DAY 06: WRITE 30 INTERESTING FACTS ABOUT YOURSELF

ayaw na ayaw ko ng ganito.. parang wala akong maisip na INTERESTING about me.
pero sa pagpiga ng utak ko, ito na!


1. hindi ako kumakain ng hipon, alamang, crab, alimango, talangka o suso

2. born and raised ako sa Quezon Province, it was only until I started working kaya nandito na ako sa manila

3. marami akong balahibo sa mukha, hindi naman ako balbon sa dibdib

4. mahilig ako sa banana cake, banana loaf, banana cupcake, lahat ng gawa sa banana

5. isa akong premature baby and 2 months akong nagstay sa loob ng incubator

6. may dimple ako sa left cheek

7. currently, i am with my 2nd work employer and nangangarap akong dito na ako magtagal

8. gusto kong mag-masters kaso wala akong pera, feeling ko hindi ko kaya ang tuition, gusto ko sa microbio or ung sa education

9. kung hindi ako nasadlak sa current work ko ngayon, isa na ako sigurong guro sa kolehiyo sa aming probinsya

10. napuntahan ko na ang visayas and mindanao region, salamat sa aking trabaho.. hihihi

11. hindi ako mataba, payat lang ako at simpleng tao

12. mabilis akong kumilos pagkatapos maligo pero bago maligo, matagal at patamad-tamad pa

13. super like ko manuod ng mga cartoons

14. hindi ako fan ng swimming at mga beach beach, yung sapat sapat lang na "i love the sun, i love the water" ang drama, hindi yun tipong "to die for"

15. i graduated with a GPA of 1.76 and technically, wala akong award kasi landi ako ng landi nun.. LOL

16. mahilig akong matulog at matulog ng matulog hangga't pwedeng tumulog

17. never pa akong nagpa-semikalbo haircut and i am dying one day ma-experience ko siya

18. i can wiggle my ears, feeling ko kasi talent ko yun

19. nakapagluto na ako ng chicken adobo, chicken afritada at fried chicken

20. bunso nga pala ako sa 3 magkakapatid, kamukha ko much ung panganay namin, yung sister ko

21. marunong akong magplay ng piano at guitar, can somehow read notes as well

22. mama's boy ako

23. madali tandaan birthday ko kasi araw yun ng kamatayan ni Jose Rizal

24. eto ang edak ko ngayon

25. lagi akong sumusuka sa umaga ng very lightly pag magtu-toothbrush na ako, bet ko lang at masakit yun in fairness

26. ako ang taong walang sports na kinareer, kahit jogging, hindi ko sinubok

27. wala akong alam sa mga cars, mechanics, airplanes, boats and all those manly stuff

28. Disney's "Aladdin" ang kauna-unahan movie na napanuod ko sa sinehan

29. akala ko nung bata ako, ang mundo ay ang pilipinas lang, mali pala ako, malaki pala iyon at may hugis "oblate spheroid" char!

30. so much love ko si RS, ang aking partner - this for me is really interesting.. hahahaha


hmmm.. para naman hindi interesting.. hihih

10 comments:

  1. thanks for sharing this sis. naloka lang ako sa 25. bolimic ang drama? lol.

    ReplyDelete
  2. hihihi.. very welcome, sana nag-enjoy ka kahit panget ung gawa ko..

    pero totoomm ewan ko, suka ako ngsuka, ung parang laway lang ang lumalabas or gastric juices they say..

    ReplyDelete
  3. you have the same birth date as my mom. u must be a wonderful person also!

    ReplyDelete
  4. Hindi mahilig sa hipon... mahilig sa banana... no comment. LOL

    and...

    Akala ko ako lang ang marunong mag wiggle ng ear! Ikaw din pala! Too bad wala na kong unique talent... haha

    ReplyDelete
  5. wow!marzee!biruin mo day 6 na pala! :) vongga nitez!

    ReplyDelete
  6. @travis> yes!! im a wonderful person,, char!! for sure, ur mom's one of the best moms in town!

    @xall> bsta yun na yun!! klk!

    @yehoshue> yes! bilis noh... this keeps me going and going and going.

    ReplyDelete
  7. parepareho tayo sa numbers 1, 13, 14, 26 hehehehe

    ReplyDelete
  8. .. and yes.. i seriously love u so much also.. i am all yours.. rs

    ReplyDelete
  9. talino!
    at, kinilig lang kay RS. LOL

    ReplyDelete
  10. @lonewolf> naku naku,, galing naman,, apir!! hehehe.. tayo na ang bum, walang sports!

    @green> gnon talaga, kilig kilig lang ang drama.. hehehe

    @RS> eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeehhhhhh.... arti arti!! ahaha

    ReplyDelete