone!! let's have a great week ahead!! more more love to all of us!!


Quicky #08

ito na yata ang friday na hindi ko alam ang gagawin ko pagkatapos ng office hours.. RS will not be around after his work kasi he has to go the hospital pa to comfort one of our friends, OMI, nasa hospital kasi sa fudrang! lahat na yata ng ama ng kaibigan namin, nasa hospital, kahit ang ama ng anak namin si adonis., tsk tsk.. better pray for them na lamang for fast recovery.. hehehe

------------------

i called O kanina, he's in school pa daw at hindi alam if pwede kami magmeet mamaya kasi wala pa raw text ang B niya, baka raw may lakad sila. Supposedly, pupunta ako sa montalban to attend a despedida swimming party e since hindi naman pupunta ang isa kong co-worker, wag na lang, baka ma-OP pa ako dun (charot!) basta wag na lang.. Basta hindi ko na-feel pumunta,. period. end.. hehehehe...

-------------------

at last pala, ma-i-share ko lang, ginagamit ko na ang planner ko, yung galing sa starbucks, i got the silver one, very beki lang talaga.. si RS yung wood ang kanya e naisip ko kasi nun, mas bongga ang silver, mas manly.. hehehe.. at unti-unti ko na xang pinupuno ng mga events na gagawin ko sa future (sa totoo lang, ayaw kong tingnan kasi puro trabaho.. ahahaha)

-------------------

at may bago akong blogger friend, pero hindi naman un bago, ngayon lang kami nagkausap through SMS (di ba teh?? ahahaha) basta siya na yun,, mejo makulit, masayahin at tawa lang siya ng tawa.. lagi siyang umiimik ng gago.. totoo.. napansin ko lang.. hehehe... tapos meron siyang mga kkaibang sinasabi, for sure kamag-anak ito ni kokey!! choz! joke lang.. peace!!

--------------------

bukas nasa paranaque kami ni RS, birthday birthday nung friend namin, sa house lang, so konting kain kain lang dun tapos inom yata tapos for sure, poker game na naman.. ahahaha.. tapos hindi ko alam if magmamalars na naman kami, kung mag-malate kami, at nakita niyo ako, sigaw lang kayo! KIKO!! pak!! and i will say hello!! hehehe

--------------------

Oh well,, hanggang dito na lang muna mga friends and lovers!!

let's all have a great weekend...

ito na!! ito na!!



ahahahaha...

RN HEALS



Let me just share this one...

Last January 12, 2011, the Department of Health announced that they'll be launching a project for unemployed nurses, wherein they'll be deployed to poor communities throughout the country. Applications can be filed starting January 17, 2011 (think, this can be done online)...


image taken from here


Sa mga nursesita jan, gow na kung bet nyo...
ako, hindi naman ako nurse, pero malay mu lang, makatulong ako sa iba, di bey?

For the full entry, please click here

Para sa bayan ito..
To serve its purpose, they ask you..

Pak!

^_^





the 12/30/10 event...


since it was my birthday last 12/30/10, at dahil sa simula noong nagkatrabaho ako e lagi na lang may pasok, more more celebration with all humility ang ginagawa ko with my co-workers.

Simula palang ng araw, nothing much to do na dito sa office nun kasi last day of work na for the year! pagdating ko pa lang, one by one, they greeted me na, di ba ang sarap ng feeling pag binabati ka? para kang isang divah! isang star! choz!! then maririnig mo ang mga officemates mo na nag-uusap para mag-ambagan para sa birthday ko, though ganon naman lagi ang ginagawa namin pag meron may birthday. hehehe. para bang nakaka-excite kahit alam mu na kung anu ung bibilhin nila..

pagdating ng hapon, they got me a cake, some drinks at syempre, isang bonggang pizza, hindi ko lang nakuhanan ng pics ung pizza kasi late na un dumating eh.. hehehe.. pero eto po ang aking pagbblow kunwari ng kandila, na kunwari lang e may sindi pero wala. ahahaha.. at maisingit lang, naalala ko pa, na kausap ko si pepoy buong maghapon at late na niya nalaman na birthday ko pala.. eeeeeeeehhh..

kayo n lang ang mag-isip king anu ung DDAPTP,, bsta yun na yung name ng workplace ko..
(clue: pabrika yan ng paputok! choz)

pademure na smile lang..

nagbblow kahit wala naman sindi, wala kaming lighter or posporo man lang.. T_T
( di ba, ang ganda ng electric fan namin.. hehehe)

at isa pa daw na kunwaring pagblow habang hawak ko ang kutsilyo ni Gabriela Silang
at habang nsa likod ko ung iba kong mga kasama sa trabaho.. hehehe
(sa pantry area pala namin yan!)

salamat po sa lahat ng bumati, at sa uulitin, konti na lang naman at magbbirthday na ulit ako.. hehehe...

for JRG...


I started working 2 to 3 months after graduating from college. I chose the BPO since i felt like it'll give me financial security. And yes, it did. But after meeting different kinds of people, literally different and after seeing how a management of a big company works, I told myself that I need to liberate myself from such and start anew.

One of the people I met was JRG, he's one of a kind. He's a good maximizer (a term we used for those who has a very high sales percentage) and a certified bully CSR to customers. When we talk of serious matters, there's one thing that you could remember, he's working for his mom aside from himself of course, but he prioritizes his mother. So much good for a son for her mother.

Until came the time that he left the company and look for another one, has something to do with the great recession as they call it in the United Stated. Me, I survived, stayed in the company for a couple of months still.
Sabi nga nila "patibayan na lang". We kept the communication though we're no longer workmates, we still went out to have fun and maintained the communication, the friendship.

--------------------

Seems like I can't finish this entry because i am sad, i'm regretting some things but i know it'll just do no good. Let's just put it this way, JRG went through something really bad, the current path I chose somehow allowed me to be on his way. I tried to help him but the efforts exerted were not enough. I may already see it coming, but the day I received the message, I totally froze and just said "bakit ang bilis?"

---------------------

You're on a peaceful place now.
Thanks for trusting me. Thanks for everything I can and cannot remember.
We'll sure miss you. I will miss you.

(photo taken from here.)

Oedipus Churvah....

Since we had this sort of tampuhan ni RS sa hindi ko alam na kadahilanan (see here),
hindi ako nakapag-post much ng isang masayang entry. Pero ngayon okies na kami.. salamat po sa mga nagsabi na magiging okay din kami.. kiss kiss hugs hugs to all! basta okay na kami.. ahahaha. He left early this morning for his duty na may pag-gising sa akin at paghugsomuch tight at pagkiss ng more more.. (eeeeeeeeeeeeeelk... 2 lalaki naghahalikan!! choz!!)

Anyway, this post is about "O" na naman.
We met Wednesday night sa SM San Lazaro, si bakla, gusto after 5pm pumunta na agad daw agad ako (aba, demanding?) e busy ako sa work,, busy ako!! pero i managed to get out of the office after 5pm exactly. So nagmeet na nga kami, at hindi ko kinaya ang purple-multi-colored cap niya! siya na ang minsan ang very wrong, pero cute naman kaya keribels lang. So walk walk kami sa mga botiques until nagutom kami. Tumambay sa foodcourt and binuksan ang lappie para magtweet, bsta may mga nagtweet pa sa akin nun (salamat po!! hehehe.. ) We're there until dumating si RS. We ate siomai na uber favorite ko na yata ngayon saka ung pizza pizzahan ng foodcourt..

Dahil sa medyo maraming sentimyento sa buhay si O at marami-rami rin ang nilalaman ng kanyang utak, i told him that he has to create a blog account na! Pak! Helped him create one, pero simple lang yun kanya, hindi dapat spoon feed ang bata, "Learn on your own" ang sabi ko.. hehehehe.. At eto na po, ang kanyang kauna-unahang blog accout with an entry na mejo may ka-dramahan..


wala siyang maisip na title, kaya ako na lang nag-isip, di ba ang manly-manly? ahahaha
So, kung wala kayong magawa po, follow niyo naman siya though wala pa siya masyadong entry.. ahahaha.. click lang ung oedipus chorvah sa taas.. hehehe..

and so after nun, nagkulitan kami at nagpicture-picture habang nasa gitna ng maraming maraming people sa loob ng foodcourt at habang parang uber haggard na ako..






pasensiya na kasi mejo panget yung resolution nung cam tapos ang shuba shuba pa ni O.. ahahahaha...

happy friday everyone!!!

Quicky #07


after something so much fun with O sa SM San Lazaro

after going home and making kulit with RS

....bigla na lang siyang nagalit sa akin

i don't know kung dahil sa pag-aarte ko na galit ako sa kanya

or

dahil sa kinagat ko siya

He said kasi "ang ayaw ko sa lahat, yung kinukurot at kinakagat"

mababaw ba? well, that's him and i don't think kababawan yun..

we slept without even saying good night nor hugging and kissing each other like the usual us at night

he left early morn for his duty without even saying goodbye

he sure arrived at his place without sending any SMS for me to know

me, i'll be sending him a message na nandito na ako office


----------------------


sure this ain't a GOOD morning for me
hope the day ends well...


the year 2011: random....

january 2011

it has been a behavior not to think of any resolution for a coming new year.

One of the reasons maybe because I believe, change / plans / resolutions as they call it can always be done anytime, not because there's a new year coming or it's a tradition or a thing everyone does.

-----------------

anu ba yan?? ang hirap naman nito, (yan monglish monglish pa kasi eh.. hehehe) hindi ko yata bet talaga ang more more seryosong entry d2,, ahahaha.. But anyhow, anyway, my own way at para maiba lang, i'm planning to have this year, be a better one, much better than the past 2010. I'll be more aggressive with the things coming my way, be more sensitive to people's feelings and be more responsible in presenting myself to the public.

-----------------

There will be 12 months in this year, tingin ko naman mahaba-haba na iyon para maisakatuparan ko ang mga dapat gawin, paunti-unti man, sisiguraduhin kong makakarating (i-LBC ko kaya?? choz!) makakarating ako sa aming pangarap ("amin" sapagka't hindi na lang ako ang naglalakbay, im now with my better half, my partner, RS. eeeeeeeeeeehhhhh.. simula palang ng taon, cheesy na!!)

-----------------

to eveyone!! sa aking 75 followers:


2011 is at hand!! pak!! at hand lang.. ahahahahaha.. marami pong salamat sa pagsunod sa akin,, hindi naman naisip nun na dadami kayo at may makakapansin sa isang tulad kong mahilig lang bumulong.. hihihihi...

at ganoon din sa hindi ko followers pero lumilitaw sa comment box ko... salamat din po...

Let's all enjoy this 2011 in every orgasmic way we can...

ang inyong kaibigan,
kiko ^_^