napag-isipan lang




tama ba na when you hope, you also expect?


sa tagalog, pag ikaw ay umasa, maaari din na may asahan ka..


in relation to:


'where there is hope, there is love"


so pag umasa (you hope), magkakaroon ka ng love


mukhang hindi naman


so baguhin na lang, 


"where there is hope, there is life"

Leche Moment # 01



ang bilis, meeting agad kanina,, wala si PM then wala din si lola ko..
kakairita lang sa simula ng araw e wala naman halos pinatunguhan ang meeting na yun. pag-aksaya lang ng aming oras.


anung bago?

- may bagong SA, si PC siya,, medyo hindi ko siya bet kasi may hangin siyang dala. hindi ko lang alam kung paano siya napasok bigla sa eksena e wala naman akong nabalitaan na nag-uusap sila ni _____________ for the past few weeks or even months.

- magpapabawas ako ng workload, i mean, i will personally do that..
hindi na ako ang gagawa ng anu mang bagay na hindi naman inutos sa akin.
ibabalik ko ang mga "huh? hindi ko po alam yan?" moments ko..


-------------------------------------------------------------------------------

With the running environment and micro-management style 
ni ___________________, parang hindi ko na kaya.. 
Mind-games, kissing-the-ass, emotional stress ang labanan ngayon kung gusto mong tumagal. 


Parang ayaw ko na, problema ko lang, saan ako pupunta?


I have to think and to plan muna..
But for the mean time, kaya ko 'to,, 

one thing's for sure, pag ako nawala dito, pilay ang programa.






relates before the end of 2013



muli kong naalala ang salitang "relates". 

sa isang facility utilizing TC as a treatment modality, isa ito sa ginagamit nila para masabi mo kung anung nararamdaman mo. here and now ang labanan, hindi mo pwedeng palipasin ang araw na hindi ka nakapagverbalize ng mga bagay na naramdaman mo. you just have to identify basic feelings (happy, mad, sad, afraid) then ung reasons mo behind it.


my immediate supervisor was recalled back to her mother unit. in effect, nawalan kami ng isang staff, nawala ang boss ko..  she was only given the reason na dahil ito sa current situation na nagaganap sa kagawaran.
okay lang sana e but hindi man lang siya na-advise prior to her recall.


then may few series of events came in.

1. biglang may bumisita sa office na hindi naman usual. sabi ko e baka sinisilip kung ndon pa si immediate supervisor. it was until kanina na parang yun nga ang reason.

2. we attended a conference and may nagagalit daw at bakit daw ndon si immediate supervisor, bakit siya sumasama activity na yun. this was verified after sabihin sa akin ni immediate supervisor na may tumawag daw sa mother unit about it.  e kung titingnan, iba na ang head nya. also, invited naman si immediate supervisor sa event na yun ah. 

3. matunog ang balita na may papalit kay immediate supervisor, ang mga SA nya.. natatawa na lang ako kasi among all people, sila pa ba ang ipapalit?? i guess e may hindi talaga marunong tumingin ng competencies. wala naman magawa ang mga SA but to follow the instructions, i feel for them naman.


up to this point, no talk/meeting was made with immediate supervisor about it. kahit false hope lang ang content ng meeting sana e okay na, kaso wala. wala man lang pasasalamat sa mga nagawa nya sa programa, kahit plastikan lang sana, pede na yun..

nananahimik si immediate supervisor, nananahimik kami sa isang sulok ng opisina then we were caught off guard by the recall.. hindi ko alam kung may bumubulong na bubuyog and telling stories. hindi ko din alam until now. pero i'll make sure na babantayan ko at aalamin ko ang dahilan kung bakit ganon ang nangyari..


naiinis ako at kelangan umalis ni immediate supervisor e ang laking kawalan niya sa aming opisina. pilay na naman kami..

naiinis ako dahil ang daming trabaho specially end of the year na, ang daming reports to be submitted e wala naman akong ibang pwedeng pagtanungan kung tama ba ang gawa ko or may mga kelangan pang idagdag. yung partner ko supposedly, months old palang sa program so mejo hindi pa nya alam ang mga pasikot-sikot. kelangan pang turuan sa mga gagawin.


nalulungkot ako dahil hindi ko alam kung kelan babalik si immediate supervisor.

natatakot ako dahil baka sa mga susunod na linggo e mag-iba ang paraan ko ng pagtatrabaho. iniisip ko na lang na kelangan mag "Act As If" ako na walang nawala, dahil yun ang paraan para malaman namin ang tunay na dahilan sa recall ni immediate supervisor.

haay ... :(



*reminder of what happened

nakakalungkot.... haaaaay...


Noong nakaraan na linggo, we conducted a training program for health service providers. Halos lahat sa kanila ay galing sa probinsya. Isa sa kanila ay si Luigie, isang kaibigan, may anak at taga-Leyte.

Nakakatawa pa nga ang istorya niya at ng kanyang kasama kasi hindi na sila pinapasok ng mga airport guards 30 minutes prior to departure (oo, late silang dumating). so from Tacloban to Manila, no choice sila but to travel by RORO and bus rides. Tagal din ng byahe nila, almost 25 hours,. 

Hanggang sa dumating na si Yolanda at ang mga balitang hindi na namin maisip kung saan ba nanggaling ang bagsik nito. During lunch breaks e doon na lang namin nalalaman ang mga pangyayari. Tacloban City na muntikan na daw mabura sa mapa at interview sa Mayor ng Dulag, Leyte. Sabi ko na lang "Oh no! Dulag??" That's where one of our center is located. 

I cant remember na but it was until tuesday or wednesday yata na may nakakausap pa ako from their center in Dulag. Puro tawanan na lang kami sa phone, hindi pa masyado nagsisink-in ang pangyayari at and destruction dulot ni Yolanda. Or siguro, hindi ko pa masyado naiisip na pwedeng maging sobra sa inaasahan ang maidudulot na pagsira ni Yolanda.

Nakauwe na ang kaibigan kanina lang, sabi nya sa akin e he'll take the route to Cebu since Tacloban Airport is non-functional. He considered taking the C130 pero hindi daw siya pinayagan na sumabay. Wala pa naman kami balita kung sinong team ang pupunta for psychosocial so wala din kami mapakiusapan na pwede niyang sabayan. And so, from Cebu, may supercut daw to Ozamis (though devasted na rin ang Ormoc according to the news) then land travel papunta ng hometown nya. 

I asked him his plans, sabi nya e ililipat na muna daw niya family nya to Cebu. Sabi ko na lang sa kanya e mamili siya ng maraming food sa Cebu para madala nya paguwe ng Leyte. Hindi natin alam kung anu madadatnan nya. Last conversation i had with him was before lunch, safely arriving in Cebu and searching for possible transportation going to Ormoc. Then that was the last of it. I tried calling him pero cannot be reached na siya. 

Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko:
  - kumusta na kaya ang center namin sa Dulag? ang mga clients namin doon? ang mga staff nila doon?
  - kumusta na kaya ang aking mga kaibigan doon? ang pamilya nila?
  - paano na sila kung walang food or tubig?
  - paano sila muling makakaraos?
  - hanggang kelan sila mag-aantay?


"hindi ko pa alam" yan lang ang sagot ko. Pero kasabay nito, naniniwala ako na unti-unti babangon din sila at magiging isang mapait na alaala na lang ang mga dinulot ni Yolanda..


nakakalungkot... haaaaay..



masaya mamili, masaya chumika, masaya kumain



October 18

Hindi ako pumasok kasi civil wedding ng kapatid ni RS.Ganon pala ang itsura ng isang civil wedding, simple lang.. sa isang restaurant sa makati ito ginanap then nasa 20 tao lang kaming ndun, so isang function room lang.. dun na gagawin ang kasal by the power of grayskull as solemnizing officer, dun na rin ang picture picture, dun na rin ang kainan.. kung sa mga facilities ba e one-stop-shop.. 

nakakatuwa lang kasi si solemnizing officer e siya na ang nagpa-ayos ng lugar, siya na ang nagsabi kung saan maganda magpicture, in short, siya na ang director ng araw na yun while kaming lahat e waiting lang for the instruction. Nagkataon lang kasi na lahat din kami dun e first time na makaka-saksi ng isang civil wedding.. hehehe.. bakit civil wedding lang? basta it has something to do with the religion. period. 

then kahit pala napaka-saglit lang ng kasal nila, hindi pa rin napigilan nung groom then nung parents nung bride na umiyak. Si groom kasi siguro e napakasaya dahil naging asawa na nya ang kapatid ni RS. Then ung parents naman ni bride, kasi siya lang ang nag-iisa nilang anak na babae. 

so ito na sila, paputian ang laban!!

                                 


 mabilisan lang ang lahat, in like 3 hours, tapos na. so more time to do other things, more time to gala..
since may isang event sa world trade center e napagpasiyahan namin ni RS na tumingin tingin ng kung anu-ano at bumili.. Masaya kayang mamili lalo na't sale!

so for me, i bought boxer briefs na iba't-ibang kulay for only Php150 each, hindi ko alam tatak, mas mura kasi kesa sa armani na Php360.. meron din akong isang armani undershirt (hindi ko na alam kung anung klaseng armani, hindi ako aware sa ganon ha, sorry...) then isang jacket na pang-sangga sa ulan.. hihihii

si RS, puro slippers ang binili, mejo mura na rin kasi ung havaianas. sa mall, ung regular na around Php745 e Php521 na lang,, so keri na yun.. binili niya ang buong family. 

iba talaga ang feeling pag namimili ka, kahit wala naman talaga akong pera..
agree jan si mac, alam ko!!

                                


October 19

umattend kami sa isang "dedication" or binyag in short ng anak nung friend ni RS nung nasa college pa siya then naging co-reviewer na rin niya.. masaya naman though mejo antok ako nung time na yun kasi umaga un e mejo kulang pa ako sa tulog kahit almost 10am na ako gumising.. hihihi..

saglit lang ang eksena sa dedication with prayers from people, ang mas masaya e ang mga chika.. lahat halos napag-usapan nila, mga tao, trabaho, business, ganyan.. kung dati daw e mga plano pa lang kung saan magtatrabaho ang pinag-uusapan nila, ngayon naman e saan na mahusay gagastusin ang kaban ng yaman na kinikita nila..

more chika, more fun, more learning..

then, picture lang ng slight sa photo booth (ako yung naka-blue!)
                                    
at hindi na naman kami nagpa-awat sa event na sale sa world trade center, isinama pa namin sila doon..
at mas madami silang binili kesa sa amin.. hihihi...


October 20

akala ko e wala na kaming lakad pero hindi pa rin pala.. akala ko e makakatulog ako ng bongga pero hindi!!
nananalo pala ang RS ng P1000 electronic gift cheque sa Classic Cuisine (c2) sa robinson's ermita..
so bilang bibo ang mom at kapatid ni RS, ayun, dun na kami naglunch..

ang nakakatuwa pa nito e everytime daw na kakain si RS dun, e may automatic P200 e-gc na rin siya lagi.. hahahaha.. di ba, bongga??!!

and this picture says it all... konti lang smile ko para manly moore ang peg!

                              

bihira na kasi mangyari ang ganitong weekend sa amin ni RS bilang isa siyang busy na tao sa ospitalinda of the world japan at super sagasa ang weekend sched nya...


masaya mamili, masaya chumika, masaya kumain.

:) 

quickie # 15


ngayon na lang ulit ako nakapg-quickie... hihihihi


-------------------------------------------

sa isang trabaho, ano ang ipa-priority mo:

a. your passion for helping out your clients?

b. financial compensation?

-------------------------------------------

nitong mga nakaraang buwan, nahihilig akong magbasa
bukod sa kadahilanan na pampatulog ko ito e mejo nasiyahan ako.
binabasa ko ngayon ung series ng Mortal Instruments.. nasa book 4 na ako.
and nakakatuwa lang, hindi naman kasi ako mahilig sa mga mejo fantasy
or parang may mga wolf, vampire, warlock things..

try nyo rin basahin,, nakaka-bata!

----------------------------------------

october na pala,, ang bilis ng araw,,
2 months to go then 2014 na..
dami pang gagawin, dami pang naka-line na activities for november
lalio na't ito ang buwan ng adbokasiya namin..

----------------------------------------

holiday daw sa tuesday, so mag-ooffset ako ng monday para long weekend!

yey!

---------------------------------------




bakit nga???



meron akong kaibigan na masarap kausap.. kausap ha, hindi yung kung anong masarap na nasa isip nyo..hehehe.. minsan lang kami magkita pero pag nagkakaroon kami ng panahon e sinusulit namin yun para masabi ang lahat ng tumatakbo sa isip namin. syempre, kasama na dito ang pag-aanalisa ng mga bagay-bagay.

habang nag-uusap kami, may naisip kami na hindi rin namin alam ang sagot. or baka alam niya, hindi nya lang sinabi, basta ako, hindi ko alam ang sagot..hanggang sa umuwe ako ng bahay hanggang dito sa opisina e iniisip ko pa rin at nagtanong-tanong ako...

ang tanong:

"bakit minsan naiinis ka sa isang tao kahit alam mo naman na walang ginagawa sa'yo?"

ito yung tipong okay naman kayo, kaswal naman kayong nag-uusap pero naiinis ka sa kanya.
hindi naman yung super inis, pero basta naiinis ka.. hihihihi

sa pagtatanong ko, ito nakuha kong sagot:
  - dahil meron tayong standards sa isang tao o sa isang kaibigan?
  - dahil insecure ka sa kanya?
  - dahil wala lang (pero hindi pwedeng wala lang eh...) 


haaaayy..

pampagulo lang.. may maisip lang..  hihihihi

college reunion 2013



i had a great weekend,, got the chance na makauwe sa province to see my mom and others..
pero ang reason naman talaga ng pag-uwe ko was to attend a reunion.
it's the 10th founding anniversary ng course ko nung college.


noong una, akala ko hindi na makakapunta ung iba kong barkada, i mean ung ka-close ko lang talaga. But naloko nila ako,, dumating sila without even telling me.. surprise suprise ang peg! ang saya-saya lang.. dahil doon, nakumpleto ang araw na yun..

hindi naman super bonggang celebration ang naganap pero meron mga


konting usapan sa harap ng building with classmates,.. out of 16 e kami lang ang nakadating,. naisip ko din kasi e sayang ang binayad ko kung hindi ako makakuha ng t-shirt! chos!




konting motorcade! hindi ako marunong magdrive at wala naman akong sasakyan kaya nakisakay na lang ako.. hehehehe..




konting upo-upo at pose na kunwari e birthday party ko na ang theme e green! ahahahaha




konting chika-chika sa harap with my co-emcee para bumida.. hindi naman dapat ako ang mage-emcee nyan, hindi lang dumating ung dapat na nasa pwesto ko.. ang look na yan ang nagmamarunong-look! ahahaha!1 or shud i say, "sige, chika ka lang jan at ikaw naman ang magddadakdak maghapon".. ahahaha.



konting picture picture nung gabi na.. pabaliw-baliw lang while nomas nomas... in fairness ha, wala akong beer na hawak nyan,, ang bait ko lang talaga.. LOL!!






at isang whatever!



by the way, mejo hindi ko kinaya ng FRANCIS ang nilagay nila sa name tag ko.. ahahahha... hindi lang ako sanay na siguro... :)


our activity ended at around 12mn,, derecho sa balur ni classmate para matulog,, wala nang continuation ng inuman kasi mejo na-over na kami nung nasa venue pa,.. hehehehe...


sana after two years, as agreed upon e maka-attend ulit ako sa isa na namang pagtitipon.. ay, hindi lang pala ako, pati na ung iba kong mga kasama..

:)

















happy



and yes, i am just so happy now na napasigaw ako..
after a long period of having social media sites being blocked
by our IT department, ngayon e hindi na!!!!

meron nang twitter though pics are not visible, still it's functional na..
hindi ko lang maintindihan kung bakit kelangan nilang palitan
ang mga picutres ng mga "how to compute your BMI?"
bakit?? mataba ba ako... ahahahaha

and ngayon, ang blogger e hindi na rin blocked!!
yey!!!

ang saya-saya lang..


:)

from them to me...

one of the things i like about being part of a training program is that i get to meet new people. from them i get new insights, ideas, vision should i say and most importantly motivation.

and this comes rare in my case. though i love to engage myself in talking,, it usually ends up nothing serious.

fortunately, one who doesnt know me well had me to share my personal views/thought/opinions and left me things i have to think through..

kaya ayaw ko ng may kumakausap sa akin ng seryoso eh.. tsk!

but still, im happy about it then now, i hope i can try to work on those things..

from them to me...

one of the things i like about being part of a training program is that i get to meet new people. from them i get new insights, ideas, vision should i say and most importantly motivation.

and this comes rare in my case. though i love to engage myself in talking,, it usually ends up nothing serious.

fortunately, one who doesnt know me well had me to share my personal views/thought/opinions and left me things i have to think through..

kaya ayaw ko ng may kumakausap sa akin ng seryoso eh.. tsk!

but still, im happy about it then now, i hope i can try to work on those things..

boracay 2013

of course, boracay island is all about fun.. having no worries of what will happen next, fun beach under thr sun, seeing lots of people and ehem, seeing a sort of fruits (santol, durian, rambutan) chos!!

amidst the fun time and excitement of dipping into the waters, iagain had a low level of awareness,, i forgot that my phone is in my pocket.. such a stupid crap..

and afterso, my phone just died na wala akong nagawa...
sige lang, maybe it's meant to be..

pero sabi ko e baka lowbatt lang.. hihihi
Hello DENIAL stage..

oh well, to my contacts, wala ako phone ngaun,, just reach me through my twitter account @ceiboh




hindi naman ako nalulungkot, besides, nasa Boracay kaya ako,,,

hihihi

Happy 4th to US!!

March 17, 2013

This is the 4th year of RS and I being together as a couple.

I thank RS for always being there for me. For being such a sweety and for being a great kontrabida. I know at times we're having difficulties, but that made me see clearer the role I should be playing in this relationship..

I hope that I have given you the love, trust and companionship you've needed for I still can give you those if you feel like it's not yet enough.

I am sorry for my lapses and don't worry I'll continue to work on those.


Basta I love you and
I love you!



:)
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Friends..

Ang haba na ng tinayp ko kanina e inerase ko din.. Dinudugo na ako kanina kaka-monglish.. Ano ba gusto ko sabihin??

Masaya ako dahil marami akong kaibigan, mapwera na lang kung hindi kaibigan ang tingin nila sa akin.. Ahahaha..

Masaya ako na sa lahat ng napuntahan ko, pinanggalingan ko ay may mga butihing tao na nagbukas ng kanilang mga puso at isipan sa taong tulad ko..

Masaya ako na may mga taong hindi sinusukat ang pagkakaibigan nang dahil lang sa mga bagay na naibibigay mo or naibibigay nila..

Maraming depinisyon ang pagiging kaibigan. Kanya-kanya lang yan sa pagbibigay ng kahulugan. Meron sa oras, sa atensyon, sa materyal, at anu pa?? Basta meron pa.. Ahahahaha..

Basta salamat lang sa mga taong naging kaibigan ko, kaibigan ko hanggang ngayon, magiging kaibigan at syempre, sa mga taong tinuturing akong kaibigan,,

Ang bad naman di ba, friends ko sila tapos ako lang pala may alam nun, ahahahaha..

Keri!



Sent from my BlackBerry® wireless handheld

March: 1st weekend - acacia estates and ihop





more more fun na nga yata ang march 2013 namin ngayon ni RS kasi sabi niya, he laid down our plans na nga..

from last weekend eksensa sa calatagan, batangas e we went out naman kasama ang mga friends namin ni RS. Actually, friends sila una ni RS from grad school then since ako si jowa, naging friends ko na rin sila then yung husband and bf nila hanggang sa mga parents and everything na..

biglaan ang plano na lumabas, RS was only talking to our friend and they felt like gusto nilang lumabas and ayan na, swimming na..

we went to the house nung brother nila Richard and Lare (couple sila). or hindi talaga kami pumunta sa house but din sa pool area nila. sa acacia estates sa taguig. hindi alam ng kapatid ko na ndun ako sa taguig area kasi malamang, papuntahin niya ako sa kanila.. LOL!!

masarap pala talaga magswimming pag hindi mainit ang araw. simple lang ang peg namin, swimming, kain ng chips, inom ng coke, kulitan sa anak nila, inom ng coke, swimming, kain ng chips, ganyan..

                                     
yan yung isang pool, then sa kabilang side meron pa.. 


then napunta ang usapan sa isang restaurant na boom na boom daw na nakikita nila sa facebook and instagram. sabi ko, wala naman un facebook ko. yung ihop (International House of Pancakes). Dahil sa mga ka-echosan namin e ayun, napagpasiyahan namin na pumunta sa Boni High Street to eat nga sa ihop.. para lang malaman kung bakit pinipilahan siya, bakit more more ang kumamkain..

swimming-change to dry clothes-off to high street-ihop!

grabe, more more nga ang pumipila,, we are reserved under number 82 then yung tinatawag nila e nasa number 49 palang.. hala! todo tayo sa labas ang peg namin.. excited kasi baka nga masarap and okay yung food.

                                                 


checked out the menu na para makapili then we were all awed sa mga food nila! syempre meron pancakes na iba't-iba, may meals na for kids, meron mga omelette then meron mga bacon, ham, egg, french toast.. basta mga ganon.. nagkatawanan pa nga kami na sabi namin, "anu ba yan, ang mahal nito, kaya kong gumawa nyan e" pero since we waited na ng matagal, hinayaan na lang namin.. and kung aalis kami, we would not know bakit maraming tao ang kumakain dun..

at last, after an hour or so, we were accommodated na.. we ordered ung american breakfast, isang tropical keme ng drinks (share na kami ni RS, refillable naman saka wala naman provision na bawal ang sharing, hehehehe) then si couple, they ordered yung french french keme saka splash-splash na drinks (sorry forgot the name na e) 


                                            



yung isang couple pa namin na kasama, sa kabilang table sila, monthsary kasi nila (daizele and dino) so pinahiwalay na lang namin sila.. hehehe.. then bilang isang masayang grupo, kelangan ng group pic!


                                              
                                                 baby richelle, richard, ako, RS, lare, dino ang daizele


well, the food was not as great as i was expecting. pero masarap nga yung pancakes nila (yung cinnamon inorder namin) then you'll get the chance to pour in 4 types of syrup: may maple syrup (may tawag sila dun e), may butter pecan or pecan butter syrup, may strawberry then may blueberry na lasang tempra! LOL!! pero ang masaya, drink all you can yung drinks nila na talagang masarap!! hehehe

masarap naman yung ham nila then makapal, mejo maalat lang yung hashbrown. then kung gusto mo pa ng additional order, mura lang yung egg, Php55.00!! ahahahaha..

sa tingin ko lang ha, for a breakfast or merienda sa ihop, hindi siya ganon ka-practical, yung aaraw-arawin mo na dun ka kakain e kaya ko naman magluto ng ganon. pero naalala ko si mac sa mga ganitong eksena kasi feeling ko, ito yung mga bet ni mare eh.. LOL!!

maybe add-on lang that time yung place nila, yung masarap na drink, yung choice ng egg on how it'll be cook and of course, yung mga friends namin na ngayon lang ulit namin kasama..


 eto, pampa-haggard lang! ahahahaha...
have a great week everyone!



:)








weekend in calatagan


weekend trip

ang totoong plano ko lang was to stay sa san pedro by friday until saturday then uwe na sa hauz to see RS.. but something came up and yes, made us feel the summer as early as February.

we went to Playa Calatagan, sa Calatagan, Batangas. siguro mga 1hr & 30 munutes away from Tagaytay City via Nasugbo..

                                


Bago palang yung resort so walang mga rooms, ang peg namin e isang tent na nahahati sa 3 room. kasya naman kami then may parang beddings na kaya kering-keri sa pagsleep..

                                


Pag bet mo sa pool, may additional kang bayad kasi yun na mismo yung resort, tawag nila Aquaria.

                                 
                                                                manly pose... :)



                                     

Kapag need mo ng food, meron dun restaurant na keri din yung prices nila then pwede ka rin lumabas naman. Lakad lang then meron nang sari-sari store.

Super lamig sa gabi at very light na lamig naman sa umaga then init sa tanghali. salamat na lang at wala kaming dalang sunblock, humapdi tuloy yung likod ko.. huhu.. sabi nga ni officemate, skin cancer daw, sabi ko, cancer agad? sunburn lang ang sabi ko hindi cancer.. ahahahaha

                                  
                                                       emote lang sa lamig... hihihi


i could say na hindi ganoon kaganda yung dagat kasi madaming seaweeds, may mga starfish so it means may mga sea urchins din. then buong maghapon e low tide, kahit lumakad ka siguro ng 300meters e hanggang bewang pa rin ang lalim.

ang add-on lang sa akin siguro e malinis naman yung dagat, wala masyadong kalat (except sa mga dahon-dahon), hindi itim yung buhangin at siguro mura na din.. ewan ko lang kung tama ako na mura nagastos namin..

                                           


                                       



7 kami sa group and we divided yung mga bulk na gastos namin.

P150/head yung camping fee
P2000/tent, e 7 kami so P285.71/pax
P150/head as initial grocery
P250/head sa resort entrance, para sa pool
P1007 ung lunch sa bilao (group meal), divided by 7 so P143.86/pax
P500 ung another set ng grocery with beer, divided by 7 so P71.43/pax
P3000 yung van from paseo to calatagan, divided by 7 so P428.57
P2000 yung van from calatagan to SM San Lazaro, divided by 7 so P285.71

total gastos ko: P1765.28
so more or less, P1800.00

tingin niyo, tama lang ba yung gastos namin or mejo mahal siya?? hmmmmmm...

ngayon naman, achieve daw namin yung places na mura lang din puntahan pero enjoy naman..












basta...



hindi ko alam pero kinilig ako sa nabasa ko..
siguro kasi it didnt come to my expectations..
pero sabi ko nga, malay mo naman di ba..

basta kinilig ako...

eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeehhhhhh....


#maymaisulat lang..


currently, sinisipon ako.. sana gumaling na ako...   :(

January 2013 random






i can't believe that i survived the whole month without even getting paid for work.
As they call it, public service..

------------

ouch!!
bloody, limiting. period. 

------------

and I am now an official godfather.
will be a best role model for him.

------------

since seeing the friend was not realized,
i don't know if i will still be up to it.
besides, the friend may no longer be up to it as well.




text text then meet-up noon and social media ngayon




kanina during lunch, nag-uusap kami nila officemate about mga meet-ups. daming lumabas na stories, ako mga encounters sa kapw lalake then sila sa babae (straight kasi sila) pero hindi ako nagpapatalo..

since uso pa ang text noon, hindi pa masyado uso ang friendster and all:
-pag may katext, naghuhulihan kung sino yung imi-meet
-pag nakita na at hindi gusto, biglang tatago at hindi na magpapakita
-mga SOP tapos iba sa personal ang sinasabi sa text or sa tawag
-may kilig factor, may thrill pag sa text kasi ikaw ang nag-iimagine sa looks ng kausap mo


ngayon na may social media na:
-alam mo na ang itsura ng kausap mo
-pwede ka nang pumili ng gusto mong kausap sa ayaw
-marami ka nang way para makakilala ng tao
-hindi na lang sa text ikaw pwedeng makipaglandian


marami kaming napansin na pagbabago sa mga meet-ups noon at sa ngayon, na meron nang social media..
to top it, nawala na yung thrill sa tingin namin, ung parang pakiramdamam mo sa isang tao pag may gusto kang ma-achieve, ung excitement prior the meet-up, mga ganoong bagay..

ako napansin ko, hindi namn sa dahil may asawa na ako e mas konti na ung mga casual encounters (kung yun nga ang tawag dun).. ung mga nakasalubong mo lang, nagkatitigan kayo, nag-usap and yun na..

kasi parang people now no longer venture to try their luck on the streets and find thrill sa mga unexpected events, mas sigurista na sila kung kanino sila makikipag-usap. Yung tipong, dapat approved on their standards..

ewan ko lang ha,, naisip lang naman namin, napag-usapan. ganon..


:)

para kay MAC!



hoy mareng mac! ito na ang post ko for you ha!! LOL

wala naman akong masasabi jan kay mac..

ewan ko kung kelan kami unang nagkakilala niyan,, pero it's through blogging din. comment-comment lang ang peg nun, naaliw kasi ako talaga dun sa pic niya ng lalaki na may rosas! akala ko siya yun e un pala hindi. (nakakainis, baliw-baliwan pa kasi ako nun saka utu-uto) 

dahil sa bonggang pagko-comment ko e ayun, nahantong naman sa pagkuha niya ng YM ko. OPO! siya ang kumuha ng ym ko,, (kiri kasi talaga yan si mac) pero dahil sa feeling ko naman ay mabait siya, binigay ko.
Isa yan sa mga nangungulit sa akin dito sa office pag wala akong ginagawa kasi mahilig makipag-chat.

Marami na rin kaming napag-usapan ng bruhang yan, ung tungkol ka *tooooot* (yung una mare na napag-usapan niya, ung tinanong mo pa nga ako kung paano ko nalaman di ba? yung tinatanong ko pa nga sa'yo kung nagkita na kayo, i-bbm mo na lang ako kung hindi mo maalala. ahahahaha)

Napagkwentuhan na rin namin yung kay *keme* ung mga naging usapan namin noon.. na paulit-ulit naman niyang sinasabi na kahit siya naman daw e wala na rin contact dun. tahimik na kasi at busy siguro.. 
(yung sinasabi mo sa akin na hindi ako maka-get over e dahil nga sa tinatanong ko nun na bakit naging ganon na lang.. ahahaha)
at dahil sa feeling ko ang gulo ko na e okay lang.

lumipas ang panahon at nagka-twitter na rin si beks so todo emote na rin kami dun.. more more tweets, more more fun.. more more bbm after ilang months until came the uuwe na nga siya para sa isang ganap na pagbababalik bayan! aminin naman natin, parang grand winner ng Ms.Qatar RoadSide Edition ang umuwe kaya halos lahat ng pwedeng i-meet e mineet na niya! Ang mga people from the online world, todo support naman makahipo lang sa napaka-puting kutis ni mac! ahahaha

naalala ko, kinakabahan pa nga ako nung andito na siya sa pilipinas! nag-DM pa nga ako sa kanya nun para lang maibigay ko ang number ko sa kanya.. syempre excited ako na dumating siya at makita.. hindi ako talaga mahilig makipagkita pero dahil nabalitaan ko na bagong gawa ang matres ng kumare ko e kelangan kong makakuha ng mga tips kung paano ito alagaan, at kung mura pa talaga ang nose-lift sa qatar! charot!!
sabi ko pa nga sa kanya na siguro mananahimik ako pag nagkita kami, pupunta sa sulok at hindi makakapg-salita kas mahiyain ako, per dahil emotera ang kumare ko at very warm, e tumaas ang confidence level ko na okay lang palang magsalita, makipagwentuhan and all..

Dumaan ang mga araw at nagkita kaming muli, same thing, pinilit kong tumahimik pero pinilit niya akong magsalita. Tinext kasi niya ako na ihuhulog daw nya ako sa building ng shaw residenza pag nanahimik ako. so sa takot ko, nagbasa ako at nagmemorize ng maraming tula para yun na lang ang ikuda ko.. ahahaha

nagpasko na at andito pa rin siya sa pilipinas, pinaabot pa ang bagong taon at andito pa rin siya. hindi na siya naawa sa mga pilipino at nakisiksik pa sa land area ng pilipinas! LOL!!

pagkabagong taon, at sa kadahilanang makati talaga ang mga paa ni mac, nagawa nilang puntahan ako sa probinsya habang nananahimik ako dun kasama ni mamoncito.. Sabi ko nga e wala naman  Ms.Gay Halloween Edition sa Quezon kasi tapos na e bet pa rin daw niyang pumunta. ahahahaha... Anung ginawa namin sa Quezon? Kumain kami sa isang lumang restaurant sa Sariaya, nagbyahe ng bus papuntang Lucena, nagsakay ng Jeep papuntang Lucban. Dinala ko si mac sa Kamay ni Hesus para bumait naman ng konti. Pinaakyat ko sa napakatarik ng hagdan, pinilit kong itulak siya pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon (sayang! charot!!). pagkatapos nun e nagsakay ulit ng jeep patungong bayan ng Lucban, nagpicture sa simbahan, naglakad habang malakas na bumubuhos ang ulan, nagjeep patungong Tayabas at kumain sa Kamayan sa Palaisdaan. Akala ko lulubog yung floating hut namin kaso i failed, tigang na pala yung tubig, 3 inches lang pala pagitan nung floating hut sa putik ng pond (failed attempt... ahahahah.. charot lang ulit!) Ginabi na kami at natatakot na siyang hindi makabalik ng Laguna, buti may nasakyan pa kami.. Mabuti na lang din at nakasabay namin ang mga padala ni Mayor para bantayan kami sa byahe (alam mo yan!!) hanggang sa naumay na akong kasama sila, pinabayaan ko na siyang makabalik ng Laguna..

Hindi pa natapos ang ka-etchosan ni mac! Gusto pa rin niya akong makita! hula ko, KRAS ako ni mac eh.. LOL! mula sa aking bayan ng Quezon, pinababa niya ako sa alabang para magkita kami. Wala naman masyadong nangyari pero isang masayang salu-salo lang.. Buti pumunta ako at ndun pala si Heart Evangelista!! LOL!!

napagod na akong mag-isip at magtype pero eto lang:

masaya ako mac at nakilala kita,, hindi lang sa blog / twitter / facebook / bbm / planetromeo / grindr / lifeout / downelink kundi sa personal. Seryoso kang tao at mabilis mapatawa. Kontrapelo ka lang minsan at hindi magpapatalo pero naiintindihan kita. isa ka siguro sa taong bihira ko man makita e bihira ko talaga makikita.. LOL!!

salamat at dahil sayo e marami akong bagong nakilala at nakita tulad ni mac, ay ikaw na pala yan.. si will na mataba, si leo na tulad kong mahinhin, nimmy na witty, miguel na busy, louie na kapitbahay, babit na matangkad, nikki na mejo kulot yata, nate na masayahin, heyoshue na co-model ko, si shatter na pogi, badjiao na tumbling lang ang layo sa bahay at si mamoncito na ever makulit!!!
at dahil din sa keme affairs mo, nakita ko rin in side trip sila beej na nagpainom sakin ng beer, mugen na mabait, jap na smiling face.. sana lang wala akong nalimutan.. hello there!! ahahahaha

basta sa pagbalik mo sa ibang bansa, tandaan mo, hindi na ako magrereply sayo sa bbm.. LOL!!

para makita ka naman nila, ito yung sabi kong napakaganda mong picture!
si mac ung blurred na nakatayo. hindi ung pixelated! LOL!!!!



still, thank you mac and see you soon!

2013

Konti na lang then matatapos na ang bakasyon ko, back to work na ulit..

Oh yes, minsan nauumay ako, natatakot pag tumatawag si director, kinakabahan pag may deadline but still, happy that for 2013, I am rehired by the Program.. siguro okay pa sila sa performance ko (ahahahaha).. Pero siguro dahil nakikita naman nila na kahit baliw baliwan ako e matino naman akong magtrabaho and can work on a minimum supervision to almost none..

Wish ko lang na magpatuloy lang ang pag-asenso namin lahat sa Program.

Wish ko lang na matupad na namin dahan-dahan ni RS ang aming mga pangarap, ang aming plano para sa aming pamilya, para sa aming dalawa..



2013, Maging super kind ka sa amin ni RS, kelangan na namin ngayon ng tunay mong powers!!

:)
Sent from my BlackBerry® wireless handheld