my 50th post...



This is my 50th post..
at dahil jan may bago akong picture na hindi ko masyadong bet.




Ung weekend blast ko, cguro pang-51st post ko na lang yun,.

na-inspire lang ako sa picture ko (kahit ang chaka) na gumawa ng 50 questions na pwede kong itanong sa sarili ko,. siguro ung iba mahirap sagutin, ung iba, kahit utak ipis (sorry for the word) kayang sagutin. mga out-of-the-blue questions lang.


at eto ang mga katanungan na related to the following:


sa office:

1. bakit ba may epal na tao dito na napaka-lakas ng boses?
(leche ka talaga sa kaingayan pero hindi mu kaya ang snob powers ko. ako pa rin ang reyna ng ofizina! bwahahaha)

2. kailan ba ulit magkakaroon ng salary increase?
(amen)

3. may bonus kaya kami this December?
(luluhod na ako. Amen)

4. Marami kaya ang dadating sa activity namin next week?
(more people, more fun)

5. Mawawala na kaya sa pwesto ang whimsical-creature ng office?
(bilang na ang mga araw mo!)

6. Kailan ba ulit kami magkakaroon ng activity sa labas na metro manila?
(hindi na ako nakaksakay ulit ng plane, nu veh?)

7. Kailan ba kami makakabitan ng direct line?
(ang hirap pumunta sa baba ng office para lang makitawag, mag-fax etc)

8. Ma-rerenew ba ang tulad naming mga contractuals?
(pagbasehan na lang ang PES at Face.. ahahaha)

9. May christmas party kaya ang office namin?
(dapat meron, para meron din gift)

10. Makikita ko pa kaya yung crush ko dito sa loob ng kagawaran?
(kahit ma-jubis ka, crush kita.. ahahaha)


sa pamilya:

11. Kailan ba dadating ang pension ng nanay ko? (para makahingi na ako., choz!)

12. Magagalit kaya ang ate ko kapag hindi ako pumunta sa birthday niya?
(at hindi ko talaga balak pumunta)

13. Anu naman kaya ang sakit na makukuha ng pamangkin ko?
(feeling kasi niya hotel ang hospital)

14. Kailan ba titigil ang mga aunty ko na magtanong kung may balak pa akong mag-girlfriend? (paulit-ulit na lang pag uuwe sila, parang may tape recorder kasi)

15. Bakit ba ang tingin ni mama kay RS e friendship lang?
(mama, anu ba? partner ko siya!! ahahaha)

16. Kailan na kaya ililipat ng nanay ko ang titulo ng lupa sa pangalan ko?
(para lalong magalit na sa akin ang aking kapatid! ahahah)

17. Bakit ba hindi ako pinilit ng tatay ko na magpaka-matigas, yung parang tunay na lalaki? (deadma lang kasi si pudak eversince eh)

18. Talaga bang hindi na matatapos ang pagiging kalaban ng aking kapatid na babae?
(lagi na lang nagsasalita ng kung anu-ano about sken xka kay RS kasi.. grrrr)

19. Bakit hindi nauso sa amin ang curfew? (kasi yung classmates ko nung hi-school e may mga strict parents eh, pa-feel lang ba? hehehe)

20. Magkakasama kaya kami this coming christmas at new year? (haaay)


sa kaibigan:

21. namimiss nga kaya nila ako?

22. May nagagalit ba sa ugali ko?

23. may pasalubong kaya sa akin ung mga nasa ibang bansa pag umuwe sila?
(un tipong automatic na remember nila ako.)

24. alam na kaya ng lahat na bakla ako?

25. i-rephrase ko, tanggap kaya nila na ganito ako?
(may mga umiiyak eksena pa kasi noon eh.. hahaha)

26. may nagnanasa kaya sa akin sa kanila?

27. bakit ba may mga drawing kang friends?
(ung mga extreme and naiisip tapos hindi totoo)

28. alin na kaya ang mas marami kong friends, straight, beki, butch, bilat?

29. meron kayang naninira sa akin sa kanila?

30. kung totoong sinisiraan nila ako, sa kadahilanang hindi ko alam, gaganti ba ako?


kay RS:

31. mahal mu ba ako?

32. hanggang saan ang kaya mong gawin for me?

33. nagseselos ka ba pag may mga kinakausap akong ibang tao tapos sweet ako at cuddly sa kanila?

34. nakikita mo ba tayo like 10 years from now?

35. kung pwede na tayong magpakasal, magpapakasal ba tayo?

36. lumalandi ka pa ba hanggang ngayon, kahit very slight lang?

37. may mga ugali ba ako na dapat kong baguhin for you?

38. kailan mo ba tatawagin na "mama" at "papa" ang aking mga magulang?

39. kailan ka ba magpapa-payat?
(mejo lumulobo ka na kasi sa totoo lang though okay lang yun sa akin.. hehehe)

40. bakit mo ako mahal?


sa sarili?

41. bakit ako bakla? (ahahaha)

42. anu mangyayari sa akin pagdating ng January 1, 2011

43. may mga bagay ba ako na gagawin sa future tapos maghihiwalay kami ni RS?

44. Magkakaroon ba ako ng anak sa future?

45. Kailan ba ako tataba?

46. Makakapag-gradschool pa ba ako?

47. Malandi ba ako?

48. Efficient ba ako bilang isang empleyado?

49. mabait ba talaga ako bilang isang anak? (kaya mejo favorite ako ng parents ko.. ahahah)

50. bakit ba hindi nauubos ang tanong ko?



dami daming tanong at hindi pa yan maaubos kundi lalong madadagdagan habang lumilipas ang bawat segundo ng aking buhay, habang may mga bagong bagay na dumadating.
Sa pagsagot ko ng mga tanong na ito, siguro naman, may dulot silang aral para sa akin.

at in fairness,, mahirap mag-isip ng mga tanong ha..


^_^


11 comments:

  1. cute... you, your picture, the questions, more so the side comments... your blog

    ReplyDelete
  2. kakalowka! ang daming tanong! hihi,

    congrats on your 50th :)

    ReplyDelete
  3. I have the same question---kelan ba ko tataba? :|

    ReplyDelete
  4. heheheh nice naman... sarap basahin...:)

    ReplyDelete
  5. wow! kakanta nlang ako...
    "so many questions... but the answers are so few... all i really know is.. this is your 50th post!.."

    hahaha... parang baliw lang. apir!

    ReplyDelete
  6. @mark >> thanks po! eeeeeeeee.. kilig ako!!!


    @nimmy >> uber thanks nimz! kakaloka talaga, kahit sa bahay e nag-iisip nga ako eh.. hehehe

    ReplyDelete
  7. @ryan >> naku, kelangan na natin magjoin force tapos contest tayo.. wahahaha.. since malapit lang tayo sa isa't-isa... ^_^


    @b_angel >> salamat sa pagbabasa!!
    gow lang ng gow!

    ReplyDelete
  8. @CD >> apir apir!! hanggang dito kumakanta ka.. ahaha..

    ReplyDelete
  9. Haha! Napatumbling ako sa mga tanong mo. Ayun nakakaaliw lang. Haha! Kung napadami pa yan, baka gumugulong na ako dito kakatawa. Haha. :)

    ReplyDelete
  10. @Louie >> tumbling talaga ha! hehehe

    at eto ka, for my question #10 sa office related section, NAKITA ko siya at NAKAPAG-USAP kami..
    kani-kanina lang, pagbukas ko office door e ndun xa.. pak!

    ReplyDelete
  11. dami mong tanong
    ikaw na ang maganda sa lahat ng enkantada sa lupa kekay

    hehe

    ReplyDelete