Weekend Blast #05 pt 2

sabado na!!

before anything else, nagpapasalamat ako kay JIN para sa blog niya kasi hindi namin malalaman na may outlet sale..

so, bonggang gumora kami after lunch ni RS sa MOA para sa keme outlet sale nila.. wait kami ng cab at aba, isang oras na kami sa paanan ng haring araw, waley waley waley boxi.. so para makaraos kami, jipepay at LRT na lang ang drama namin.. (haggard much!!)

pagdating sa SMX, i am so excited and i can't hide it, patatak sa wrist para proof of registration at sa loob..

dahil sa mga bonggang discounts nila..

dahil sa mga reduced price nila...

dahil sa over over dami ng tao...

wala akong nabili!! ahahahaha...

i tried looking for rubber shoes kaso hindi ko malaman kung okay ba yun or not, it's really my bad at kelangan yata may dala akong manual on how to buy shoes.. RS searched for frames ng eyeglasses niya kaso hindi na rin siya nakabili,, ewan ko kung bakit, hindi niya yata feel.

Then we went sa SM department store, punta sa mga gamit para sa house, fave niya kasi un, look for mga appliances, eating utensils, bowls, plates at lahat ng nakaka-nanay na bagay.. lakad lakad lakad at booom, may nakita akong pill box, lalagyan ng gamot so sabi ko, yun na lang gift ko sa mga lola ko, at least magagamit di bey?? at binilihan ko na rin si papa ni RS (sweeet ko talaga... ) At xempre, mawawalan ba ang mujay (mom of RS) niya? gow straight kami sa havaianas keme store nila to grab a pair.. at since marami na talagang utaw at baka mahirapan pa kami umuwi, we went home na after nung fireworks display (i soooo love fireworks talaga!!!)

at pagdating sa house, ito ang nakakatuwa.. nakita ni mujay ung havaianas at sabi niya:

mujay : ay ang ganda naman, may havaianas si kiko,, ito bang havz ko e matagal na, ang pangit na nga eh (while looking at RS and throwing her havz na parang gusto na niyang masira)

me: e tita, sa inyo po yan,, hehehehe

Mujay: (with a gulat face) sa akin ito? wow, thank you.. ang pangit na kasi nung havz ko.. (hindi ko lang sure na ayaw na niya ung havz kasi tinatapon-tapon na lang niya eh.. ahahaha)

at buong lakas loob ko lang naman sinulat sa card:

TO: Momi Flor

Happy Holidays!

FROM : RS and KIKO


(momi flor?? kinakabahan talaga ako.. nasusuka... buntis?? choz!!)
at eto ka, prang nalungkot naman si fujay kasi wala siyang havz but ony a pill box (lungkot much?? ahahaha), kasi naman meron pa siyang crocs saka havz, more more na yung kanya kaya stop na muna.. ahahaha

haaaay,, so happy seeing them happy..
sarap talagang magbigay ng gifts,, at syempre, mas masarap na makatanggap din, pero wala pa akong natatanggap ngayon!! huhuhu..

calling everyone!! tumatanggap na po ako ng regalo,
for pick-up or for delivery.. either or.. ahahaha
at eto, ito na po itsura ko ngayon, tapang-tapangan at kakapalan ng mukha ulit na magpost ng pic!!
baka sakaling may-maawa at maisip na bigyan ako ng maraming regalo.. ahahahah


(mejo hindi ko ito feel, parang magkaiba ung laki ng mata ko.. grrrrrrrrr....
tapos parang hindi ao masaya.... ahihihihi. )


at in fairness!! walang malars on a saturday night ha!!

6 comments:

  1. ang bilis may 2nd entry agad..

    legal kayo?

    kainggit naman..

    bakit nga ba ako naiinggit eh single akez! hahaha

    merry christmas bakla!

    ReplyDelete
  2. ang taray mo teh hihi! Ikaw na ang married :)

    Btw ako wala pa nabili regalo for my family and relatives harhar!

    ReplyDelete
  3. @ shen >> gnon tlga teh, una sa balita! una sa lahat!! nanalig kasi ako eh.. hahahaha


    @ PN >> malaking check for that!!

    ReplyDelete
  4. @ shen >> gnon tlga teh, una sa balita! una sa lahat!! nanalig kasi ako eh.. hahahaha


    @ PN >> malaking check for that!!

    ReplyDelete
  5. kala ko may napala ka sa smx, ehehehe

    happy holidays dude!

    xlinks po?

    :)

    ReplyDelete
  6. anu ba yung xlinks?? sorry ha,, no learning yata ako.. hehehe

    ReplyDelete