sick - puyat - kilig . . .

minsan lang naman ako magkasakit sa loob ng isang taon. nakakatuwa lang kasi hindi na ako tulad noon na more more ang arte at kelangan na pumunta ng hospital. Iba talaga pag nasa alaga ka kasi noon ni Mother HMO.. ahahaha.. Ngayon, dahil hindi ko na siya kapiling, "prevention is better than cure" na ang quote ng lolo niyo.. hehehe

This past weekend, hindi kami umaura ni RS at okay lang naman yun,, Something new talaga at nasa house lang kami. Hindi dahil sa wala kaming plano, walang nagyaya or dahil sa tinamad kami but dahil sa pareho kaming feverish. Si RS, todo na sa kanyang anti-biotic at ako naman, simpleng paracets lang e okay na plus isang bonggang sleep lang.. Pero nakakatuwa noh, kasi sabay pa kaming nagkasakit.. hehehe... ibig sabihin lang, lagi kaming magkayakap.. hehehe

----------------

Lumipas ang Sunday at nasa hosue lang kami maghapon habang yung iba, party party sa labas kasi may fiesta! Booom BOoooom Booorooombooom ang drama ng mga neighbor!! at ang ingay.. hindi lang naman ako nakatylog until like 2am dahil sa kantang "dynamite!" leche talaga! hindi naman kasi yun pampaantok, hindi ka naman pwedeng magreklamo kasi magagalit si kapitbahay, e anu nga naman ba, nag-eenjoy sila kahit lahat e tulog na di ba? hahaha.. buti na lang nanjan ang mga mababait kong kaibigan at mga nagreply nung nagtext ako.. biruin mo, lahat pala sila e gising pa. at pare-pareho lang sila ng sinabi sa akin :

"matulog ka na! may pasok ka pa!" ang sweeeet sweeeeet talaga nilang lahat.. ahahahaha
at dahil dun pinilit kong matulog kahit feel na feel ko ang puyat... huhuhuhu

----------------------

kaninang umaga, pinilit ko talagang bumangon para makapagsilbi sa inang bayan (martir much ang eksena sabi ni direk!) at unattend ng flag ceremony habang pugto, sinisipon, mainit ang pakiramdam at inaantok. Kaya ko ito, ako pa? ako kaya si ... uhm,, sino ba maganda?? cge, basta ako si kiko eh.. ahahaha... The day went through naman ng maayos, kahit hindi ko inexpect na more more ang trabaho ko today, basta may mga eksena lang na konti na sa susunod ko na lang ikkukwento, work related kasi yun.. haaaay...

Pero dito lang naman mapapawi ang lahat ng pagod ko sa isang araw nang tumawag si RS..

RS: hoy, bakit daw kita pinapasok pa sabi ni papa?
Me: Bakit naman? e kaya ko naman eh..
RS : kasi daw, magpapa-check-up daw tayo dapat ngayon..

at napatawa lang talaga ako.. ahahha.. napagsabihan pa raw siya before umalis ng house.. I just so love his family.. hehehe

at hindi pa dyan natatapos, makakatanggap ka lang ng isang SMS:

i luv u kiko.. hihihi...


eeeeeeeeeeeeehhhhh.. ako na!!! ako na talaga.. sino pa ba?

to everyone!! let's have a great week ahead!! more more love to all of us!!


17 comments:

  1. nakaattend pa ba kayo ng bday bday. anyways, dont push yourself too much, naks. bsta kapa kailngan mo ng labandera, cook, at plantsadora, just call houseboy okay, lol. baka seryosohin mo, char lang yun te. hehehe.. just take care. mwah

    ReplyDelete
  2. still get well soon ceiboh. :D

    ReplyDelete
  3. Ayan! Laplapan kasi ng laplapan eh, nagkakahawaan tuloy kayo. hehehe..

    Anyway, pagaling kayo! :D Wahihi..

    Spread the love, not the flu! :D

    ReplyDelete
  4. swerte isabng beses sa isang taon nagkakasakit..pero mas mabuti yan.. ok yan..sana nga hindi nagkakasakit kahit isang beses lang diba

    ReplyDelete
  5. hahaha maharot parin o kahit kagagaling lang magkasait.. hahaha.. kayat sa uulitin katukayo.. pagaling ka muna bago magtweet. ha..w ahehehe

    ReplyDelete
  6. hehehe inngit much ako

    ReplyDelete
  7. get well soon at least minsan pag may advantages din ang may sakit kasi doon mo nakikita kung gano ka kamahal ng friends mo or family

    ReplyDelete
  8. @ houseboy >> naku,, hindi na kami naka-attend,, more more stay na lang sa house kami.. hehehe

    tc din!! mwah!


    @ikotoki >> uu, parang pusa lang.. domesticated.. char!


    @ kyle >> yup, will do.. thanks kyle!


    @ Nielz >> ahahaha.. oo nga,, choz!! salamat!! see you soon..


    @ xander >> oo nga,, swertihan lang tlga,, prevention ika nga... mahirap magkasakit eh..


    @ kiko >> ahaha.. nabasa ni RS comment mo kaya niloloko na niya ako ng tweet daw ako ng tweet.. ahahaha


    @ uno >> saan ka inggit? sa sakit?? hehehe


    @ nox >> thanks!!


    @ hard >> yup,, you'll see na may mag-aalaga sa'yo.. pero mahirap pag nagkasabay kami eh.. hehehe

    ReplyDelete
  9. uso talaga sakit ngayon sis! haaaayst!

    eeeeeeeeeeeeee. ang sweet niyo talaga ni RS! hehehe

    ReplyDelete
  10. hmmp nainggit tuloy ako!hahaha

    ReplyDelete
  11. @ wcommuter >> yup yup,., hehehe... kilig much.. eeeeeeehhh... parang pusa lang,, domesticated...


    @ nimz >> yes sis, totoo tlga yan.. kaya take care take care tayo dapat..


    @ Mac >> anu pang bago pag nainggit ka.. choz!!! hahahaha

    ReplyDelete
  12. uy talaga, nakita mo ko. small world.sana binati mo ko. di naman ako suplado sa personal e. hehe.

    nga pala, get well! salamat sa visit!

    ReplyDelete
  13. ang pogi mo naman kuya, get well soon : )

    ReplyDelete
  14. hahaha... totoo naman diba.. nyahahaha.. joke lang... pero ang sabihin mo di niya alam tumetweet ka.. hahaha

    ReplyDelete