DAY 05: THE TIME YOU THOUGHT ABOUT ENDING YOUR LIFE

grabe naman ang dapat kong pag-isipan sa araw na ito.. the time i thought about ending my life.

Sa totoo lang, hindi ko pa naman iyon naiisip. Hindi ko naman sinasabi na masayang-masaya ang aking buhay, normal lang din naman. May mga times na malungkot ako, magagalitin, mainisin pero hindi ko naisip na magpakamatay sa kahit anung paraan like paglalaslas, pagbibigti, pagtalon sa building, pagpapasagasa sa motor, paghiwa ng vena cava ko or pagsaksak sa sarili. 


Sabi ng boss ko sa akin, may maganda daw akong support system and sa nakikita daw niya, hindi daw ako prone sa depression. Sa aking palagay kasi, yung mga na-totally depressed people and mahilig magpakamatay, sila yun mga nawalan na ng pag-asa sa buhay, yung feeling nila, wala na silang silbi or dahil may nagawa silang isang bagay na hindi nila alam kung paano masosolusyunan. Pero kung iisipin mo, sila yung mga tao na dapat dinadamayan natin, para maramdaman nila na mas masarap mabuhay, mahirap man, at least alam natin na buhay tayo kasi pag patay na tayo, hindi mo naman talaga alam kung magiging kaluluwa tayo or parang blank na lang ba ang thoughts natin? hindi ko rin alam kasi never ko pa naman na - experience ang ma-dead. hihihi..


at sana naman, huwag dumating sa buhay ko na gustuhin kong tapusin ang aking makulay na buhay. Pero, pero, pero... YEYS!! Pero kung dumating man yun, sana maging matapang ako at ma-rationalize ko na tama ang gagawin kong yun. 

No comments:

Post a Comment