Birthday ko!

Isang magandang araw sa inyong lahat!! Nais ko lang sabihin na dapat maging masaya ako sa araw na ito dahil sa mga kadahilanang ito:

1. Nakauwe ako ng maayos at ligtas sa aming probinsya

2. Nakapiling ko na ang aking mama at daddy

3. Nakita ko na ang aking ninang, lola, pamangkin

4. mejo nakakapagpahinga na ako dahil sa walang pasok sa trabaho

5. Nakapag-reunion na with Highschool friends and hindi ako nalasing

At syempre, ang pinaka-importante ay:

6. Birthday ko ngaun! Eeeehhhh..

Pagkagising ko kanina mga 10-ish AM, I woke up and saw greetings through text. Facebook, twitter, verbal (from parents and pamangkin) at oh, sinabi ng mama ko na yun ung oras na pinanganak niya ako.. So officially, birthday ko na talaga!

Masaya ako at buhay pa ako, araw-araw nakakaramdam pa, patuloy na nagkakaroon ng pangarap, nagpapasaya sa mga nalulungkot at pinipilit na maging isang kapaki-pakinabang na tao.

Salamat po Lord sa buhay na ito!

Plans for my birthday?
Uhm... Wala pa naman, tambay lang. I don't know yet, bahala na si batman! Ahahahaha


:))
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Merry Christmas 2012!

I guess this has been my 2nd time to welcome Christmas alone.. First was when I was still in the BPO and second will be this 2012.. I have no work but RS has and my fam's in the province. Bakit kasi nakapag-compromise pa ako na pumasok sa 26th.. Ahahaha.. Pero okay lang.. Sabi nga ng iba, it's just like any other day, you can sleep and wake up na parang wala lang.. But considering the tweets and fb posts I've been reading, naiinggit ako ng slight. Sabi ko nga, "hmmmm. Sayang, sana ganon na rin ako. My choice naman ako." Pero it's too late and I have to live with it..

Sino naman ang may sabi na I can't welcome christmas na masaya and all? I can find my own ways. Bibili na lang ako ng alak mamaya and some keme to eat.. Ahahaha..

For this post, hindi ako nagddrama ha, gusto ko lang bumati ng Merry Christmas!! Mejo wala na akong wish ngaun na material na bagay. Mas bet ko na ang world peace! Ahaha.. Charot!


Pero ito lang ang kahilingan ko:

Isang patuloy na pagkakaroon ng malusog na pangangatawan para more work, more money and more time to enjoy with family, friends and loved ones..

Naniniwala lang ako na if imy wish will be continuously granted, it'll result to another.. Domino effect ba.. At least isang kahilingan lang matupad e okay na ako..

And of course, hindi lang ito para sa akin but para din sa lahat!



Again. Merry Christmas! Enjoy!!
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

relates...

This is not like a sentiment pero relates (TC term for expressing how you feel) lang..

Siguro nga kasi for the past years of working with the Program, every December, we're given like bonuses or what they call sa amin na CNA.. To clarify, it's really meant for regular employees. However, with their succeeding trend na they gave us the CNA , nasanay lang siguro kami na meron din kami.. And ngayon, dahil sa wala, kulang na lang e sumigaw kami ng sabay-sabay..

Maraming kwento ang lumabas kung bakit hindi kami nabigyan, aside sa reason na contractual pala kasi kami.. Meron story na may ayaw magsign ng cheque for our CNA, meron din story na may group who protested why they won't be able to receive CNA (for FAPs) and meron din na dahil daw na since may 20% increase and basic pay namin e un na daw ang bonus namin.. The what? Bonus na may tax?? Grabe talaga,,

Ang worst pa for this day was that nasira pa ang payroll system, hopefully it'll be fixed as promised and that we'll be able to get our salaries by 8pm..

Nagtatawanan na nga lang kami sa office, and sabi namin e "nga-nga" ang peg this christmas.. Hmmmm.. Okay lang.. Pero sa akin lang, sana naman e naisip nila na ang trabaho namin e tulad lang din naman sa trabaho nila so additonal benefits/compensation would not hurt naman di ba? Ewan ko.. Sabi ko na lang. Kung mero e di meron, kung wala e di wala..

Haaay naku.. Pero hindi na lang ako magpapa-apekto.. I still need to celebrate christmas no matter what. Pera lang yan, mas mahalaga e makasama mo yung mga taong mahal at importante sayo..

I'm sad but I can still be happy..

Advance Merry Christmas!!
Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Looking Back 2012 (Part I)





and dahil sa matagal nga akong walang naisulat, heto ako at bumabalik.. charot! hindi naman ako nag-ibang bansa, naging wala lang talaga akong oras para magsulat or magkwento ng mga kaganapan ko..

lagi ko lang nalilimutan, na ang blog ko e para sa mga kaganapan na dapat kong matandaan at maaaring mabalikan balang araw, para masabi ko:

    "ay, ang saya ko naman nun"
    "ay, kakainis nga yung taong yun!"
    "ay, dapat nga pala naging positibo ako"
    "ay, ang ganda-ganda ko talaga!!" charot ulit for the second time!



looking back on what 2012 has brought me:

JANUARY 

(work related)
pumunta sa cebu for a workshop for addiction practitioners. actually isang event/workshop yan na parang ang hirap gawan ng directions, so pag may mga tanung, refer to boss na lang. todo consult pa kami nyan sa mga academes on how we can help out our practitioners na hindi sila maaapektohan ng GCA..

but the nice thing about this trip, was i got the chance to go sa Simala church, to see various images ni Mama Mary. Bawat Mama Mary daw kasi e naka-link sa kung anung gusto mong mangyari. Meron yun gumaling, maka-graduate, magka-boyfriend, asawa or anak. Also, maganda history nung place na it started from a small "tungko" as we call it sa province them by the will of God, bumongga na siya to like a big church..

                                         

                                         



FEBRUARY

(work related)
travel naman to Baguio City! bongga ito kasi hindi naman ako nakakapunta lagi sa Baguio. Ewan ko, so yung punta ko e 3rd time ko palang. Una was with my sister and ex then second was with my family and again, exodus churvah. Wish ko sa 4th time ko e si RS naman kasama ko.. (eeeeeeeeeeeeeeeeehhhhh......)
at dahil nga sa isa akong relihiyosong tao, dumaan kami sa Pink Sisters para magdasal at humingi ng gabay..
sayang lang, hindi ko na makita yung jumpshot ko,.... mula sa taas! LOL

                                       

so, masaya naman ito kasi i got to see old faces na lagi ko nakikita sa mga workshop. Malungkot din on the other hand kasi this was the last activity pala na we'll be with our boss.. huhuhu...

                                      



MARCH

anu ba meron nung March?? naku, wala akong maisip ah... mejo wala pero dito na ako nagstart na maging against kay PM.. according sa mga posts ko nung March, ito na yung time na nagtatanong ako kung galit ba siya sa akin. Hindi kami magkaintindihan, nakikipag-matigasan ako ng very light.. galit-galitan ang peg.. hmmmmm....


APRIL

mejo masaya na ito kasi dito na yung nagpunta kami sa Puerto Galera ni RS after like 2 years yata..

                                     

                                    


Dito yung more more ang inom, less ang kain, more more ang inom.. Dito na rin ang time where I ended drinking coffee kasi feeling ko, basta may high level of caffeine, magpapalpitate ako.. and feeling ko, kape yun! Parang nasa isip ko lang naman pero alam ko pwede na naman akong uminom ng kape.

Lesson learned: 
Huwag kang maliligo sa dagat ng hindi ka pa kumakain, then iinom ka ng kape at energy drink.

Then bumalik ulit ako nito ng Cebu for a Strat Plan, nothing much happened. stayed lang sa hotel then umikot sa usual tourist spots sa Cebu City.


MAY

ito yung month na umuwe ang pinsan ko after 7 years. so nice to see him again..
simple lang mga kaganapan namin, went out to a bar and drink.. nakakatuwa lang nito kasi kahit same age kami, si papa niya was over protective. todo tanong kung paano kami aalis, saan kami pupunta, paano kami uuwe, sino kasama namin etc.

Buti na lang, nakalusot kami at sinabi niya na malaki na siya. "Big Boy na kaya ako!" aahahahaha
and yes, with the time we've had made me realize na, oo nga, may pinsan nga pala ako..






wala pa akong masabi naulit.. and okay na muna ito..
dito na lang muna.. saka na yng June to December.. ahahahaha...

Basta masasabi ko lang, mejo boring pala ng konti ang January to May ko. Puro work-related ang eksena ko, kokonti lang yung masasabi kong ako mismo ang nagdesisyon na gusto kong gawin.. haaaaayy.. anyways, okay lang naman kasi still, I had fun during those activities..

pak!




Testing

This is a test post.. Wala lang.. Hehehe


Happy weekend everyone!!

MAT ko


kanina may pinakita sa akin ang boss ko na isang type ng exam, basta natandaan ko e SRA Mental Alertness Test un. At dahil sa bibo ako, sabi ko sa kanya, sasagutan ko xa. Nagulat naman ako nung sinabi ni boss na for 20 minutes lang yun, aba naku! over naman, pero keri lang kasi hindi naman in real life yun exam at hindi isang requirement dito sa trabaho ko. ahahaha.

so exam, exam, exam.. after 20 minutes, after i-check ni boss..

i answered 100 out of 126 items.

yun pala, hindi naman kelangan na masagutan lahat, pero the more, the merrier yata ang labanan,
sabi ni boss, mas mataas daw yun quantitative ko kesa sa lnguistics,. i got 77.5% sa lingusitics then 97.8% sa quantitative. oh, di ba, bongga si quantitative!!

hindi ko alam kung para saan ang exam na ito, pero basta para ito sa employment..sabi nga nung nag-google ako about the test:


"helps measure an individual's ability to learn skills quickly, adjust to new situations, understand complex or subtle relationships and think flexibly"



at dahil sa nabasa ko, sige, keri na.. siguro hindi ako pang-training ek-ek, baka nga administrative talaga or technical ang forte ko dito sa work ko.. hmmmmmm.... change of job nature ba ito? hindi rin, all around naman ang ginagawa ko dito eh.. hehehe


and to show na totoo un scores, ito xa!




ayun yun Q na 77.5 at ung L na 97.8. ahahaha..
nakakahiya, item 2, mali agad!! vocabulary kasi na ngayon ko lang narinig, ahaha..


:)



update # 8



and yes, ang tagal before ako last nagpost dito ng something nakakatuwa, masaya or may sense. napansin ko kasi na puro update lang dito sa office ang mga sinasabi ko, at buti na lang wala akong officemate na nagbabasa ng blog na ito kung hindi, baka magamit pa ito against me.. ahahahaha.. pero char lang yun, sinasabi ko lang naman ang napapansin ko e, no more, no less.

so to start, napansin ko ang mga behavior, characteristic or sa tagalog na lang siguro, ugali ni PM.
   1. pabago-bago agad ng mood, hindi naman sa moody pero mamaya iiyak siya dahil sa stress mula kay ___________ then mamaya maririnig mo sa room tumatawa na nang malakas;
   2. hindi ko mawari ang kanyang ginagawa, kung nagffunction ba siya as a PM or as a COS for ___________;
   3. pag may isang bagay ka na binigay sa kanya, siguraduhin mong may extra kang copy kasi after ilang days, wala na yun copy niya. basta wala lang, nawala na or hihingi na naman siya ng bago.
   4. mahilig siyang magtask or mag-appoint appoint ng mga tao pero pag nagkagulo na, siya pa ang magtatanong kung sino ang taong in-charge sa isang bagay
   5. mahilig siyang magsabi na "ayaw ko na" pero hanggang sa ngayon, nandito pa rin siya


hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga napapansin ko sa kanya or kung bakit ba pinag-aaksayahan ko pa siya ng panahon, siguro natutuwa lang ako or nakakapagcompare ako ng aking sarili sa kanya. Hindi ko man hawak ang posisyon niya ngayon, naiisip ko lang, na siguro, sa takdang panahon at umabot ako sa kinalalagyan niya, hindi ako magiging ganyan.


sa susunod, maganda na ang isusulat ko, may picture na pati ulit.. ahahahaha


happy rainy season!

update # 7


matagal na rin akong walang update ah..
and i guess, kahit may mga nangyayaring eksena dito sa office na naiinis kami, nagagawa pa rin namin tumawa..

May 15, 2012
ipinagpaalam ang iba kong officemates for a mission, dahil kulang sa manpower
later na nung hapon na-confirm if available sila

ang mali namin: hindi namin na-text si PM
pero we're thinking since we're on the same group e okay lang yun, hiniram lang naman saka para naman yun sa kabutihan ng nakararami..


May 16, 2012
dumating ako and diretso sa pantry for breakfast, oh no! si PM andun, and since hindi na ako pwede umatras, e go na, kunwari happy happy and good morning everyone!

then ayun na ang tanong nya..
PM: oh, nasan ang mga MT?
me: uhm, nasa keme po today kasi may mission
PM: ha? naku, alam ba yan ni ___________? may order ba yan?
bakit hindi niyo sinabi? lagot na naman ako nyan...
me: hapon na po kasi namin na-confirm po
PM: naku, sa susunod ha, sabihin niyo ha..

then there goes the never-ending talk from PM.. and me, on the side, silent, eating my breakfast..

akala ko tapos na ung eksena until may tumawag from other office, asking kung nasan ang mga MTs namin, then i told the caller na nasa mission. inulit na naman na hindi namin pinapgpaalam. kasi daw, may tao daw from a certain agency na kakausapin e gusto daw ni _____________ e meron daw MT. so sabi ko, sige, pababalikin ko ang isa... kinuha pa ang number ng isang MT para tawagan din nila..

at meron pang isang tawag na kasunod..tungkol na naman sa mga MTs.. ang sabi sa akin, hindi raw alam ni _____________ kung nasan ang mga MTs then hinahanap daw.. tinanong daw kay PM, sabi daw ni PM e hindi raw niya alam, may tinanungan daw si PM kaninang umaga at may sumagot daw na hindi nya alam. e lahat kami dito sa office alam kung nasaan ang mga MTs (ding! may nanlalaglag sa amin...)

bumalik na ang mga MTs dito sa office at wala naman nagpatawag sa kanila na kung sino na para kausapin..

mga pag-iisip ko:
1. kung may tao na darating na galing sa isang agency, di ba pinaghahandaan un? at bakit hindi na dumating..
2. hindi agad agad naghahanap si PM ng tao, not unless napansin niya ng matagal na wala pa ang mga MTs
3. bakit ang laking issue ng hindi pagpapaalam kay ____________?? sa bagay, noon pa man, problema na niya yan..
4. bakit ang sagot ni PM kay __________ na tinanong siya kung nasaan ang mga MTs e "hindi ko alam", e wala naman siya idea kung nasaan sila di ba?? malay ba niya kung late..and dapat ang sasagot niya e "nasa office po" kung wala siyang idea na nasa mission sila
5. kelan kaya tumawag si ___________________ kay PM?
6. bluff lang ung tao from an agency




haaay..


*this happened today, nakakainis lang isipin..


see you again in 2014



after 7 long years, nakauwi na din ang pinsan ko. he only had his vacation for 2 weeks whereas, most of the time he spent with his parents, na hindi siya nakapasyal ng maayos or in the way he wanted.

so before he left the country last May 07, I decided that i have to go home.
straight from Bataan last May 5, I went straight to Quezon.

For the 2 whole days of staying in Quezon, with the pagod sa travel, sa puyat, it was all worth it to see that my cousin is very happy..


he even left me message in facebook..

                                   





this made me smile.. totoo nga ung nakita ko about cousins..




i shared because i think i have one of the best cousins in the world..


see you soon..

see you in 2014!


:)



the VERSATILE BLOGGER award





and naguluhan daw ako sa new eksena ng blogger.. yan kasi ang hirap pag matagal nang hindi nagbubukas..

nabasa ko yung blog ni Christian Bryan Macatulad and nakita ko yun The Versatile Blogger Award, meron palang mga ganon noh, at nagulat naman ako kasi kasama ako,, nag-isip ako at binasa ulit kung anu qualifications para makasama, un pala, nasa Rule # 3: ...bloggers you love .. chos!!

second, thank you din kay russell na isang beses ko palang nakita, at hindi ko alam kung masundan pa. sana naman masundan pa, siguro lang, need to find time para happy happy ulit ang nomo nomo di ba? hihihi.. thanks thanks sayo russ!! nakaka-tats lang ang sinabi mo dun at napag-isip ko talaga kung kelan ako sisikat.. LOL!!!

maraming salamat christian / bry / chan / POOH sa pag-include mo sa akin, nakakatuwang isipin na sa mga ganitong bagay e naalala mo ako as a friend, as a blogger (should I say), as someone you know..

:))


so sige,, ito na!

The rules of this award are the following:


1. Thank the blogger who gave you the award. Don't forget to link his/her blog. 

-done as above-stated... hihi


2. Post 7 random things about you.

a) natatakot akong uminom ng coffee at energy drink dahil sa naranasan kong severe palpitation noon, siguro kung decaf pwede na, pero energy drink, no thanks!

b) hindi ko bet yun mga hiking-hiking and mountaineering eksena, ayokong napapagod ako pagpunta sa destinasyon at pabalik sa pinanggalingan

c) isa akong pasensyosong tao at yun ang kalakasan ko

d) naniniwala ako na pagkatapos ng isang masayang pangyayari o pag may dumarating na pangyayari e may kasunod itong kalungkutan or somerthing na hindi masaya

e) hindi ako mahilig sa mga kakanin, feeling ko kasi mabigat yun sa tyan at mahihirapan akong gumalaw pagkatapos

f) natutunan ko na ang salitang HINDI / NO, na pwedeng gamitin kung kinakailangan at nararamdaman na dapat mong sabihin

g) i've had 1 girlfriend, 8 boyfriends prior to RS and 5 people, on top, i've had sex with (before RS)



3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.

in random order ito ha... hihihi
chan
mac
nimmy
leo
jepoydee
chuni
mico
conio
ron
louie
travis
russ
ryan
fox
Dboy





:)


update # 6

April 19, 2012 (Wednesday)
Around 4:100pm


A big event held in Region XI
Blood Pressure: 210
Blood Sugar: 300
in short, stroke attack

3rd time in 2 years
vertigo, weight loss
sick leave, long absences


nakita siya na may pinagagalitan, ang hula, noong umaga palang e parang galit na sa mga organizers at nawalan ng pasensya sa nagsasalita sa harap ng madla dahil sa katagalan ng presentasyon


---------------------------------------------------------------------------------------


prior to the above incident

PM called and was asking if the memo was already sent to proper recipients, asked who's doing the task and said:

"meron dito na ang sabi wala pang natatanggap, meron ngayon lang daw"
"anu ba ang mga ginagawa niyo jan?"

ganon agad ang tanong? hindi ba pwede na ganito na lang?

"nai-send na ba lahat ng memo? pa-double check naman or pa-confirm kung napadala na kina _________ kasi sabi ngayon lang daw nila na-receive eh"




tsk tsk tsk....

HolyWeek 2012 - 02

My holy week spent with RS in Puerto Galera was all worth it..


Good Friday
- went to the beach
- drink and alcohol semi-intoxication under the sun was my goal
- had another few drinks and got tipsy


Black Saturday
- went to Tamaraw Falls, which i found so malayo and not so ganda naman
- stayed under the sun and got drunk
- cooked good food for a celebration-ish like party to welcome Easter Sunday
- partial alcoholism, hello!!



Easter Sunday
- waiting for the boat to arrive
- suddenly palpitated that much, worrying if I was nearly suffering from heat stroke or hypo-glycemia or whatever
- semi panic
- had to have our boat schedule be changed as I badly needed medical attention

met an attending physician

then i was okay.

re-scheduled our departure from Puerto Galera to the next day
had a good rest


Araw ng Kagitingan

left Puerto Galera early morning
arrived Quezon City




                                                                                       me me me...

HolyWeek 2012!

All of these done with RS..


3:00am - gising na

3:30am - travel from fairview to Jam Liner Terminal in Kamias

4:15 - 5:30am - wait for the bus to depart going batangas pier

5:30 - 6:15am - travel from Kamias to Batangas Pier

6:30 - 7:30am - wait for the boat to depart from pier to white beach

7:30 - 8:45am - travel from pier to white besch

8:45 - 9:00am - walk from shores of white beach to the house



...and yes finally, we've done few things like to eat breakfast costing Php180 for a longsilog, chixsilog, bottle of mountain dew and bottle of royal; buy some grocery ina "market" suppod tod be area para makaptipid sa gastos sa food since the house allows us to cook our own food.. Hehehe.. Hindi ibig sabihin nakabakasyon ka e hindi ka na magtitipid, in short, kuripot.. Hehehehe..


Enjoy everyone,,

Advance Happy Easter!!



:)

update # 5

sa kanya mo talaga masasabi ang "ikaw na!!"


- pasensya kasi malayo ang mga murang hotel sa ayala sa cebu so change location
- bakit kelangan ng consultant?
- ilan ba ang mga facilities na yan?





tsk tsk tsk...


*my daily reminder

update # 4

first 
second 
third

at ito ang fourth:


i was called inside the office

PM: always smile, greet mo si ____________  pag nakita mo.
me: okay po.. lagi naman ako nag-gi-greet sa kanya pag nakikita ko xa
PM: oo nga, ewan ko ba,, kasi nga gawa nung sa cebu kaya parang nagalit,,
(nakasulat daw ako sa order pero hindi ako sumama)
PM: sabi ko nga e "baka po may mahalagang rason"

me saying to myself:
1. bakit kelangan mo pang sabihin kasi e pwede naman na hindi. kung hindi mo sana sinabi, there would have been no issue
2. bakit yung ang sinabi mo e alam mo naman ang dahilan kung bakit ako hindi makakasama di ba,
walang matitira sa office, madaming updating to do considering umalis si immediate supervisor ko
3. i thought it was okay na hindi na ako sasama..

PM: basta prove to him na you're deserving to be in this program, pakita mo . prove yourself to him./.

Me saying again to myself:
okay lang,, pero ako pa, magpprove na deserving ako sa program e nakikita mo naman ang mga trabaho ko di ba?/

PM: basta don't get demoralized ha..
me: ah,, opo,, wala po yun..

then i went out to her office..

realization ko lang, uso ang laglagan pala talaga.. okay lang, I'll be humble and will just work and be a performer that I am..

------------------------------------------------------------------------


anu pa ba?

1. hindi ako nakasama sa immersion, ang purpose sana  nun e para makapag-validate ang program ng modality being used ng mga centers.. sige lang, unahin daw ang mga TRCs.. gow!

2. my name was excluded to be one of the technical secretariat sa isang SPB dito sa amin.. keri lang,, nakasulat naman daw kasi "representative" .. dagdaga trabaho din yun kaya keri lang na hindi maisama ako.. bakit tinanggal? kasi pag nakita ang name ko e hindi pipirmahan ang order na yun e hindi naman yun pwede isa-alang alang dahil lang sa akin..

3. come 3rd week of april 2012, strat planning and again, hindi ako kasama.. hahaha.. bahala silang maghagilap ng magiging technical secretariat.. natawa nga ako kanina eh..

PM: sino pa ba dito ang magaling magdocument or pwede as secretariat?
Me: uhm,, ako po, magaling po ako.. ahahaha
PM: ___________________


ahahahha...

wala lang..





*this is intended to document scenarios here in the office.. meron pa pala.,. try ko bukas.. hehehehe

HAPPY BIRTHDAY RS!

actually this is a late post to greet my partner RS.. 
birthday niya kahapon e,, hihihi



HAPPY BIRTHDAY SA'YO MAHAL KO!!


basta alam mo na!
hehehehe


wabshu!!

taken personally (?)

questions:

1. should you really report to him that i didn't join you?
2. just wondering, in what manner you told him that I was not able to join you..

I guess, this is the effect.. i was taken personally (?)
by PM or by ________________?? LOL!!


But it's totally fine,

i can be with RS on our anniversary
i can be with RS on his birthday
i can hopefully be with my bestfriend on his birthday


yipeeee!!




** ust to remind me this happened

Next week: Feb 27 to Mar 02

LUGAR: kung saan ko ito isinusulat.

maraming pwedeng mangyari sa loob ng isang linggo..
maraming pwedeng magbago sa loob ng isang linggo..


pwedeng may madagdag..
pwedeng may mawala..


maaring may tumawa..
maaring may magalit..
maaring may umiyak..



dahil ito sa nakalipas na pagbabago.


ako, handa akong mag-adjust, sabi nga ng CV ko noon, "flexible and can adjust to any situation"
so ang resulta, paninindigan ko. kaya ko naman makihalo, kaya ko naman sumunod.
keeping up the faith that eventually something will happen..

sa susunod na linggo, isang bonggang balitaktakan na naman ito..
how do i feel? excited!





(this entry intends to remind me of what happened, 2012)

syet!! blog anniversary ko pala!!

well, well, well,, dahil sa katamaran ko at mga sentimyento sa buhay e nalimutan kong anniverary na pala ulit ng blog ko.. hehehhee

so isang bonggang-bonggang pagbati na lang sa aking blog!!


HAPPY IKATLONG TAON!!


at dahil jan, may maikli akong sulat



para sa aking blog,

salamat sa mga panahon hindi mo iniwan kung kinakailangan kita. Ikaw ang nagsilbing absorber ng lahat ng mga pangyayari ko sa buhay, maging maganda man yun or hindi. maging masaya man o malungkot, may katuturan man o wala. Pinakita mo sa akin na mahalaga ako sa'yo. Na sa bawat pagtulpok ko ng mga titik ay magaan mo itong tinatanggap at bukas loob na ipinapahayag..

wag kang mawawala sa akin dahil isa ka sa malaking parte ng buhay ko..



sumusulat, 
kiko/ceiboh



----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

para sa aking mga taga-sunod,

salamat sa pagsunod at nawa'y kahit papaano e nagbibigay ako ng aliw at minsan pag-iisip o kahit ng antok sa oras ng naisip niyong bisitahin ang blog ko pag kayo'y inaantok. hehehe.. lahat kayo ay naging mabait sa akin sa nagdaan na taon at ito ay aking lubos na ikinalulugod. hinihiling ko lang sa lahat na sana magpatuloy tayong maging matapang sa paglalahad ng ating mga naiisip, dahil sa bawat kwarto ng ating mga blogs, walang pwedeng pumigil sa atin kundi ang mga sarili lamang natin. Tayo, at tayo lang ang boss ng bawat blogs na ating pag-aari..

salamat sa mga komento, sa pag-view, sa pag alala sa aking pangalan at ganon na din sa pakikitungo sa labas ng blogger.. maraming salamat..


sumusulat, 
kiko/ceiboh








oh, keribels na ito.. mairaos lang ang aking anniversary.. yipeeeee!!!!

continuum of change: A RANT

i just need to vent this out..


eto na nga ang sinasabi ko..

dumating si new boss. sige, may mga bago siyang pamamaraan na hindi namin nakasanayan, Andun na yun.. kasi siya din naman mahihirapan pagdating kay __________ daw, so tulungan daw namin siya, magtulungan daw kami..

(sige, we can help, i can help. we understand where you're coming from)

(the words she said, may be fabricated but the thought is there)
"hindi ko maramdaman na welcome na ako, iparamdam niyo sana na welcome ako.."


"respeto, respetuhin niyo naman sana ako.."

"pag may inuutos, parang hindi sinusunod.." (with teary eyes)


akala ko tapos na...


A: oh, ikaw ba, sasama ka sa cebu? sige, sabay na lang tayo ng tuesday.
ME: hindi ko nga po alam kasi wala pa po si mam lhong (my immediate supervisor) magsasabi pa po ako..


earlier, i already told her na wala si mam lhong this week, at hindi ako pwede mawala next week. hindi ko sure kung papayagan ako ni mam lhong kasi baka madami kaming gawin sa office. 


A: bakit, may lakad ba kayo? may meeting ba kayo?
ME: hindi ko po alam pa.. pero parang wala naman po naka-sched pa.. kasi mam, magsasabi pa po ako kung papayag siya..

A: oh, e h, sino ba ang dapat masusunod dito,? (again, i didnt get her exact words kasi mabilis siyang magsalita. But the thought, i know it points out to who should i be following)

ME:e mam, hindi po sa ganon,, kasi po.. (with my malambing tone and voice)
A: (raised hand) hindi, okay na.. tama na.. okay na..



I am trying to find words to explain the situation, then there you are, stopping me from explaining. How would you understand?

why is it so hard for you to understand I can't just leave the office without the permission of my "immediate supervisor". Then in one way or the other, you would say that people from our office ain't following you..


Sabi mo, okay na? sige, okay na..


I'll do my job, you do your job.. and sometimes, don't assume that when you ask something from us and we didn't give it asap or we say we don't have it or we don't have any idea about it, don't feel like we're not helping you..


minsan, maaaring hindi talaga namin alam.

change: BPR

another big change in the office, the transfer of our program manager, BPR, to another agency. He said that if it was not for ________________, he would not leave. I think it's more of management and career growth issues. Of him being so good as our program manager, any agency would actually be more than willing to hire him, or should i say, "pirate" him.


I remember during a speech of his new superior, it was mentioned that the transfer of BPR is really a loss to our office but a gain in theirs. It could be void actually, he just have to let the period where he should take his oath. But seems this is more than an
opportunity for him so why let it pass.


I remember a story told by our co-workers during one of our flag ceremonies, which i didn't attend. When the announcement came relative to BPR transferring, everyone clapped except for my co-workers.


The incident of us being left by our superiors has happened 3 times already. It is really a sad reality but on the other hand, it makes us strong and willful to continue our advocacies and activities without them, to show that the people they left can be trusted to never let the program down.


For sure, he will be missed.
and anyhow, he's jsut a phone call away..


This pic was supposed to be taken with me and BPR only, e biglang sumama yung iba..
 #hateit.. ahahaha

So back..

Yes, after like 4 days being in the city of pines, I am now back here in Manila.. Again, I went there for work of course and not because of vacation or something...

If I may say, masaya ang mga na nangyari sa Baguio,, basta ang saya-saya talaga.. Hehehe.. I'll try to make an entry about my baguio activity next week,, basta natatawa na Lang ako... Ahahahaha.....



Me: haggard!!

Nothing much..

nothing much i can think about now..





a bit exhausted

and

drained






but still restless

to think of...

to think for...

to think on...

to think...







haaayst..





i know this will all pass
but one thing's for sure














nakaka-stress pala talaga ang mag-isip ng mga bagay na hindi mo dapat iniisip..
dapat tanggapin ang lahat ng bukas sa kalooban..







random: me had a dream...

siguro sa sobrang pagod kakaiba ang mga napapaniginipan ko.


sino ba naman ang may sabi sa akin na umalis ng manila to CDO ng monday at bumalik ng tuesday ng hapon.. technically, i was there for like 29 hours.. LOL!!! work related naman kaya hindi po ako nagbakasyon..


okay, back sa dream, hindi naman yun tipong naging isang fairy ako at iba't-ibang uri ng hayop tulad ng mga series ni Barbie.. ahahaha.. pero yung mga weird na hindi ko alam.. sana maalala ko pa..


1. i was with someone dun sa dream ko. we ate somewhere ng chicken at hindi ko alam bakit chicken yun kinain namin e parang isang seafood restaurant yung pinuntahan namin,,

2. me walking sa stairs na may uber colorful na walls,, as in makulay lang siya,, akyat ako ng akyat ng akyat hanggang wala ng next floor..

3. found myself buying out sa isang store then sa sobrang tagal parang nagalit ako dun sa tindera and i walked out na lang..

4. maya-maya e nasa isang parang parking lot na ako, feeling may sasakyan daw ako.. parang hinahanap ko yung sasakyan pero parang mali ako ng napuntahan. madilim at parang wala akong nakikita na ibang tao..


bsta putol putol.. ewan ko..
ito lang naalala ko but still i think it's worth noting this one, baka mamaya magkatotoo. at kung magkatotoo e alam ko na gagawin ko..



hehehehehe

hello cebu for the second time

as part of our activity sa office, we went to cebu to conduct an activity for stakeholders living in the visayas and mindanao region. ang napansin ko lang e parang hindi pala nila un masyado bet, but mas bet nila na sa manila or somewhere. Pero dahil sa kelangan nasa lugar kami na malapit sa kanila para mas tipid sa pamasahe nila e dun na lang kami pumunta,, bakit ba? e gusto ng mga taga-Luzon ang cebu eh,, ahahaha

first stop sa simala church.. sorry but hindi ko tanda ung real name nya,, pero sa pagkaka-recall ko, simala.. uber ganda ang uber laki..




yung activity namin, sa DepEd Ecotech Center, mejo malayo sa kabihasnan and being me na walang alam sa lugar, hindi lumabas sa gabi not until nung ininvite na kami to unwind.. hehehehe.. i'll just show some of the pics i got..




this was during the fellowship night, parang ang organized masyado noh, sabi ko nga,, fellowship night ito translated to a prayer meeting,, ahahaha




ito naman yung coffee namin to keep us awake..LOL!!



then, ito na yung time na nag-unwind kami..

wala ako pic dun sa Mr.A na restaurant kasi pag nagpicture ako, puro dilim lang nakikita ko.. it's an overlooking place na malamig and maganda naman talaga.. nakakatanggal ng stress.. so pumikit na lang kayo then isipin mo may mga ilaw ilaw na dilaw.. ahahaha


then we decided to eat sa isang restaurant sa IT Park, sabi ko nga, ito pala ang IT Park, at least nakita ko siya (curious lang) puro building ng mga BPO,, sila na ang maganda ang lugar..




big burger




big choco shake




and on our last day, kunwari tourist kami.. inubos lang ang isang whole day before our flight para makita ang mga ito..

plantation bay 2nd time around, me wanting to swim and to stay.. ganda ganda talaga!!




mactan shrine na first time ko makapunta,, mainit ang lugar, walang tao masyado..









after sa mga ginawa namin, at pinuntahan,, still, gusto kong bumalik sa cebu..

hello hello sa inyo!

hello hello sa lahat ulit.. i was supposed to have one entry by the end of january kaso sa hindi ko maintindihan problema e hindi siya na post.. the entry was more of like a random post at excited an excited pa ako then yun pala e hindi nga siya na post..

anyways,, hayaan ko na lang siya,, so this will be the first post I'll have for 2012..

anu ba meron?

parang busy much ang inyong lingkod dahil sa pinupukpok kami ng mga activities sa office,, kailangan magpakitang gilas in terms of accomplishment lalo na at first quarter pa lang ng year.. and again, when we say activities, it means travel sa amin,, we conduct training/consultative workshop to various stakeholders relative to the thrust of our program. mahirap na toxic siya but at the same time e masaya din naman,, you have to find fun/enjoyment sa mga bagay na ginagawa para hindi ka maumay di ba?? LOL!!

well,, happy 2012 sa lahat kahit late na..
at dahil sa "love month" ngayon, may we all find happiness we deserve!!